Wrong Send

193 6 9
                                    

MJ: 12:59 am |Thursday|

Hi! JM! Gusto ko lang sana magsabi sa'yo ng totoo. Akalain mo 'yun? Sobrang tagal na pala akong nagtatago ng isang malaking sikreto sa buong Grade Six, high school life ko at ngayong magtatapos na ako ng college, isa parin siyang malaking sikreto na ngayon ko lang ibubunyag.

Dito, sasabihin ko lahat. Lahat-lahat. Kung ano ba talaga ang mga nararamdaman ko habang crush kita.

So...hindi ako sigurado kung babasahin mo ito o hindi mo babasahin.

Simulan ko na.

Ilang taon narin pala, 12 years.

12 years na pala kitang crush.

Sa labing-dalawang taon na 'yun. Ang dami nating napagdaanan este napagdaan ko pala habang crush kita.

I Una kitang naging crush nung grade six tayo, actually earthwake drill kita unang nasilayan, ang epic ko panga nun kasi ang harot ko nung earthquake drill. At first, hindi kita super crush dahil fulltime fangirl ako.

On going yung pagiging grade six natin at nalaman kong 14 kana that time. Syempre, normal na estudyante ako kaya tinanong ko sa mga classmate ko kung nay Facebook ka at syempre in-add kita. Sobrang tuwang tuwa ako noon dahil saktuhang laban ko sa badminton. Isa ka sa insipirasyon ko that time. Nag chat tayo, sabi mo 'good luck' ini-screen shot ko 'yun kagaya ng ginawa ko sa pag 'good kuck' sa akin at pag notice sa akin ng idol ko. Sobrang saya ko talaga that time.

Kinabukasan laban na namin at luckily nanalo ako at dahil sa inyo 'yun na mga inspirasyon ko.

Sabi mo 'congrats' sa chat. Second day ko 'yun na naka-chat kita. Nabalitaan mo iyon nang umakyat kami sa stage para parangalan dahil naibandera namin ang pangalan ng school. Diba, bongga ang friend este 'stranger person whoy chats you' mo 'nun?

Hanggang sa dumating sa pagkakataon na naging student teacher ang section namin dahil may event ang mga teacher at sakutuhang yoon talaga ang event that week.

Naging isa ako sa principal kaso sa Grade two. Malayo sa iyo. Pero naisip ko na, nothing to worry about dahil hindi naman ako teacher.

Famous kaya ang section niyo nun! Kasi nung na assign ang isa sa pinakamaganda sa section namin na sa 7th section siya mapupunta eh talaga namang sigawan.

Then, nagstart na ang pagpunta sa mga classroom habang ako kinakausap yung mga teacher dahil may binibilin sila.

Dahil nga principal ako, naglibot libot lang ako. Minsan pumapasok sa classroom dahil gusto ko rin magturo that it turns out na natagalan ako dahil feel na feel ko talaga.

After that, pumunta ako sa building ng grade six at pinaghahanap si ate Yrrah, bestfriend ko, dahil siya ang student principal ng Grade six. Kakausapin ko siya dahil magre-recess na at ayokong madaganan ang mga maliliit na Grade two laban sa malalaking Grade six. Mahilig si tadhanang maglaro kaya naabutan ko si ate Yrrah sa classroom niyo. Nang pumasok ako, hindi ko inaasahang babatiin niyo ako ng "Good Morning Miss Principal Onil-" 'yun ngalang hindi niyo alam ang tamang pagbigkas sa apelido ko kaya napatingin ako kaya ateYccah at natawa. It turns out na tinawanan niyo ako dahil nasa gitna talaga ako dumaan. Bigla pa nga may sumigaw ng "JM, ang ganda naman ng may crush sa'yo" that hits me dahil alam pala ng section niyo at ng teacher niyo na crush kita dahil sa kagagawan ng ka co player ko sa badminton na classmate mo.

Shit yun.

Tumingin ako sa iyo nun at saktong tumingin ka sa akin at napa smirk sabay ngiti. Sa sobrang gwapo mo sa hinawa mong iyon, hindi ko alam kung saan ako mahihiya dahil hindi naman talaga ako maganda at mukha lang talaga akong kagalang galang nung grade six tayo. But it turns out na umalis na ako pagkatapos kong sabihan si ate Yccah.

Wrong SendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon