Chapter 126: AKALA KO

273 3 0
                                    

Sementeryo.

Medyo madilim na rin nung naisipan na naming dumayo ng sementeryo. Sobrang dami ng tao sa sementeryo kaya siksikan na rin at ang kikipot na ng daan papuntang loob ng sementeryo. May mga pamilyang nandoon na mula pa kaninang umaga at doon na kumain at nagluto ng hapunan.

Sobrang liwanag naman dahil sa mga kandilang nakasindi sa kanya kanyang puntod.

Hiwalay yung lugar nila Mark sa amin kaya nakahinga rin ako ng maluwag.

Dumating din si Lola pero wala pa si Papa. Hindi na ata makakarating yon eh.

Nagsindi lang ako ng kandila para sa mga pinsan, kapatid at lola't lolo ni Papa sa tuhod. Taga Maynila si Mama kaya wala siyang kamaganak dito. Hindi na niya nagawang lumuwas kasi magulo din ang pamilya ni Mama.

Ewan. Pero hindi ko na masyado iniinda yon dahil hindi ko naman talaga sila NAKILALA kahit kailan. Wala akong nakilala ng matagal sa pamilya ni Mama. At ayaw ko din na pumunta siya ng Maynila. Mamaya, magkita sila don ng tatay ko. AYAW KO MANGYARI YON. Hindi ko siya papayagang lumuwas maliban nalang kung si Papa ang kasama niya.

Naupo ako sa nitso ni 'Baby Yuan'. Pamangkin ni Papa na namatay dahil sa aksidente kasama si Tito Gerald, kapatid ni Papa.

Tahimik lang ako doon habang kinukutkot ko yung mga kuko ko. Maya maya, nag vibrate yung phone ko.

"Ashleen. :("
Sender: Mark Gemeniano

Nawalan na ako ng gana magreply non. Kaya hindi ko nalang pinansin. Tinago ko ulit yon sa bulsa ko at kumuha ng bottled water sa bayong na dala dala ni Mama na puno ng mga pagkain.

Tumabi sa akin si Ate sa kinauupuan ko at hinarap niya sa akin yung screen ng phone niya.

Message From: Mark G.
"Shaley. Pakisabi naman sa kapatid mo, magreply naman siya sa akin. Kanina pa niya iniisnab mga messages at tawag ko."

Tumingin lang ako kay Ate at umiling ako.

"Hmm? Bakit ayaw mo makipagusap sa kanya?"

Di ako umimik.

"Nalaman na ni Wendy na...may something pa rin kayong dalawa?"

"Di naman yon tanga e. Kahit naman hindi namin sabihin yung totoo, alam naman niyang meron na talaga. Pinagpilitan lang niya yung sarili niya."

"Akala ko ba... Si Wendy ang nasa TAMA?"

"Tama naman si Allen. Mali din naman si Wendy..."

"Pero siya pa rin yung girlfriend, Ash."

Hindi ulit ako nakasagot.

"But don't get me wrong... Syempre.. Sa side mo ko. Kaya lang... mas maayos kung sinabi niyo na nang mas maaga di ba? Kesa yung lagi niyong inuudlot dahil sa mga pangyyari."

"Nangyari na eh."

"Yun na nga. Nangyari na. Ano pang sense kung magiinarte ka pa dyan? Kausapin mo na si Mark."

Umiling ulit ako. Di ko feel makipagusap.

"Ayaw mo ba siya kausapin dahil sa sinabi sayo ni Wendy kanina? Na...matapos mong itapon..."

"WAG MO NANG ITULOY." Sagot ko sa kanya.

Uulitin pa niya eh. Sakit sakit na nga non. Sino naman kasing nagsabing TINAPON ko si Mark?

"O.. Kita mo na! Sabi ko na nga ba't yon ang dahilan e."

Nang biglang sumulpot si Mark sa harap namin. Nabigla ako.

"Uhm. Excuse lang po. Pwede ho bang...makausap si Ashleen!?" Pagpapaalam ni Mark sa Mama ko.

Napatingin sa akin si Mama kaya tumayo ako at dahan dahang naglakad papunta kay Mark.

"Excuse lang po." Sabi ko kay Mama at kay Lola.

Naglakad lakad kami sa paligid habang kumakain ng fishball.

"Anong balak mo?...." Mahina niyang tinanong sa akin.

Napatigil ako sa paglakad at napatingin sa kanya.

"Balak ko?"

Umupo siya sa isang malaking bato at sumubo ng isang fishball. Sinundan ko lang siya ng tingin.

"Gusto mo muna bang magpahinga?" Seryosong tanong niya sa akin.

Kumunot yung noo ko sa sinasabi niya.

"Hindi ko nararamdamang pagod ako." Seryoso ko ring sagot sa kanya.

"Pahinga sa atin...."

Hindi siya makatingin ng diretso sa akin. Sa damo siya nakatingin.

"Anong ibig mong sabihin?"

Gusto ko lang linawin para malaman kung tama ang pagkakaintindi ko sa sinabi niya. Medyo bumilis yung kabog ng puso ko.

"Break muna...."

Hindi ako nakasagot kaagad. Nakatayo at nakatitig lang ako sa kanya habang hawak hawak ko yung cup ng sauce ng fishball. Hindi siya tumitingin sa akin ng diretso.

"Magpalamig muna tayong lahat." Dagdag pa niya.

Nakaramdam ako ng sama ng loob nung mga oras na iyon. Hindi ako makapagsalita kasi nangingilid na naman luha ko. Nakatayo lang ako sa harap niya. Ni hindi na nga ako makakain.

"Saka nalang muna tayo. Kapag okay na....."

Hindi pa niya natatapos yung sasabihin niya nang ibinalibag ko sa kanya yung plastic cup ng fishball ko. Napatingin siya agad sa akin at nagwalk out ako.

Hinabol niya ako at hinablot yung braso ko saka hinawakan yung dalawang kamay ko. Tumingin siya dalawang mata ko at ganun din ako sa kanya.

"AAYUSIN KO LANG YUNG KAY WENDY. At pagkatapos non...... ----"

"Pagkatapos non, yung SA ATIN naman ang aayusin mo? Pano kung sa panahon na yun, sasabihin ko sa'yong AYAW KO NA?"

"Ashleen naman..."

"Pano kung magsawa na ako? Kung mainip na ako? Ha? Ano?"

"Ash..."

"Ano? ANONG GAGAWIN MO?! Ha?!"

Napapikit siya.

"Ash.... Mahal kita."

"AYAW KO NANG MARINIG YAN. At wag na wag mo nang uulitin yan."

*SILENCE*

Inalis ko yung mga kamay ko sa mga kamay niya.

"Gusto mo talagang gawin to?!" Seryoso kong tanong sa kanya.

Hindi siya makasagot sa akin at napapahipo siya sa noo niya na para bang hindi na niya alam kung ano ang gagawin niya.

"Kailangan lang."

"Kailangang ako ang isuko mo?"

"Hindi kita sinusuko. Gusto ko lang na maging masaya ka kapag ako ang kasama mo. Hindi yung naiipit ka sa gulo. Hindi yung ganito."

"MASAYA ako, Mark."

"Hindi ka masaya. Nasasaktan ka. Sinasaktan ka nila e."

"Kahit anong sabihin nila, kahit anong gawin nila...wala naman silang magagawa para matinag tayong dalawa."

"Ash. Gusto kong ayusin to."

"So wala na?!..."

Umiling siya sa akin.

"Pahinga lang muna tayo."

"AYOKO MAGPAHINGA. Nakakamatay ang magpahinga kapag nasa kalagitnaan ka ng laban. It's either lalaban tayo, o tatapusin mo to."

"ASHLEEN. Ano ba? Wag mo naman akong papiliin. Hindi kita isusuko kahit kailan. Hindi ko gagawin yun sayo. Cool-off lang."

"COOL OFF NA NAMAN? Tulad ng ginawa mo kay Wendy? COOL OFF NA NAMAN. E kung idemand kong MAGSTAY ka dahil ayoko makipag cool-off, pagbibigyan mo ba ako?"

"Ash. Magpakamature nalang muna tayo. Wag na tayong makisabay sa immaturities ng ibang tao."

"So sinasabi mong immature ako?"

"Hindi na tayo magwowork kung may isang taong pilit tayong paghihiwalayin."

"TAO LANG SI WENDY. Makakamove on din siya. Hindi siya habang buhay aasa sayo. Hindi siya habambuhay magiging ganito."

"Alam ko..."

"At ang gusto mong gawin, hintayin natin yung time na yun?! Ganon ba?"

"Palalamigin muna natin ang lahat."

"Gusto mong ilagay kita sa loob ng freezer?"

"ASHLEEN. :("

"PINILI kita. Pinili kong makipaglaban kasama ka. Di ba ikaw pa nga ang nagsabi sa akin na MAGKASAMA tayo sa lahat.. Tas ngayon, gusto mong magpahinga? Gusto mong ikaw lang ang lumaban? Ang unfair mo naman. Sinimulan na natin tong magkasama tas....tatapusin mo nang ikaw lang magisa?"

"Ayaw lang kita nakikitang nahihirapan."

Napapailing ako.

"Itutuloy natin? O tatapusin na natin to?"

"Tatapusin natin."

Tumulo luha ko don. Leche to. :'( Wala na akong naisagot sa kanya kaya tumango nalang ako.

"Gusto ko lang tandaan mo na IKAW ang nag desisyon niyan."

Tumango lang siya sa akin.

ANO BA?! :( Lecheng lalaki to. Buwisit. Naiiyak na talaga ako. :'(

Tatalikuran ko na sana siya pero bigla niyang hinawakan ulit palad ko.

"Tatapusin natin to...ng magkasama."

:( Awwww.

Akala ko... :( Leche. :'( Bigla akong napayakap sa kanya at lalo pang naiyak. Tae kasi e.

Akala ko... :(

"Akala ko...yaw muna... :'(" Buwisit ka." Sabi ko sakanya habang umiiyak ako sa damit niya.

Hindi siya sumagot sa akin at yinakap lang din niya ako. :/
----------------
Mark's POV

Hinatid ko muna si Ashleen sa lugar nila sa sementeryo saka bumalik sa amin.

8PM na ng gabi.

Nadatnan ko si Wendy na nagtitirik ng isang malaking kandila sa isang tabi. Para siguro sa nanay niya. :/ Hindi naman siya umiiyak o ano.. Siguro ay tanggap na rin talaga niya.

Una kong kinausap si Jayem.

"Insan..."

Tumingin lang siya sa akin saka nag cellphone ulit.

"SORRY NA."

"Bakit sa akin?" Sagot niya sa akin.

"Alam ko namang apektado ka rin sa nangyari sa amin nila Wendy."

"Ayaw ko lang siyang nakikitang nagkakaganyan, insan."

"Maski ako. Pero.. Kailangan ko lang naman talagang pumili e."

"Alam ko.. Alam ko rin na sobrang mahal mo si Ashleen..."

"Muntik ko na siyang bitawan..." Mahina kong nasabi sa kanya.

Nabigla siya sa sinabi ko.

"Bitawan? Si Ashleen?"

Tumango ako.

"Kanina.. Muntik na akong bumitaw sa amin."

"Bakit mo ginawa yon?"

"Kasi ayaw ko rin naman nakikitang nahihirapan si Ashleen. Mahal ko yung tao."

"E bat hindi mo tinuloy?"

"Di kaya insan. Di ko kaya."

"Madali lang naman akong kausap insan... Pero sana lang...kausapin mo na ng masinsinan si Wendy. Masama talaga ang loob niya sa nangyari. Sorry na rin kung naginit ulo ko ha.. Hindi lang napigilan. Ngayon lang naman ako nainlove ng ganito eh."

"Naiintindihan ko... :/"

Matapos non...

Si Wendy naman ang sinubukan kong kausapin.

Umupo ako sa tabi niya. Malayo sa kinauupuan nina Mama para hindi nila marinig kung ano man ang paguusapan namin.

"Wendy..."

Hindi siya tumingin. Hindi rin siya umimik."

"Sorry na. Alam ko hindi sapat yon.. Pero gusto ko lang marinig mo galing sa akin yung salitang yon dahil..alam kong nagkamali ako..nagkasala ako sayo... Nasaktan kita e. Sana naman... Patawarin mo na kami ni Ashleen. Lalo na si Ashleen... Sana wag ka na magalit sa kanya. Wala naman talaga siyang kasalanan e. Wala naman talaga siyang inisip kundi yung mararamdaman mo. Ako lang naman tong nagpupumilit na.... na lumaban kami. Sana naiintindihan mo...."

Tumayo siya at lumipat ng puwesto. Umalis siya na para bang wala siyang narinig. Doon ko napagtantong sobra pala yung ginawa ko. :( na hindi lang sama ng loob yung nararamdaman niya kundi GALIT talaga.
-------------
Shaley's POV

Natakam ako sa amoy ng fishball na kinakain ng mga katabi naming pamilya sa sementeryo kaya humingi ako ng barya kay Mama. Oh! Hahaha. ;) KUMAKAIN NA AKO NG STREET FOODS NGAYON NO.

Habang bumibili ako ng fishball ay may kumalabit sa likod ko kaya napalingon ako. Si Allen pala!

"Oy! Andito ka rin pala!"

"MALAMANG."

"Fishball?!"

"Naka-bente singko pesos na ako dyan. Sige lang."

"Hahaha. Adik lang. Ikaw ha! Alam mo na pala yung tungkol sa kapatid ko, wala ka man lang binanggit sa akin."

"Eh..."

"Okay lang. Wag ka na mag explain."

Umupo muna kami sa isang bangko at nagkuwentuhan.

"Kumusta na siya?"

"Medyo matamlay. Nagusap na sila ni Mark pero wala akong ideya kung anong nangyari. Hinatid siya sa amin ni Mark..medyo mugto mata pero..sabi niya hindi lang daw sila nagkaintindihan ni Mark pero okay naman daw lahat."

"Sa tingin mo suwerte kapatid mo?"

Sumubo ako ng isang fishball at tumango.

"SUPER."

"Kahit ganyan yung pinagdadaanan niya, suwerte pa rin?"

Tumango ulit ako.

"Bakit naman?"

"Kasi meron siyang Mark."

"Yun lang naman pala. Lahat naman ng babae may nakatakdang 'Mark' sa buhay nila. Darating din yung iyo. Hintay hintay lang. Nagkataon lang na maagang dumating yung sa kapatid mo e."

"Alam ko naman yon. Pero nakikita ko lang talaga na suwerte siya sa lahat. Biruin mo yun? Dami kaya nagkagusto kay Mark noon. Daming nabaliw don pero kahit anong nangyari, si Ashleen pa rin. Suwerte no?"

"Suwerte rin naman si Mark kay Ashleen ah?"

"SYEMPRE NAMAN! May hahanapin pa ba siya sa kapatid ko? Wala na! ALL IN ONE. Package na agad."

"Suwerte ka rin naman..."

Napailing ako don ah?

"Hindi rin. Daming kulang sa akin."

"Tulad ng?"

"Mahirap akong mahalin."

"MADALI ka lang mahalin. Mahirap ka lang suyuin."

"Panget ba ugali ko?"

"Akala ko dati, Oo. Pero nung nakilala kita, HINDI NAMAN PALA. Para ka lang ding kapatid mo. Suplada sa una, pero mabait kapag nakilala mo. Mas madami ka lang dinadala kaya mas maldita ka."

Bahagya akong natawa.

"Ewan." Sabay tusok ko sa fishball at subo sa bunganga ko.

"Alam mo... Mas maganda ka kapag nakangiti ka."

Nung sinabi niya yon, doon ko lang din narealize na.nakakangiti na ako. Yung totoong ngiti. Yung hindi pilit. Yung natural lang na kumukurba sa labi ko. Saya pala no?

Siya palang unang nakapagpangiti sa akin ng WALANG HALONG BAHID NG KAPLASTIKAN.

"Salamat..."

"Salamat? Nagsasabi lang ng totoo. Hindi mo naman kailangan magpasalamat. Ineencourage lang kitang ngumiti palagi."

"THANK YOU. Kasi...----"

Nang biglang magring phone ko.

"Ay. Tumatawag si Mommy Lola sa akin. Kailangan ko na sigurong bumalik. Sige, una na ako. Salamat uli sa time."

Ngumiti lang si Allen sa akin saka kumaway.

Hahaha! :) Napapangiti rin ako.
Sarap talaga sa feeling' hoo' :)
-----------
SORRY FOR ANY TYPOS.

Chapter 127 ----> Mark's Special Day.
Magiging special nga ba?! ABANGAN!!!!

38.7K Reads. :DD Loveya'll' <3

Sa Isang Sulyap MoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon