Adam vs. Iris (Part 2)
Iris's POV
Titig na titig ako kina Shaney at Jess , ang sweet nila kung tutuusin pero ayoko pa din si Jess para kay Shaney.
Ewwww!!! May pabouquet pa siya at gift. Tss ganiyang ganiyan ang mga binigay ng ex kong manloloko eh siguro lolokohin lang din ni Jess si Shaney.
Ayaw ko si Jess para kay Shaney may kutob akong di maganda.
"Oh ! Kilay mo di pantay " puna ni Marj kaya mas lalo itong tumaas.
Halos lahat ng kilos ko alam nila ah.
"Bat ba lahat na lang ng galaw ko napapansin niyo ? Sabagay ganun siguro talaga pag maganda ka , bawat galaw mo alam ng madla" sabi ko atyaka nagflip hair.
"Ang talim ng tingin mo kay Jess " sabi din ni Mariko.
"May kutob nga akong hindi maganda " sabi ko.
"Bitter ka lang " sabi ni Adam kaya naman naibato ko sa kaniya ung lalagyan ng tissue. Bwisit na to!
"Di ka siguro binigyan ng ex mo ng ganiyan dati , wag ka magalala Iris pag si Adam ang nanligaw bibigyan ka niya ng sandamakmak na rose " pagmamayabang ni Danny at ano daw ? Si Adam manliligaw.
"Sino namang liligawan ni Adam ?" Kunot noo kong tanong.
"Naawa ang kagandahan ko sa liligawan ni Adam. Ano naman kayang mangyayari sa buhay ng babae diba? "Bulong ko.
Bumuo ng bilog sina Adam , Kelvin , Danny at Than. Napairap na lang kami ni Marj tapos si Mariko nanunuod ng anime , wala pa namang costumer 7:30 palang kasi. Minadali ko lang talaga sila magluto haha !
Nakapangalumbaba ako habang pinapanuod ang kalokohan nila."Brad linawin mo " sabi ni Kelvin.
"Ang haba kasi ng sinabi mo " sabi ni Danny
"Medyo slow " bulong ni Than.
"Ganiyan ata ang mga mayayabang , kapag may nagkakagusto sa kanila nagiging manhid " sabi ni Adam kaya napatingin sina Kelvin , Danny at Than sa kaniya
"So ?! Type mo talaga siya !" Sigaw nila.
Nastorbo tuloy yung nagdedate na sina Jess and Shaney.
"Wala akong sinabi " sabi ni Adam tyaka tumingin sa labas. Napatingin din ako at tenen ! Andyan na ang mga costumers namin.
*-*-*-*-*-*-*
"Hoy" banggit ng lalaking kinaiinisan ko. Sino naman kayang kausap niya?
Busy ako nagbibilang ng napagbentahan ngayong umaga kaya mamaya ko na muna aawayin si Adam. Maganda ang ngiti ng red lips ko ngayon dahil andaming napagbentahan , nakakawala ng pagod. Syempre maganda lang naman ako , napapagod din.
BINABASA MO ANG
The Hugot Queen's Hidden Story(UNDER REVISION)
HumorPunong puno ng drama. May action at comedy din itong story na ito.