Pag-iwas

57 2 0
                                    

Pag-iwas

Minsan sa aking pag-iisa
Dumating kang dala ay ligaya
Ang pusong kong nalulumbay
Binigyan mo ng saya at kulay

Ang oras mo'y itinuon sa akin
Ako man sayo ay gayundin
Hindi matutumbasan ng kahit na sino
Ang sayang dinulot mo sa aking puso

Ngunit isang araw bigla kang nag-iba
Di mawari kung ako ba'y nagkasala
Oras mo sa akin naging limitado na
At iyong nilinaw na ako'y kaibigan lang pala

Ang pag-iyak ang aking naging takbuhan
Sa lahat ng sugat na iyong iniwan
Sa aking pusong pinaasa mo't sinaktan
Luha ko ngayon umaagos sa kawalan

Pag-iwas ang nakita kong solusyon
Upang alisin ka na sa aking imahinasyon
Hindi tayo pwede, iyan aking ibinabaon
Sa puso kong dinurog ng kahapon

Haharapin din kita sa tamang panahon.

~*~
Read
Comment
And vote

M i r a b e y b i

Pag-iwasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon