Vic's POV
"Okay na pare" sulpot ni wafs.
"Salamat wafs ahh, ang dami narin kasing ginagawa ni Jam kaya wala akong mautusan" sincere kong pasasalamat.
"No problem wafs, basta pag may kailangan ka pa magsabi ka lang saakin" nakangiti nitong tugon, inabot nito saakin yung envelope "nandiyan na yung DTI Business Name Registration Certificate tyaka SEC Certification of Registration" paliwanag nito.
"Maraming maraming salamat talaga pare, babawi ako sayo sa susunod" nakangiti kong sabi.
"Patambay nalang muna ako dito" paalam nito.
"Sige lang" papasok na ito sa room ko ng tawagin ko ito "ate Kim?" Tawag ko.
"Ops?" Tanong nito.
"May gusto ka bang pagkain magpapadeliver ako" offer ko.
"Pizza nalang brad" nakangiti nitong sagot, tumango lang naman ako siya pumasok na ng tuluyan sa room ko.
Nandito kasi ako sa hotel namin sa QC, yung office ko kasi dito may kwarto kaya madalas talagang tambayan ng barkada. Bumalik na ako saaking ginagawa ng biglang may kumatok.
"Pasok!" Utos ko.
"Boss?" Tawag nito.
"Yes Jam?" Napatingin ako sakanya.
"Lunch daw po with the mayor bukas?" Alanganin nitong tanong, napahilot naman ako sa sentido ko.
"Pwede bang i-reschedule?" Tanong ko.
"Susubukan ko po boss" sagot nito.
"Please Jam, bukas kasi ng tanghali ang flight ni Cienne hassle naman masyado kung didiretso pa ako ng Tagaytay nun" pakikiusap ko.
"Sige po boss, ako ng bahala" sagot nito.
"Samalat Jam" sincere kong sabi, tumango naman ito at lalabas na sana ng maalala ko yung pizza "ummmm" napatingin ito saakin "paorder naman ako ng pizza mga tatlong box dagdagan mo narin ng 2 bucket ng chicken" utos ko, tumango nalang ulit ito at lumabas na ng tuluyan.
Ang dami ko bang inorder? Baka nga kulang pa yan eh kakatanggap ko lang ng text na papunta si daks at Carol dito. Manggugulo nanaman ang dalawang yun eh, baka wala nanaman akong matapos nito ng wala sa oras.
May pinapagawa kasing presentation saakin si daddy, ang dami naman niyang tao dun mas magagaling pa kaysa saakin pero saakin parin binigay.
"Mang-iistorbo kami" sulpot ni daks at Carol.
"Dun na muna kayo sa room, nandun na si wafs" utos ko.
"Ngayon na nga lang makakapasyal busy pa" pagpaparinig ni Carol.
"10 minutes donkey" pakikiusap ko, inirapan lang naman ako nito tyaka pumasok na sa room.
Napabuntong hininga nalang ako at bumalik na sa ginagawa ko.
...
"Yung kambal di ba susunod?" Tanong ni Carol.
"Bonding nilang magkakapatid ngayon, bukas na kasi ang flight ng mahal ko" malungkot kong sagot.
"Ang arte mo!" Pangbabara ni daks saakin.
"Bakit ba? Eh sa mamimiss ko siya eh" katwiran ko.
"Anong plano mo ngayon? Susunod ka ba sakanya?" Tanong ni ate Kim.
"Sana nga makalusot eh, siguro bago mag-open yung resort susunduin ko siya" nakangiti kong sagot.
"Sama kami" parang batang sambit ni daks.