Masyado naman atang mabilis.
Masyado naman atang mabilis, ang iyong pag alis.
Parang kahapon lang, ramdam ko pa ang lamig.
Ngunit bakit ngayon, kulang na kulang ang kumot para makaramdam ako ng init.
Masyado naman atang naging tahimik.
Masyado naman atang naging tahimik, umalis ka ng walang imik.
Umalis ka ng walang paalam, umalis ka ng walang pakialam.
Saan ka pupunta?
Sa kanya?
Oo alam ko naman,
Alam ko naman, na hanggang ngayon, hindi mo pa rin siya nalilimutan.
Hanggang ngayon, mahal mo pa rin siya. Kahit na alam naman natin na iniwan ka lang niya.
Ang sabi mo, tulungan kita.
Ang sabi mo, tulungan kita na kalimutan siya.
Ginawa ko.
Ginawa ko naman.
Minahal kita't lahat lahat.
Ginawa ko ang lahat na alam kong hindi niya kayang gawin sayo, pero, siya pa rin ang hinahanap mo.
Hindi ko alam, kung ano ang mali sa akin.
Lahat nalang ng mahalaga sa akin, iniiwan akong mag isa sa hangin.
sinamahan naman kitang lumipad, nung mga panahong nag iwan siya ng sugat sa iyong mga pakpak.
Sinamahan kita, sabi ko duon tayo sa langit pumunta.
Tutulungan kita na kalimutan siya.
Pero ang akala ko, masaya ka na.
Akala ko nagamot ko na yung sugat pero hindi pala.
Hindi ka nasiyahan sa akin kaya't muli kang bumababa papunta sa kanya.
Kung alam ko lang na sa kalungkutan lang mapapadpad, hindi na sana kita inayang lumipad.
BINABASA MO ANG
Spoken Words
PoetryPara sa mga taong nasaktan at iniwan. Para sa mga gustong magbasa ng mga TULANG MAY HUGOT.