Chapter VI- The Shinny Shimmering (Unedited Chap)
"No way! May..... Hidden Door?!" Napanganga talaga ako sa nakita. Yung kumikinang na bagay kasi yun yung ginintuang door knob. Sinubukan ko itong buksan pero ayaw. Nakalock ito. Kaya tinignan ko ang taas na parte nito.
Forbidden Door
"Forbidden? Bakit naman Forbidden to? ang ganda ng door knob, Gold tapos bawal na man pala!" Inaalog alog ko pa din ang door. Ayaw pa din bumukas pero inalog alog ko pa din.
"Ay tanga ko! May butas naman pala dito ng susi eh! nagpakahirap pa ako!" hugis crown ang butas. Hindi ako magtataka kung pano to nagawa ng King. Sila pa!
"Pero... paano ko to bubuksan e wala naman akong susi?" Tinitigan ko yung butas. 1 minuto, 2 minuto, 3... hanggang sa nag 5 na. Dahil sa kakaisip ko na bilang ko na tuloy ang oras. Pero dahil wala pa din, naglakad lakad ako konti. Effective dahil may pumasok sa kokote ko. Kinuha ko ang kwintas ko. Yung hugis crown at sinaksak sa butas.
Click!
"Nabukas! Ano kaya laman neto?" tuluyan ko nang pinasok ang pinto. Maliwanag. May mga hanging lamps.
"May tao ba? Helllllooooo?"
*silence* *kru kru*
Dahil walang sumagot, ni raid ko na ang place. De joke lang. Hayaan niyo na ako. Ayoko maging malungkot. So, ayun nga pinasok ko na.
Ang layo naman! Asan na ba ako?
"WOW!" Nalaglag ang jaws ko dun.
Ang ganda sa gitna!
May mini sala dito. Blue lahat ng kulay. Parang nasa ice ka lang tapos may mga books den. May ref din at marami ang laman ah. Hindi pa expired. Nilibot ko ang place parang kalahati ng ball room ang laki.
"Ano ba tong mga librong to? Ngayon ko lang nakita to ah." Nag scan ako sa mga libro dito gamit ang pointer ko. May iba alam ko pero kadalasan hindi eh.
"Ay kapagod! Wala ako sa mood magbasa. Makaeplore pa nga dito!" Nagsimula na ulit akong maglakad pero this time patungo sa susunod na part ng Forbidden Door o Place na to.
"Outside? Pano....nangyari? Wag mong sabihing?! Secret tunnel?!"
***
"Ate Erine, kelan ba ako makakabalik sa palace?" Kanina pa ako kinukulit ni Cedric. Buti na lang nasa taas kami at ang iba ay nasa baba. Nandito ako ngayon sa work place nila Xavier. Pagkalabas ko kasi sa Forbidden Door na yun ay dumeretso na ako dito.
"Gusto mo talaga ano?"
"Naman! Ate Princess, ampunin mo na lang kaya ako!"
"Hindi pwede. Baka balikan ka ng mama mo dito tapos nalaman na lang niya na wala ka na. Siguradong malulungkot yun."
"Hindi naman yun malulungkot eh." Lumungkot ang mukha niya. Parang maiiyak na nga eh. Nakakakonsensya!
"Bakit naman? Mama mo yun kaya malulungkot yun." Pinat ko ang likod niya. Namumuo na kasi ang luha niya. Hindi siya agad sumagot. Tapos umiyak na nga siya ng tuluyan.
"C-cedric! wag kang umiyak oh! sorry na. Cedric, sorry na." Natataranta na ako dito kay Cedric eh. Hinarap ko na siya ate pinapat ang ulo. Hindi pa rin ito tumigil sa kakaiyak pero feel ko medyo gumagaan feeling niya. Kaya nung natapos siyang umiyak, nagsalita siya.
"Isang gabi, narinig ko sina mama at papa na itatapon daw ako o di kaya ipaampon. Ayaw nila sa akin, Ate Princess. Simula daw kasi nang nabuhay ako, malas daw ang binibigay ko pero hindi ako naniwala. Hindi nila ako trinato bilang anak nila. Trinato nila ako bilang utusan at ni hindi nga nila ako binati o kakamustahin. Kaya nung madaling araw na nagising ako narinig ko si papa na sinabi niyang ampon daw ako. Hindi ko sila kadugo." Nagsimula na namang mamuo ang luha ni Cedric. Niyakap ko siya at pinatahan. Ang sama pala nang mga magulang niya. Ang anak dapat minamahal hindi trinatrato bilang utusan!
BINABASA MO ANG
A Princess Getaway
RomanceEvery girl dreamt to be a princess. Yan naman talaga sabi nila. They deamt of becoming one pero hindi nila alam ang lonliness na mararanasan. Siguro magbaback out ang lahat. Kaya sa storyang ito, ipapakita ko sa inyo ang buhay prinsesa.