Reika’s POV
“Oh, God. Sana okay lang po si Aryl.” Paulit-ulit kong sinasabi yan habang nasa byahe kami ni Creo papunta sa ospital.
Nagulat na lang ako ng tumawag si Kane sakin.
“She’ll be fine. She’s a strong girl.” Pagpapakalma naman sakin ni Creo.
Buti nga di ako nito sinipa palabas ng kotse nya eh. Kanina pa kasi ko dito parang baliw na paulit-ulit ang sinasabi. Pero talagang nag-aalala ako para kay Aryl. Sana okay lang talaga sya.
After siguro 15 minutes pang byahe nakarating na din kami sa wakas ni Creo dun sa ospital. Nandun na din yung mama ni Aryl pati si Eiji. Tsaka may isa pang guy. And I think yun yung kuya ni Aryl. Pumasok sila sa kwarto.
“How is she?” Tanong ko agad kay Kane ng salubungin nya kami.
“She’s fine. Nagpapahinga na sya.” Sagot ni Kane.
Kung titignan mo yung mukha nya ng mabuti talagang kitang-kita na nag-alala sya ng sobra.
“What happened?” Narinig kong tanong ni Creo.
“Nabagsakan sya ng steel bars sa may harap nung mall. Kung hindi siguro ko natagalan sa pagsundo sa kanya hindi sana…” Creo tapped his shoulder.
“Don’t blame yourself, Kane.”
Maya maya lang nagsidatingan na din yung iba. Sila Chia at Viene. Hinanap ko si Karl pero wala. Nasan naman kaya yun? Bakit wala pa din?
“Kane?” Untag ko kay Kane habang nag-iintay kami sa paglabas nung family ni Aryl para makapasok naman kami.
“Bakit?” Tanong nya.
“Uh. Tinawagan mo na ba si Karl?” Umiling si Kane.
“I can’t reach him. He’s not answering my calls.”
Nakita kong napatingin samin si Viene then nag-iba yung expression ng mukha nya.
“Sandali lang ha? Mag-cr lang ako.” Paalam naman nya samin.
Gusto ko sana syang sundan kaya lang lumabas na yung mama at mga kapatid ni Aryl kaya naman pumasok na kami.
………………………
Karl’s POV
Kanina pa ko tinatawagan ni Kane pero di ko pinapansin. Nakakairita lang kasi. Malamang mangungulit lang yun. Hindi maganda araw ko ngayon. Ahhhh. Nakakapagod na ewan lang. I hate being like this. Gusto ko na ulit makausap si Aryl kaya lang hindi na pwede. It’s already too late.
“Karl.” Nilingon ko yung tumawag sakin.
“Viene. What is it? May problema--” napahinto ako sa pagsasalita ng maaninag kong mabuti yung itsura nya. She looks worried and stressed out.
BINABASA MO ANG
I'm In Love With A Heartbreaker
Fiksi RemajaIsang heartthrob at isang simpleng babae na may pagka-boyish kung kumilos at walang kainte-interes sa mga lalaki.. Ano kaya ang mangyayari sa pagku-krus ng landas nila? Disaster ba o may iba pa?