Reika’s POV
“Panget.”
I turned and then I saw Creo. Napangiti agad ako.
“Crei.” Napakunot-noo ako. “What are you doing here?”
“Dinadalaw ka. Masama ba?”
Ngumiti sya sakin. A real one. Parang ibang iba ‘tong Creo na kaharap ko.
“Dinadalaw? Ano ko? May sakit?”
Nawala bigla yung maganda nyang ngiti.
“No. I just want to see you. Kailangan pa bang ipaliwanag yun? Ang tagal din natin na hindi nagkita. Wala na kasi kong nauutusan.”
Sinamaan ko sya ng tingin.
Sumeryoso naman yung mukha nya at tinitigan ako.
“Ang weird mo naman, mahal na hari. Anong ibig mong sabi----”
“REIKA!!!!!!”
Napabalikwas ako ng upo ng marinig ko yung sigaw ni Aryl. Grabe ‘tong babae na ‘to kung makasigaw parang may ampli sa lalamunan eh.
Ang aga-aga nagwawala agad.
Hinawakan ko yung tenga ko.
Teka…
Parang kanina lang kausap ko pa si….
Pinilig ko yung ulo ko.
Panaginip lang.
“Huy, Rei!”
“Bakit ba? Ang aga-aga napaka-ingay mo naman. Magpatulog ka muna. Madaling araw na ko nakapagpahinga eh.”
Nahiga ulit ako sabay talukbong ng kumot. Grabe ang lamig dito. Bukas ba yung heater? Alam ko binuksan ko yun nung bumalik ako kanina eh.
“Rei!”
Niyugyog ako ni Aryl.
“Oh?! Bakit ba? Natutulog yung tao. Wag mo muna ko guluhin.”
“Rei!”
“Hmmm?”
“Rei!”
“Ow? Ano?!”
“Ano ka ba? Nakalimutan mo na ba?”
“Ang alin?”
“Birthday na ni Nate! Ano ka ba? September 3 na po!”
“Hmmmm.”
“Rei!”
Hiniklat ni Aryl yung kumot na nakatalukbong sakin.
BINABASA MO ANG
I'm In Love With A Heartbreaker
أدب المراهقينIsang heartthrob at isang simpleng babae na may pagka-boyish kung kumilos at walang kainte-interes sa mga lalaki.. Ano kaya ang mangyayari sa pagku-krus ng landas nila? Disaster ba o may iba pa?