Chiara’s POV
It’s been 2 weeks ng makabalik na kami mula sa bakasyon naming lahat sa Tagaytay. Nag-enjoy naman kami ng todo. Balik aral nga lang ulit kaming lahat ngayon. Buti na lang at excused kami at madadali lang yung mga lessons na nakaligtaan namin nila Reika.
Break time ko ngayon at nakaupo akong mag-isa sa may garden. Hay, feeling ko pagod na pagod ako.
“Chia? Okay ka lang?”
“Uh, yeah. Okay lang ako.”
“Bakit?”
Tanong ko kay Reika. Hindi kasi ko nilulubayan ng titig.
“Ano ba talaga ang problema?”
“Wala nga, Rei. Kulit neto.”
I heard her sigh.
“Si Kane ba? Nung nasa Tagaytay pa tayo, masyado ka ng malalim mag-isip. Sya ba?”
Pumikit ako then humugot ng malalim na hininga. Humarap ako sa kanya ng maayos at sinagot ko yung tanong nya.
“Yeah. Si Kane. Pero di ko alam ang problema… no, ako ata. Ewan ko. Hindi ko alam. Naguguluhan ako, Rei.”
Ngumiti sakin ang bestfriend ko.
“Alam mo Chia, kilala kita. Alam kong ayaw mong nagsasabi ng problema sa iba kung alam mo namang kaya mong gawan ng solusyon yun. So, considering na napilit kitang sabihin sakin yung gumugulo dyan sa isip mo, mukhang malaki nga yan at hindi mo maisipan ng solusyon.”
Tinitigan ako ni Reika ng matagal. Ni isa samin walang nagsasalita.
“Okay.” Sabi nya habang nagbubuntong-hininga.
“Isang tanong, isang sagot.” Pasimula nya.
“Ready ka ba? Sa lahat? Sa lahat ng mangayayari sa susunod na mga araw kapag nagdesisyon kang ma-involve kay Kane. Don’t get me wrong, Chia. Gusto ko si Kane. Alam kong mabait naman sya at alam kong may nararamdaman din sya para sayo. But I’m telling you this kasi concerned ako sayo. Hindi ibig sabihin na kung may nararamdaman kayo sa isa’t isa wala ng magiging problema. Dapat handa kang harapin yung mga problemang dadating sa inyo. Lalo na at alam nating playboy ang Kane Yosef na yan. So… what’s your decision?”
“Di ko pa alam, Rei. I don’t think I’m ready.”
She hugged me.
Then napa-isip na lang ako dun sa mga huling sinabi nya bago nya ko bitawan at iwan.
“May mga bagay na hindi mo agad makikita unless na pagmasdan at pakiramdaman mong mabuti. Natatakot ka na baka mali ang maging desisyon mo. And when the time comes that you realize what it really means to you… baka magsisi ka kasi nagdalawang-isip ka pa. It’s better to try and fail than to fail without even trying.”
BINABASA MO ANG
I'm In Love With A Heartbreaker
Novela JuvenilIsang heartthrob at isang simpleng babae na may pagka-boyish kung kumilos at walang kainte-interes sa mga lalaki.. Ano kaya ang mangyayari sa pagku-krus ng landas nila? Disaster ba o may iba pa?