Chapter 31: Troubles...

153 4 0
                                    

Reika’s POV

*BLAG!!!

(0_0)  !!!

Shems!

 Creo!

Pahamak ka naman eh!

“Ano yun?” Tanong agad ni kuya.

“Huh? Alin?”

“Yung bumagsak. Hindi mo ba narinig yun?”

“Alin? Meron ba? Hay nako kuya, kung anu-ano na ang mga naririnig mo ha. Masama na yan.”

Hinila ko na sya papunta sa may kitchen.

“Gusto mong kumaen kuya? Pagluluto kita. Hmm syempre pasta lang! Specialty ko yun diba?”

“Hindi eh. Meron talaga kong narinig. May kasama ka ba dito?” Pagpapatuloy ni kuya sa sinasabi nya. Parang wala akong sinabi sa kanya.

Think Reika, think!

Naglakad si kuya papunta sa may kwarto ko.

Hinabol ko sya.

“Ah! Alam ko na kuya. Lumabas na lang tayo. Wait lang ha? Magbibihis lang ako saglit.”

Inunahan ko na syang pumasok sa kwarto ko sabay sara nung pinto.

“Reika! Open the door! Sino ba ang nandyan? May tinatago ka ba?”

“Huh? Ano ka ba kuya. Magbibihis nga lang ako. Sa labas na lang tayo kumain. Mukha kasing ayaw mo ng specialty ko ngayon.”

“Ah sige na nga. Bilisan mo baby girl. May ibibigay ako sayo, remember?”

Thank God at hindi na sya nang-usisa pa.

Ni-lock ko yung pinto ng kwarto ko then nagtuloy ako sa may bathroom.

“What the… what happened here?!!” Naguguluhang tanong ko.

Everything in the bathroom was a mess. Yung mga gamit ko sa may lababo mga nakabagsak sa sahig at gulong-gulo. Tapos si Creo nakasalampak sa sahig.

“Ah. Sorry. Na-out of balance ako.”

Something’s wrong. Na-out of balance?!

“Kanina ka pa wala sa sarili ha. What’s wrong, Crei? Tell me.”

Umiling sya.

“Nah. I’m just tired.”

I'm In Love With A HeartbreakerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon