“SO what happened yesterday?” tanong sa kanya ni Missy. Nasa cafeteria sila ng araw na iyon at gumagawa ng assignment.
Natigil siya palinga-linga nang magsalita ito. Nagdadalawang-isip kasi siya kung lalapit sa mga kaibigan ni Julian. Mukhang mahirap dahil balita niya ay may mga pagkabasagulero ang mga ito. Ngunit naniniwala siyang matino ang mga itong kausap. Aba, nakuhanan niya nga ang pabor ang isa sa kanila, si Gilbert. Iyon nga lang ay may kapalit iyong number ni Missy. Sana ay hindi magalit ang kanyang kaibigan sa ginawa niya.
“Ha? Anong sabi mo?” parang lutang pa rin na sabi niya sa kaibigan. Hindi pa rin siya makamove-on sa ipinakita niyang katapangan kay Julian kagabi.
“Ang sabi ko po, ano ang nangyari sa kagagahan mo kagabi? Di ba binalak mong mag-confess sa lalaking ‘yon? “
“Ahh... okay naman,” sabi niyang wala parin sa matinong pag-iisip.
“Ano ba namang sagot ‘yan? Ang wirdo mo talaga ngayon. Hay, bahala ka nga diyan, o-order na ko ng lunch, ikaw ba?”
“Ikaw na bahala sa o-order-in ko,” aniya. Palinga-linga na naman.
Missy just rolled her eyes to Pauline at naglakad na. Nagtataka pa rin sa inaasal ng matalik niyang kaibigan.
***
Natanaw ni Pauline si Gilbert at ang mga iba pang kaibigan ni Julian. Ngunit wala roon ang lalaki. Tumingin siya sa counter kung saan nakapila pa si Missy para umorder ng kanilang pagkain kaya napagdesisyunan niyang lumapit na muna sa mga ito.
Kinakabahang naglakad siya patungo sa mesa ng mga ito. Kinakabahan siya na baka naikwento ni Julian o kaya ni Gilbert ang ginawa niya kagabi sa iba pa nitong mga kaibigan.
“Hi, guys!” bati niya sa mga ito.
Mukhang nabigla ang mga ito nang batiin niya dahil tumigil ang mga ito sa tawanan at tumingin sa kanya. Siya naman ay nangliit sa mga gawi nito.
“Oh, hi, Pauline! Sino ba ang sadya mo? Ako ba?” sabi ni Gilbert at lumapit sa kanya. Hindi lang iyon ang ginawa nito kundi kinindatan pa siya.
Inikot lang niya ang mga mata niya sa gawi nito. Si Missy kasi ang type nito.
“I’m sorry but I’m looking for Julian.”
“Ohhh... Feisty!” sabi ng isang lalaki na shave ang buhok, si Carlo aka Bilog. Nagtawanan tuloy ang mga nasa mesang iyon. Si Gilbert naman ay nagkunwaring mahihimatay. Natawa siya.
“Miss, kung si Julian nga ang hanap mo, nasa klase pa siya eh. Kung gusto mo hintayin mo na lang siya dito kasama namin. ‘Wag kang mag-alala, hindi ka namin re-rape-in dito. Gentleman kami hindi lang halata sa mukha,” sabi ng isang lalaking mala-asian boyband ang buhok na si Kyle. Sa totoo lang ay may itsura ito. Lahat naman ng kaibigan ni Julian, pero natatakpan iyon ng mga balita na mga badboy daw ang mga ito.
Naniniwala naman siya sa mga ito. Alam niyang matino ang mga ito kausap. Masyado lang talaga silang nami-misunderstood ng iba dahil sa mga hairstlyle at gawi nitong sobrang kakaiba. Idagdag pa na miyembro ang mga ito ng frat.
“Oh, I love to but my friend is waiting for me. Maybe, next time na lang. I really want to get to know you guys. Pakisabi na lang kay Julian na hinahanap ko siya ha?” nakangiting sabi niya sa mga ito at nagpaalam na. Nakita niya si Missy na nanlalaki ang mata sa ginawa niya. Iyon ang pinakauna niyang step sa kanyang operation: Ligawan ang mga kaibigan ni Julian.
***
“Dude, you’re a one lucky guy! Bilib na talaga ko sa charisma mo!” sabi ni Bilog kay Julian.
Kumunot naman ang noo niya sa sabi nito. Hindi siya natutuwa ngayong araw na ito. Malapit nanaman siyang bumagsak sa isang English course niya at kailangan na naman niyang sumali sa theater club. Sa totoo lang ay ayaw niya ng subject na iyon kaya lagi siyang nagka-cutting. He already know the language so why does he have to learn it over and over again? Parang itong sirang plaka. Graduating na siya sa kursong Architecture ngunit matatagalan pa ata ang pagkamit niya ng diploma dahil sa subject na iyon.
“Tama si Bilog, brad! Hindi ko akalain na pati si Pauline ay mapapaibig mo. You’re the man, dude!” patapik-tapik pang sabi ni Howie sa kanya.
“What are you talking about?” takang tanong niya. Hindi niya kinuwento sa mga ito ang nangyari kagabi pero mukhang alam na ng mga ito iyon. Tinignan niya ng masama si Gilbert. Kinausap niya itong huwag ikalat ang nangyari sa kanila ni Pauline.
“Whoa, dude. Easy. I’ve never done anything. Si Pauline ang lumapit dito sa mesa namin attinanong ka kung nasaan ka daw. Miss ka na ata niya. Huwag mo naman kasing i-taken-for-granted si Miss Ganda. Alam mo naman na pantasya iyon ng lahat ng lalaki dito sa campus,”ani Gilbert sa kanya. Tinaas pa ang dalawang kamay sa dibdib nito.
“Huwag ka mag-alala, dude. Off limits kami doon dahil tropa mo kami. She will be our queen. Kami ay magiging bodyguard lang niya,” biro sa kanya ni Kyle.
Nababaliw na ang mga kaibigan niya. Ano kaya ang pinakain ni Pauline sa mga ito? Bago pa man magsalita sa mga ito ay tumunog ang cellphone niya. Si Macy ang tumatawag. Sinagot niya iyon.
“Hey,” matamlay na sagot niya. He and Macy were through pero mukhang ayaw tanggapin iyon ng babae.
“I missed you like hell, Julian. Can we go out tonight and have some hot steamy night?”malanding sabi nito.
Napailing na lang siya at tumanggi sa alok nito. Wala siya sa mood ngayong araw nito. Isa pa ay ayaw niyang makipaglaro sa mga ex niya. Once his girlfriend become so clingy, siya na ang gumagawa ng way upang makipagbreak sa mga ito. Ayaw niya ng isang relasyon na may commitment kaya ikinaklaro niya iyon sa sinumang gustong makipagrelasyon sa kanya. Yes, he never been in love and he will never be. Poor Pauline for falling in love with a man like him.
“Si Macy ba iyon ‘tol? Tapos na kayo di ba? Napaka-chick magnet mo talaga, Julian. Ibigay mo na lang sakin ang isa oh!”sabi ni Kyle sa kanya na may halong pang-aasar.
“Tuloy ba ang gig natin mamaya?” pag-iwas niya sa tanong ni Kyle.
“Yup. Sa Blue Waters tayo,”sagot ni Kyle.
The Kinetics ang pangalan ng banda nila at madalas ay tumutugtog sa mga clubs. Pastime nila itong magkakaibigan. Rock at ballad ang madalas na tinutugtog nila. Si Kyle at Gilbert ang kanilang vocalist habang si Howie at Bilog ang gitarist at siya naman ay ang drummer. Sa hindi pagmamayabang ay sikat sila. Iyon nga lang ay nakakasira ang mga bali-balita tungkol sa kanila na wala namang katotohanan. Na kesyo gumagamit daw sila ng ipinagbabawal na gamot, na miyembro daw sila ng isang underground na frat sa school at iba pa.
Hindi na lang nila iyon pinapansin ang mahalaga ay malaya silang i-express ang kanilang idea at talento sa kanilang mga musika.

BINABASA MO ANG
Until You're Mine [Filipino]
Teen FictionMinahal ni Pauline si Julian kahit na ba hindi maganda ang reputasyon nito sa loob ng campus. A badboy and a certified playboy. Ngunit kahit ganoon ay minahal pa rin niya ito at isang araw ay naisipang magtapat dito. Ngunit pinahiya lang siya nito...