Chapter Three: Step 2. Annoy Him to Death

489 4 0
                                    

Nabalitaan niya sa source niyang si Gilbert na magiging miyembro na naman daw nila si Julian sa kanilang nalalapit na play. At hindi lang ito magiging production assistant kundi isa sa mga cast. Iyon ang ginawang kondisyon ni Professor Arevalo para ipasa si Julian sa naturang subject nito. Napakasaya niya nang malaman iyon. Kung pwede lang ay hahalikan niya ang professor nitong iyon ay gagawin niya.

Bukod kay Gilbert ay naging close na rin niya sina Kyle, Howie at Carlo aka Bilog. Isa pa sa kinakatuwaan niya ay hindi na masyadong kontra-bida si Missy sa kanya. At alam niyang may kinalaman iyon kay Gilbert.

Noong una ay nagalit ito sa kanya sa pagbibigay niya ng number nito kay Gilbert pero nang lumaon ay nag-iba ang ihip ng hangin. Napansin na lang niyang lagi itong nakangiti kay Gilbert at bigla-bigla na lang ito magba-blush. Sa totoo lang kahit may pagkasosyal itong katulad niya ay hindi pa rin ito nagkakanobyo.

Minsan ay sumasabay silang magkaibigan sa mga ito kumain ng lunch. Cool ang mga itong kasama. Isa lang naman ang tutol sa lahat, si Julian. Naiirita ito tuwing naroon silang magkaibigan o mas magandang sabihin, na naroon kasi siya. Matino naman ito kapag kinakausap ni Missy pero ‘pag siya na ay pulos tango at iling lang ito.

Nalulungkot siya sa mga gawi nitong iyon pero naniniwala siya na darating ang araw na papansinin din siya nito. Masyado ata niya kasi itong nabigla noong nagtapat siya dito.

Nang dumating ang araw ng general assembly para sa gagawing play ng kanilang university ay excited na excited siya. May chance kasi siyang makausap niya ito ng sarilihan. Hindi iyong palagi nitong kasama ang mga kaibigan nito.

Sa totoo lang ay nakapag-audition na siya sa isang role bago pa man malaman na isa rin si Julian sa mga cast. Noon ay hindi masyadong mahalaga sa kanya ang magkaroon ng role ngunit ngayon ay kulang na lang ay kausapin niya ang direktor para mapabilang siya.

Ang play ay tungkol sa isang diwata na napunta sa lugar ng mga tao at na-inlove sa isang lalaking mortal. Sa batas ng mga diwata ay mahigpit iyong ipinagbabawal dahil naniniwala ang mga diwatang mapanganib ang lahi ng mga tao. Ang mga ito ang siyang sumira sa kalikasang pinoprotektahan ng mga diwata. Kaya naman kinakailangan na patayin ang lalaking mortal at ibalik sa kanilang mundo ang diwatang siyang magiging reyna ng kanilang kaharian.

Nag-roll call na ang direktor, si Hanz, isang PolSci student na tulad niya. Maya-maya ay dumating na si Julian. Napansin ito nang lahat dahil late itong dumating. Napatingin ito sa kanya at tumabi sa kanya. Hindi tuloy niya mapigilang kiligin.

“So, it’s time to announce the casts for our incoming play. Our playwright, Ms. Amy, will give you the script. I hope that you will start to memorize every line so we won’t cram okay?”

“Yes, Your Highness,”pabirong sabi ng isa sa mga miyembro ng theater club.

At nagsimula na ngang pangalanan ang mga cast. Nagulat ang lahat nang i-announce ni Hanz na ang magiging lalaking mortal ay si Julian. Hindi rin iyon ineexpect ni Pauline. Bigla ay parang nalungkot siya. Hindi kasi ang role diwata ang siyang in-audition niya. Balita pa naman niya ay may kissing scene ang dalawang magiging bida sa play na iyon!

“What?” gulantang na sabi nito. “No, hindi ko tatanggapin ang role na ‘yan. I’m not expecting this. This is absurd!”

Until You're Mine [Filipino]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon