Season 2 |H|#MakingMeBreathless
(Part Two)
~Belle’s POV
“Nakapasok na ako,”
I continue to kiss him kahit na nagsasalita pa din siya.
“Nakapasok saan?” Hindi ko magawang makapag focus sa kahit anong sinsabi niya dahil masyadong okupado yung labi at utak ko kung paano kainit yung mga halik na binibigay niya sa akin.
“Team B,”
“Ah…”
“Sa Basketball…”
Huminto ako sa paghalik sa kanya at tiningnan siya. God! Kailan pa naging ganito ka gwapo si Kendrick? Sobrang hot ng labi niya. Fck!
Teka… sinabi niya bang nakapasok siya sa basketball team?
Woah!
“Wow! Papabebe congrats!!!”
Napayakap ako sa kanya at pinaulanan na naman ng halik. “Sht! Ken! I’m so proud of you!”
Tumawa siya ng mahina na nakapag pabaliw sa buong sistema ko. Seryoso, yung mga tawa niyang ganyang mahina at mababa ang magpapahurumentado sa akin eh.
Kahit na naiinis pa din ako dahil sa mga babaeng nakatingin sa kanya kanina, nawala ang lahat ng yun nang sinimulan niya na akong amuin. Parang…
“Miss Belle yung…”
Biglang nawala ako sa mood. Fck.
Umalis ako sa pagkakaupo ko sa binti ni Kendrick at hinarap yung walang kwentang taong nag interrupt sa amin.
“What do you think you’re doing?!” Sigaw ko sa babae. I don’t fcking know her name. Sagabal siya sa amin.
“Uhm…sorry…so-sorry po...May kulang po ka-kasi sa mga props…” utal at kabadong sabi sa akin ng hampaslupa sa harapan ko.
BINABASA MO ANG
Bad Girl For A Girlfriend (PREORDER of Self Pub version Ongoing!)
General FictionMagaling humalik. Magaling sa kama. Hindi torpe. Gwapo. Lahat ng iyan, wala kay Kendrick. Lahat ng iyan, naging dahilan para iwanan siya ng kaisa-isang babaeng kanyang minahal. At ipagpalit sa kanyang matalik na kaibigan. ...