CHAPTER ONE:
BY : MYKYEOPTAQOREANA
"FREE DAY TAYO NGAYON Waaa!!" sigaw ng classmate kong si Aya na halatang halata sa mukha na masaya.
"WOoOOOHH!"
"YESSSSSSS!!"
"AAAAAANSAYA!!"
Sigaw ng mga classmate ko, syempre masaya sila walang gagawin eh may meeting daw po kasi ang mga teachers.
"Tara chismisan nalang tayo" aya ni Jane.
"Gaga! wala namang bagong chismiss ngayon eh." sagot ni Cailee
"Alam ko na dare game nalang!" suggest ni Via
"Cool! sige sali ako jan!"- Jane
"Ako din!" Sang ayon na nilang lahat.
Ako? Magbabasa nalang ako! Anong babasahin ko? siyempre yung Diary ng Panget ni Ate Denny Idol! haha! Wattpadaholic to no kala niyo lang. Andami ko na ngang nabasa eh gaya ng She's Dating the Gangster, Seducing Drake Palma, Break the Cassanova's Heart operation ,Reaching My Favorite Star at marami pang iba.
By the way guys ako nga pla si Heidee Sandoval 15 years old at isang certified NBSB!. Hindi pa ako nagkakaboyfriend sabi kasi ng mapanglait kong mga kaibigan pango daw ako, sabog ang buhok at mahiyain kaya walang nagkakagusto sakin. Oo alam ko iniisip niyo ansasama ng ugali nila parang ganun no?. Mabait po sila ganun lang talaga sila mag-comfort puro panlalait kakaiba no? alam ko sanay na nga ako eh.
"Tae ka Jamil!! bakit mo ko binato?!" sigaw ni Jake.
"Pasensya na tol nagkamali ng tinamaan."
"Ulol! Hetong sayo!" binato niya ng binilog na papel si Jamil.
"Aray! Sakit nun ah! Bawi ako ito sayo!"
"Sh*t ka! Ito pa sayo!" nagsisigawan sila habang nagbabatuhan ng binilog na papel.
"Heidee! Sali ka dare game!" aya ni Jane.
"Ayoko nagbabasa ako kayo nalang."
"Hmm.. Bahala ka jan girl!"
Binaling ko na muli ang atensyon ko sa librong nasa harap ko. Nakakakilig naman si Cross at si Eya nag aaway dahil lang sa boy bawang hahaha!!
"Anong nginingiti ngiti mo jan? Parang tanga lang eh."
Napatingin naman ako sa lalaking nasa likod ko.
"Medyo pakilamero ano po?!" sarkastikong sabi ko.
"Pss! sungit mo!"
"Pakealam mo!"
"Siguro araw araw kang may dalaw, sungit mo pango!"
"Makapagsalita to kala mo katangusan ang ilong! Hoy flat din kaya oh!" dinuro ko ang ilong niya.
"Aray yung ilong kong gwapo!"
"Yuck! gwapo?! manalamin ka nga!"
"Hindi na kailangan diba Shane?" sabay wink niya kay Shane na nasa kabilang row katapat niya.
"Kayaaaa!!!OO super pogi!" sagot naman nito,Pssss! crush niya lang kasi kaya ganyan landiii!
"Kita mo iyon?"
"Whatever!" sagot ko.
"Edi inamin mo rin na gwapo ako."
"Pwede ba Jake!" nakakainis na ha.
"Bakit ina---aray! Tsss.. Jamil lintik ka pangalawa na iyan.Ito sayo!" binato niya si Jamil.
Kainis talaga yun. Siya nga po pala si Jake Gajes isa sa campus heartrob na ubod ng yabang! Classmate ko siya since 1st ata kaklase ko na siya at wala na siyang ibang ginawa kung hindi asarin at pagtripan ang kawawang ilong ko. Samantalang siya eh flat din naman ang ilong pero bumagay naman sa mabibilog na medyo singkit niyang mata. Oo aminin ko gwapo nga siya pero mayabang naman. Aamin ko ring crush ko siya pero sikret lang ah? XD. Kahit naman kasi gaano siya kayabang pag nakita mo na siyang magseryoso dun mo parin makikitang isa siyang mabuting tao.
"HEIDEE!"
Automatic ay napalingon ako sa kung sinomang nagsigaw ng pangalan ko. Nakita ko agad sila Yhannie, Des, Noe at Cha sa may pintuan ng room namin.
"Oh bakit? anong problema niyo at napdpad kayo dito?" Tanung ko habang naglalakad papalapit saknila.
"Tara canteen tayo wala naman magawa sa room eh." aya ni Des
"Nagbabasa ako eh."
"Bakit di naba pwede ituloy yan sa canteen?" sarkastikong sagot ni Cha.
"Oo na nga kasi diba? Wait lang kunin ko lang pera sa bag ko."
Sa Canteen
"Kailangan ko na atang magpasalon tomorrow." sabi ni Yhannie kinikilatis pa ang mahaba nitong buhok.
"Ay ako rin.PapaHot-oil ako nagdry na oh." sang-ayon naman ni Des
"Ako naman papanail-art chaka ipapacurl uli yung dulo ng hair ko." saad ni Cha.
"Ako rin papagupit na ang haba na kasi." sabi ni Noe.
Wala talagang alam gawin itong mga ito kung hindi ang magpaganda. Magaganda na nga sila oh parang ako nga lang ang pangit dito joke.
"Ikaw Heidee ayaw mong magpasalon?"
"Ayoko ano namang ipapasalon ko?" sagot ko.
"Duhhh! Ang dry dry na kaya ng hair mo. Oh wait super dry pala." Sabi ni Yhannie.
"Trulaley! and look parang pugad na ng manok oh! Patanggal natin ang split ends girl"-Cha
"Onga tapos palagyan natin ng bangs para new look."-Noe
"Gusto ko yan Noe! para gumanda ka naman."-Des
Nag-umpisa nanaman po sila. Ang galing no? nakakaencourage talaga nilalait nanaman ako.
"Makapanlait naman kayo sa kawawang buhok ko!" >3< saad ko.
"Totoo naman!" sabay sabay nilang sagot. Ouch!! Buwisit talaga tong mga to Hello! may damdamin din kaya ako.
Pagkatapos ng barkada sesion namin sa canteen bumalik na kami sa klase namin, dahil wala namang ginagawa maaga kaming pinauwe kaya naman heto kami ngayon sa salon kasama ko lang naman po ang aking mga diyosang kaibigan na walang tatalo sa kaartihan joke.
“Ate yung buhok niya pakirebond po ah.”-Cha
“Palagyan na rin po ng bangs ate.”- Yhannie
“Paki ahit din po yung kilay medjo makapal eh.” – Des
“Ate balikan nalang namin siya. Ito po yung bayad.” –Noe
Busy ako sa pagbabasa habang sila nakikipag-usap dun sa baklang stylist nila. Konti nalang promise matatapos ko na itong Diary ng Pangit Waaa! Ang saya lang---.
“Waaaaaa!!!! Bakit bitawan niyo ako! Ayoko nga sabing magpa-ayos eh.” Pilit kong inaalis ang kamay ng mga baklang stylist dito.
“Sorry po utos lang caka bayad na eh.”
“Ito nalang ayusan mo itong baklang ito.” Sabay turo nung baklang nasa harapan ko.
“Wag nalang po kayong malikot ma’am gugupitan ko na po kayo.”
WAAAAAA!!!! Lagot talaga sila saakin, akala ko magpapamake over sila ako pala ang imamake over!.