CHAPTER THREE

4.4K 45 4
                                    

Chapter Three

"I love you." Bulong ni Ardel sa fianće na si Sarah. Binisita niya ito sa clinic nito sa may Tomas Morato. Celebrity dermatologist ang mapapangasawa. Tulad niya'y twenty eight na rin ito. Halos dalawang taon palang ito sa pagiging dermatologist pero agad na nakilala. Ka-partner nito ang isa pang sikat na dermatologist at naging propesor nito noong kolehiyo na si Dr. Mylene Gambol Lambit. Napahanga ng beteranang doktor ang babae kaya naman kinuha sa clinic nito at agad na nabigyan ng pangalan. Maraming celebrity na kliyente nito ang nagbalak na akitin siya at tahasang nagpakita ng motibo pero isa lang ang pinakamaganda para sa kanya. Iyon ay si Sarah.

Tunay namang maganda ang babae. She has a natural curly long hair. Natural na maganda ang porselanang balat nito. Her lips was pinkish and pouty. An owner of a perfect curve, huge booty and one hell of a boobs. Oo doktor siya pero wala kahit isang retoke sa katawan nito. She was just f*cking Goddess. Born to be beautiful. Fit for an equally perfect Ardel Pineda.

Aminado naman si Ardel na naging katulad din siya ng ama at kapatid. Naging palikero siya... noon. Pero nang makilala niya si Dr.Sarah Jane Merciales sa isang event sa kanilang hotel kung saan may okasyon ang mga dermatology students ay nabago na ang lahat. It was indeed love at first sight. Naging masuyo siya sa panliligaw dito. Naging seryoso siya for once in his life. Hindi lang din kasi basta-bastang babae si Sarah na maganda at mayaman lang. May mabuti rin itong kalooban. Galing kasi ito sa isang mayamang pamilya na biglang naghirap. Ngunit hindi sumuko ang babae sa mga pangarap nito. Hindi naman sobrang paghihirap pero nagsimulang malugi ang family business nila. Muntik na ring magkasira ang mga magulang nito dahil sa nangyari. Nakakuha ng scholarship si Sarah at nag-aral ng mabuti. Nag-working student din. Ngayo'y matagumpay na ito sa sarili nitong pagsisikap. Ang kagandahang loob at pagiging matatag nitong babae ang higit niyang hinangaan sa babae.

Halos hindi rin siya makapaniwala noong una nang malaman niyang ikalawang nobyo palang siya nito. Sa ganda nito ay hopeless romantic din si Sarah. Niloko kasi ito nang naunang kasintahan. Katawan lang daw at girlfriend na pang-display ang hanap kaya nadala ang babae mula sa una nitong relasyon. Naging old-fashioned way tuloy ang panliligaw niya rito. Talagang pinatunayan niya ang nararamdaman para rito. Halos ihatid sundo niya ito sa eskwela at trabaho. Personal din siyang humaharap sa mga magulang at dalawang mas nakababatang kapatid nito. Tuwing Pasko ay nagbabakasyon din ang pamilya ng babae sa mga kaanak nito sa probinsiya ng Quezon. May matandang bahay ang mga ito roon na muntik na ring mapagbenta noong may pinagdadaanan pa ang pamilya. Doon niya naranasang magsibak ng kahoy, mag-igib ng tubig sa poso, umakyat sa puno ng niyog at iba pang makalumang paraan ng panunuyo sa babae. May mga tauhan man at kasambahay sa probinsya ay pinili pa rin ni Ardel na gawin ang mga bagay na iyon. Maliban sa ehersisyo na rin ay nagsilbi na rin iyong prueba ng pag-ibig niya kay Sarah. Hindi lang siya sa salita at materyal na bagay ngunit mas lalo't higit sa gawa.

Naging matagumpay naman siya sa panliligaw. Isang matamis na pagsasama ang kanilang pinagsaluhan. Mahal na mahal ni Ardel si Sarah. He couldn't imagine himself with someone else but her. Baduy man lalo na sa part ng isang lalaki pero true love na nga ito. Dahil halos lahat ay nagawa na niya para rito, ang bituin nalang daw yata ang hindi niya nasusungkit at nabibigay rito. Iyon tuloy ang napiling hilingin nito kapag gusto na niya itong pakasalan. Bagay na nagawa naman niya noong mag-propose siya rito.

"I love you too Ardel." Isang matamis na tugon ang lumabas sa bibig ni Sarah saka siya nito hinagkan sa labi. Napakalambot talaga ng mga labi nito. Kahit buong araw ay handa niya iyong hagkan. Hindi niya pagsasawaan. He was falling for her in every single way, everyday.

"Kumusta naman ang araw ng mapapangasawa ko? Did you miss me? Ako kasi miss na miss kita eh. Sobrang excited na ako sa kasal tulad ng excitement ko na makita ka araw-araw." Mula sa likod ay hinalik-halikan niya ito sa leeg pataas. She smells fresh kahit na maghapon na ang lumipas. Bigla tuloy nag-init si Ardel. Walang effort siyang maakit ng mapapangasawa. Parang normal na lamang sa kanya na mahumaling sa alindog nito. Naging mapusok ang pagpupog niya ng halik sa leeg nito.

PERFORMANCE BROTHERSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon