Crappy Chapter.
Chapter 19: Just like how I fell for him
Marami pala talagang nangyayari sa buhay mo na hindi mo alam. Kumbaga.. Hindi mo namamalayan na naiisip o nagagawa mo na pala ang isang bagay kasi alam mong hindi tama. Alam mo na hindi pwede, kaya ayaw mong isipin. Laban 'to ng nararamdaman mo sa alam mong tama at mali.
Ganun naman yung iba diba? What I mean is, normal naman na magkamali ka. Tao lang tayong lahat. Nagkakamali.. Nasasaktan.
I've been unconsciously in love with my best enemy. Si Bryan. Hindi ko sure kung mahal ko ba talaga kasi hindi ko pa naman nararanasan yun, EVER. Pero isa lang ang alam ko, ayaw kong mawala ulit siya sa'kin. I promise myself not to let him go again. Hindi ko na keri. Oo na, talo na ako sa laban na 'to. LOSER NA KUNG LOSER. Hindi na nga ata ako si Nicole. But I am desperate to be happy.
"Hindi mo ba bibitawan kamay ko?" Tanong ko kay Bryan. Nakangiti ako sakanya. Eh kasi naman.. Iba pala yung pakiramdam kapag mahal mo yung taong humahawak sa'yo. Parang.. Parang merong something sa'yo na hindi mo malaman. Para akong sasabog! Shet. Diba dapat matagal ko nang alam yung feeling na may ka-holding hands? Pucha naman! Malapit na akong mag-twenty five pero bakit parang pati kamay ko, virgin parin?
Kung tatanungin niyo kung anong nangyari.. Well. Mukha naman nang okay kami. Masyado siyang natuwa noong sinabi ko yung nararamdaman ko para sakanya. He's happy and so am I.
"Kapag binitawan kita, makakawala ka nanaman." Nakangiti niyang biro sa'kin. Kung meron man akong kakayahang mag-blush, malamang magba-blush ako. This feeling is overwhelming. Hindi ko alam gagawin ko kasi sobra sobra nanaman yung nararamdaman ko. Sobrang saya. Gusto kong sumigaw. Para akong sasabog! My god.. Ganito ba talaga epekto ni Bryan sa'kin?
"Tsss. Ang arte mo!" Tinanggal ko yung kamay ko saka ako tumakbo papunta sa dagat. Agad naman siyang sumunod at patakbong pumanta sa'kin.
"Hindi ka talaga makakawala sa'kin, Nics!" Sigaw niya saka niya ako tinalsikan ng tubig.
"WAAAAA! Bryan naman!" Reklamo ko kasi hindi pa siya tumitigil. Tumawa lang siya ng malakas. Hindi ko na natiis.. Kumuha na rin ako ng tubig saka ko siya binasa. Sinipa sipa ko pa para lang maka-ganti.. Pero nakakainis 'tong lalaking 'to.. ANG LAKAS NIYA MANIPA NG TUBIG! Basang basa tuloy ako..
"Hahahahaha! Ang cute ng bitter butter ko!" Hindi parin siya tumitigil sa pagbasa sa'kin at ganun din ako. May kung ano nanaman akong naramdaman nang banggitin niya ang 'bitter butter'. Sht. Ang tagal kong hindi narinig yun ah? Ayokong makita niya kung anong epekto sa'kin nung pagtawag niya kaya mas lalo kong nilakas yung pag-sipa ko ng tubig.
"LECHE KA TALAGA SOUR CREAM KO!" Sigaw ko sakanya nang mas lakasan niya ito. Napatigil naman siya kaya napatigil rin ako. Tinaasan ko siya ng kilay. Basang basa na rin pala 'to! Sobrang galing ko talaga. Akala niya siya lang ha?
"Ano ulit sabi mo?" Tanong niya sa'kin. Lumapit siya sa pwesto ko. Ngumisi ako.. Pero nawala iyon ng bigla niyang hinawakan ang kamay ko't hinili sa mas malalim na parte ng tubig.
"BRYAAAAAN!" Sigaw ko nang bigla niya akong binuhat.. Bridal style! Saka siya tumakbo sa mas malayong parte ng tubig. Oh my god! Naramdaman ko nalang ang paglubong naming dalawa at ang pagbitaw niya sa'kin. Nanlaki ang mata ko.. Bigla akong nag-panic pero agad namang nabawi 'yon nang maramdaman ko ang dalawang braso niya sa katawan ko.
"My goodness, Bryan! You scared me!" Nasa malalim na part parin kami.. HINDI AKO MARUNONG LUMANGOY! Kaya eto.. Naka-kapit ako sakanya. Ngumiti siya sa'kin.
"Wala ka parin bang tiwala sa'kin?" Tanong niya habang naglalaro sa buhok ko. Seryoso yung boses niya. Hindi ko alam ang isasagot ko.
Masaya ako.. As in super duper mega to the highest level ang saya ko kasi kami ulit. Wala parin naman kaming labels. Hindi pa namin yung napag-uusapan. Basta ang alam lang namin, mahal namin ang isa't isa. Pero hindi ko pa rin masabi sakanya yung problema ko sa pamilya ko. Kailangan ko lang ng konting panahon.. Saka ko aaminin sakanya lahat. Kapag nasabi ko na kay mama, saka ko ike-kwento sakanya lahat.
BINABASA MO ANG
The NBSB's Sweetest Downfall
MizahCompleted in 2013 but retelling in 2022. New version will be different and a lot more matured, reader discretion is advised.