1: Hanggang Dito Na Lang

878 21 2
                                    

HANGGANG DITO NA LANG

Noong makita kita noon ay sinabi ko sa aking sarili,
Na huwag akong aasa na magugustuhan mo rin ako,
Subalit dumating ang araw na ako'y tuluyang nahulog sa iyo,
Nahulog sa iyong patibong na magdudulot sa akin ng lungkot.

Kay hirap sapagkat ikaw ay nahulog sa aking kaibigan,
Araw-araw kong iniisip na sana ay tayo ang nag-iibigan,
At dalawang taon ang lumipas,
Dalawang taon din akong umiwas.

Ngunit isang araw ay isang himala ang nangyari,
Mahal, sa wakas ako'y iyong napansin,
May kaunti mang alinlangan sa akin ay kumubli,
Pero mahal ikaw ay aking pinili higit sa aking sarili.

Walang araw na ako ay hindi ngumiti,
Naramdaman ko ang sayang umibig sa iyong piling.
Pero bakit ganoon mahal?
Tila ka'y bilis naman ata ng panahon na sa atin ay nilaan.

Dumating ang oras na iyong hiniling na tayo ay mag-isip muna,
Kung tayo ba ay lalaban para sa relasyon na ating pinagsamahan,
O susuko na lamang dahil baka tayo ay mahirapan.
Pero mahal, salamat dahil sabay tayong lumaban.

Araw-araw ay nananatili akong matatag.
Sapagkat alam kong ika'y nangako sa akin,
Ngunit bakit parang ako nalang ata yung lumalaban?
Para bang ang pangako mo ay tuluyan ng napako.

Mahal, salamat kahit masakit,
Salamat kahit mahirap tanggapin.
Mahal kita pero siguro nga hanggang dito nalang tayo,
Ayoko man ngunit kailangan ko ng lumayo.

Sana maging masaya ka,
Maging masaya ka sa piling niya.
Okay lang ako mahal dahil tanggap ko na,
Tanggap ko na, na hanggang dito nalang tayo...

By:
Fiorebelle ❤

Hugot PoetryWhere stories live. Discover now