M.M.'s Babysitter
M.M.'s POV
Wednesday morning. Ewan ko kung anong pinasabog n langit at sabay-sabay kaming nilagnat ng mga pinsan ko. Ang kaibahan lang, pumasok ako at may quiz pa ako sa Nat Geo subject ko. Buti pa sila, nagpapahinga sa bahay -,-
Kakatapos lang ng quiz namin at kahit papaano, pasado ako. Nakakapagod nga lang kasi nilalagnat na ako.
Ayaw pa nga akong paalisin ng mga pinsan ko sa bahay dahil unfair daw. Hindi kasi sila pinayagan pumasok ng mommy ni Abby at matataas pa ang lagnat nila. Napapayag ko lang si tita dahil kelangan talaga na kumpleto ang students para sa quiz namin. Sayang din yun, 50 points eh. Bale, long quiz talaga ang binigay sa amin kasi maraming late.
Unfair daw sa kanila dahil makikita ko ang Exo. Natatawa ako kay Abby, hindi man nya aminin na naiinis sya, halata naman sa kanya kasi nauutal sya kapag hinihingan ko ng dahilan kung bakit ayaw nya akong papasukin.
flashback
"Wag ka na pumasok!!"
"Ano ba Katharine! Bitawan mo ako!!" Nagpupumiglas ako sa mga kapit ni Katharine. Kulang na lang kasi, lumambitin sya sa leeg ko. Pasaway masyado.
"Oo nga, unnie!!! Baka mabinat ka lalo!" Sunod na sabi ni Katrine. Hayy... Sasabunutan ko tong dalawang to eh.
"Wag ka na pumasok! Sige na oh! Unfair kasi eeh!!!" Lumabas kung saan si Mary at hinatak yung backpack ko.
"Pati ba naman ikaw, Mary?! Punyemas! Bitawan nyo nga ako!" Hala! Feeling ko mahahati na sa marami ang katawan ko sa mga hatak na ginagawa nila.
"Nilalagnat ka pa, hindi ka papasok!" Takte! Nasaan yung kalmadong Abby noon? Kinakampihan nya tong mga ito ngayon.
"Guys! May quiz nga kami ngayon! Eh wala naman kasi kayong NatGeo extra subject eh! Kung meron sana papasok kayo diba?!" Hayyy!! Nakakapaos ang ginagawa ko.
"DITO KA LANG!"
"HINDI KA PAPASOK!"
"NILALAGNAT KA PA!"
"AKIN NA YUNG BACKPACK MO!"
"MAKIKITA MO YUNG EXO!"
"Exo?"
"OO MAKIKITA-" O.O "KATHARINE!!!"
Huehuehue~ Now I know.
"Bakit?!" Ang sama ng tingin sa kanya ng mga pinsan ko.
"Bakit mo sinabi?!"
"Ahehehe..." Napakamot sya ng ulo at tumakbo dahil hahabulin sya nung tatlo.
And I took my chance para umalis na nga bahay.
"Huy!"
"Ay kalabaw!"
"Ngayon kalabaw naman?" Tumingin ako sa likod ko at nakita ang pa-inosenteng mukha ni Baekhyun. Lagi talagang sumusulpot kung saan-saan itong lalake na ito. Kaya halos mamatay sa gulat si Mary nung isang araw eh.
"Baekhyun! Ang hilig mo manggulat! Kung hindi siguro ako lumingon, baka nabangasan ka na sakin." Ilalapat ko sana ang mukha ko sa desk ko nang mapansin ko ang buong Exo sa harapan ko.
"Ginagawa nyo dito?"
"Ahh.. Wala naman. We're just wondering kung bakit ikaw lang ang pumasok ngayon." Ahh, hinahanap nila yung apat.
"Ahh.. Wala, nilalagnat sila." Sabi ko. Hayy... Medyo hilo na rin ako, kelangan ko na siguro magpahinga.
"Sige. Punta muna ko sa garden." Tumayo na ako para lumabas.

BINABASA MO ANG
Weh? Di nga? You're a GIRL?!
Teen FictionPaano kaya kung ang parents mo ay nag decide sa isang bagay na ayaw mo talaga? At dahil sa wala ka ng maisip na ibang paraan, eh pinasok mo ang isang bagay na hindi mo alam kung tama ba. Anyare na kaya sayo?