My Crush in the Class

2 2 1
                                    


Hayy naku... Pasukan na naman...

Grade two pa lang po ako no! Tamad ako mag-aral! Pero papasok pa din... Actually, gusto ko matuto. Ayaw ko lang talaga yung mga teachers na nagsusungit, mga mababa magbigay ng grade at mga mapagmataas... pati yung mga batang estudyanteng umiiyak dahil iniwan ng nanay sa school... At magsulat at sa mga activities.

Kahit lalaki ako, napakatahimik ko sa klase, pero may kaibigan naman ako. Oo, may kaibigan ako no! Gaya ng dumarating ngayon... ang kaklase ko na kapitbahay rin namin...

"Carlos! Mag-isa ka na naman sa bench ah! Feeling matured, EIGHT YEARS OLD KA PA LANG!" ang nakakainis na sabi ng bestfriend kong si Mike, "Nakadekwatro pa siya! Wag ganyan bro!"

Di ako nagresponse. Minsan kasi, wala talagang kwentang kausap si Mike. Pero...

"Carlos, alam mo ba..." sabi niya at

"Oo, alam ko!" sabi ko agad kahit di pa siya tapos magsalita, (pabara!)

"Hala! Seryoso, bago nating kaklase, si Andrea! Luk tu her, she is so byutipul, wala nang hihigit!" sabi niya sabay turo sa matangkad, maputi, KABIGHABIGHANI na BABAE. Pagkatingin ko di ko napansin, napanganga ako dun... Hay, oo nga pala, expert dito si Mike. LOVE EXPERT.

Pero teka, eight years old pa lang ako! Pppppppeeeeeerrrroooo — lumingon siya sa akin! Andrea Mae Fortes, Andrea Mae Fortes, Andrea Mae Fortes...

"Andrea Mae Fortes, Andrea Mae Fortes," kanina pa pala inuulit ni Mike yung pangalan. Tapos di ko sinasadya na matawag siya. Oo, si Andrea.

"Andrea!" nasabi kong bigla.

= sana hindi masungit = sana hindi mataray = sana mabait = sana mapansin niya ako =

Grabe ang OA ko pala. Nakaluhod ako na parang nagpepray tsaka nakapikit.

"Hello John Carlos dela Vega!" may babaeng nagsalita, ang ganda ng boses. Wow! I opened my left eye first... Andrea? Ha?? Seryoso?

"Oo, seryoso, ako nga ito, si Andrea!" sabi niya. Nababasa niya ba yung iniisip ko? Totoo?

"Oo nga, totoo!" Hala... napansin pa ni Mike na nagbablush ako. Hala, first time ito!!!!!! Di ko na kaya to! Kaso, panira...

(nagring na ang bell, kailangan na pumasok ang mga estudyante sa classroom. Ang upuan ni Andrea, nasa harap sa kanan sa dulo. Ang upuan ni Carlos, nasa likod sa kaliwa sa dulo; katabi ni Mike)

Kainis, gusto ko pa naman siya maging close! Hay... Di bale na, KAYA KO ITO!

Dumating na yung teacher namin. Teacher namin sa GMRC (EKAWP). Magpakilala. Si Mr. Alex. Maingay ang klase kaya pinatahimik niya. Nag-utos na kopyahin ung nasa manila paper. Hasshhhhh! Tamad nga ako di ba? Pero dahil first day naman ng klase, edi pagbigyan. Kaso, pagtumitingin na ako sa board, laging lumiliko yung tingin ko. Carlos naman eh!

Napupunto ang tingin ko kay Andrea. Pakiramdam ko kasi, iba siya.

"Tapos na ba magsulat, ba't ang ingay na?" sabi ni sir nang mag-ingay na naman ang klase. Tapos napatingin siya sa akin! Ayy grabe! Super talaga! Yan tuloy, di ko natapos ang pagkopya. Napagalitan ni sir.

Busettt! 

Pagkatapos ng pagkakatinginan namin, di na kami nakapag-usap sa buong araw na iyon, kahit sa recess at uwian. Pero may nagbago sa akin sa araw na iyon. Kaya ginaganahan na ako pumasok! Andrea, maghanda ka, gagawin kitang ANDREA DELA VEGA in the near future. Kahit hindi pa ako matured, MAGHIHINTAY AKO!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 07, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Kilalang Kilala Ko Kaya Siya!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon