<\ Third Person's POV />
Hawak ni Jas ang dibdib nya.
Sobrang lakas ng kalabog nito.
Nanghihina pa nga ang mga binti nya na parang kahit anong oras ay matumba sya.
" Ba-baket- " nagulat sya at napatigil sa kanyang sasabihin nang malingon nya ang taong humawak sa palad nya.
" Ang lamig naman ng kamay mo " wika ni The8 nang hindi man lang nilingon si Jas
" Bakit mo ba hinahawakan- " hindi nanaman nya natuloy ang sasabihin nya dahil hinigit na sya nito papuntang stage.
Nakatingin sya sa mukha nitong nakangiti lang hanggang sa lingunin rin sya ng binata.
" Hoy, magsisimula na ayos ka lang ba? " wika ng binata sa mukha ni Jas
" H-huh? " may malaking tanong sa isipan nyang tinitigan si Minghao
Nagsimula ng tumugtog ang musika. Nagsimula na rin silang sumayaw.
Nang mga oras na iyon, hindi nya makita ang mga manonood kundi ang mukha ni The8 na kasalukuyang nakatingin rin sa mga mata nya.
Wala na rin syang marinig na sigawan, maski ang tugtog ay hindi na masagap ng kanyang pandinig kundi ang pagkabog ng dibdib nya.
Muli nanamang maghahawak ang kamay nila. Nanlalamig nanaman ata sya, kumunot kase ang noo ni Hao eh.
Kinurap kurap nya ang mata nya ng maraming beses nang matapos na silang magperform habang nakaharap sa mga manonood.
Nakikita nya na ng maayos ang mga ito at rinig na rinig na rin nya ang napakalakas na sigawan mula sa mga ito.
Pagkatapos nilang yumuko, isang pamilyar na mukha ang nakapukaw ng atensyon ni Jas bago sila bumaba roon.
" Ayos ka lang? " bungad ng kaibigan nya sa kanya
" H-huh?! Uhmm oo naman J-Jash " utal nyang sambit
" Ahhmm bakit parang... " lumapit sya sa tainga ni Jas " titig na titig ka kay Myungheo kanina?! " bulong nito na may nangaasar na tono
BINABASA MO ANG
Do You Believe In MAGIC? || Seventeen The8
ФанфикDo you believe in MAGIC? Sa panahon ngayon, may naniniwala pa kaya sa mga imposibleng bagay na mangyari? Lalo na sa isang magkalayo at magkaibang magkaibang mundo tulad nina Jas at Minghao? Isang ordinaryong babae at isang idol, pano ba at bakit ba...