THE CALL

165 5 2
                                    

A/N: Trip niya daw 'tong story ko. hihi..Thanks for reading Min Ho. :) @ImKoreanLover28

-------------------------------------------------------------------------------------------------

CHAPTER 18

---THE CALL---

Kirstein's P.OV.

"Happy Birthday Jaycee." bati ko sa birthday boy at inabot dito ang regalo ko. Nakapasok na kami ni Blaizey my loves sa bahay nila. Sinundo niya ko sa bahay. Kyaa!!

Nasa may garden na kami ngayon dahil dito ang reception ng party. Nakita kong maraming bisita si Jaycee. Bongga ang party. 

"Thanks K." at niyakap ako nito. Gumanti din ako ng yakap dito at bumulong, "Magpakabait ka na ha." at narinig ko ang pagtawa nito sa likod ng tenga ko. 

"Let's party guys!" sigaw ni Ali at tumugtog naman ang rock music. May hawak itong bote ng alak.

Kumalas naman sa pagyayakap sakin si Jaycee at nagsalita.

"Guys, ipapakilala ko lang si Kirstein kay Mommy. Excuse us. " at agad-agad akong inalalayan nito papunta sa loob ng bahay. Lumingon lang ako sa barkada at kumaway naman ang mga ito sa akin. I just nod and smiled at them. Pasimple kong tiningnan si lovey doves ko at ayun, nakatingin lang siya sakin at nakangiti...Oo, nakangiti nga siya! Puteks! Kiligness...

Jaycee, pwede bang wag nalang akong umalis sa tabi niya? hihi..

Pumasok nga kami sa bahay nila at parang agad namang nahagilap ng mata ni Jaycee ang mommy nito. May mga kausap ito na base sa pag-aanalisa ko eh mga negosyante. 

"Mom!" mahinang tawag ni Jaycee. Lumingon naman ang tinawag na Mom ni Jaycee at ngumiti samin tsaka lumapit.

"Oh Jaycee, sino yang magandang binibining kasama mo?" parang nanunudyo ang tingin ng mommy nito sa kanya. Napakamot naman sa noo si Jaycee. At ako? Namula lang naman ako sa sinabi nito.

"Mom naman. Meet Kirstein. New found friend ng barkada." pagpapakilala nito sakin. 

"Hi Ma'am. Nice meeting you po." at inabot dito ang kamay ko. Masaya namang inabot iyon ng mommy nito.

"New found friend? I thought she's your girlfriend?" Parang namula naman si Jaycee sa sinabi ng Mommy nito. Muntik na rin akong maubo. Si Jaycee? Boyfriend ko? hehehe..tawa much. Para ko na siyang kapatid noh. Well. I'm longing for a sibling.

"Mom?!" parang batang sigaw nito.

"Ah--eh..hehe..hindi po Ma'am. Friends lang po kami ni Jaycee. Para ko na nga po siyang kapatid." nahihiya kong wika dito.

"Hehe..Joke lang hija. Just call me Tita Len, since magkaibigan naman kayo ng anak ko." 

"Ahm..opo, cge po Tita Len." tsaka ngumiti rito. Infairness, mabait yung Mommy niya.

"Oh siya, mag-enjoy kayo ha? I'll be talking to the other guests. Maiwan ko na kayo." 

"Sige po. Nice meeting you po." at nag-bow dito. Ewan ko kung bakit ang hilig kong mag-bow sa mga matandang kaharap ko. Siguro nasanay lang ako nung bata pa ko. Parang it's a sign of respect kasi.

Ngumiti naman ito sakin at tumalikod na.

"Pasensya ka na Kirstein sa Mom ko. Ganun talaga yun eh." at napakamot ito sa batok.

"It's alright."

"Tara, ibabalik na kita sa barkada." at naglakad na nga kami pabalik sa garden.

You're my CRUSH, He's my LOVE (On-Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon