Sa isang coffee shop sa Makati may tatlong besties ang seryosong nag-uusap about lovelife.
Jen: Eto ang hindi ko maintindihan sa mga lalake ha, sa ganda kong ito bakit inabot na ako ng bente-siete eh wala pa rin ni isang nanliligaw o nagkakagusto sa akin?? Mabait naman ako! May fez, sexy and tayong-tayong naman ang boobs ko?! Ano bang ayaw nila sa akin??
Venus: Ewan ko ba sa 'yo! Noon ko pa sinabi na pumasok ka na sa kumbento! Wala ka ng pag-asa, bes! Kita mo si Tita Susan? Konting kembot na lang senior citizen na pero kitang-kita mo pa rin ang ganda pero ano siya ngayon? MATANDANG DALAGA! Ang sabi niya wala daw nanligaw sa kanya kaya wala siyang choice kundi tumanda na hindi nagagamit ang kipay niya. At dahil tunay akong kaibigan, hindi ako mangingiming sabihin sa 'yo ang katotohanan! TATANDA KA NA RIN DALAGA! Hah. Maniwala ka sa akin...
Jen: Wow ha. Nagsalita ang may lovelife! Ikaw nga going 40's na pero wala pa ring pinapakilalang boyfriend sa amin eh. Kung maka-kwento ka na umaariba ang sexlife mo eh ni picture ng kine-claim mong jowa mo hindi mo mapakita?! Puro ka: Bes, sorry hindi ako pwede. May date kami ni Papa P! Sino yang Papa P na yan? Si Piolo?! Hahahaha!
Venus: Going 40's?! Sino ang going 40's?! Gaga ahead lang ako sa 'yo ng 3 taon noh. Kitang-kita naman ang ebidensiya oh. And about naman sa jowa ko, 'wag kang excited, girl! Just wait and see. Makikilala niyo din si Papa P sa tamang panahon. *Kindat*
Jen: Ah basta! To see is to believe! 15 years na tayong magkakaibigan, at ang sabi mo going 6 years na kayo ng Papa P na yan pero hanggang ngayon ni anino niya hindi pa naman nakikita. Hahaha! Yung totoo? Buhay ba yang Papa P na yan o kathang isip mo lang? And another thing, hindi ako tatandang dalaga ha. I swear, kapag nag-30 na ako at wala pa ring nagtatangkang manligaw o makipagdate sa akin, ako na mismo lalapit sa lalaki.
Venus: Wait. Are you trying to tell me na may imaginary boyfriend ako?!
Jen: Wala akong sinabing ganyan...
*Kukuda pa sana si Venus ng biglang...
Krisandra: Waaaaaaaaaahhh! *Hagulgol to the max*
Jen: Huy! Anyare??! Bakit ka humahagulgol ng ganyan?? Tumigil ka nga!
Venus: Please don't tell me na nahuli mo na namang may babae si Mark?!
Krisandra: Huhuhuhu... No. Wala siyang babae. *Hikbi* Pero nakipagbreak na siya sa akin! Waaaaaaaah!!! *Tulo sipon
*Nagtitinginan na sa kanilang tatlo ang lahat ng tao sa paligid sa lakas ng atungal ni Krisandra.
Venus: OMG! Stop crying, bitch! We should celebrate!!! Yahoooooooo!!!
Jen: Tigilan mo nga yan, bakla! Nakita mo ng broken hearted 'tong kaibigan natin nakuha mo pang magbiro?!
Venus: At sinong nagsabing nagbibiro ako?! Come 'on, girls! Alam naman natin na sa loob ng 5 taon eh iba't ibang babae ang tinitira ng Mark na yan. Kahit nga aso suotan mo ng palda di niyan palalampasin eh. At heto ha, sasabihin ko na sa inyo. Matagal ko na napapansin na malagkit siyang tumingin sa akin pero dahil totoo akong kaibigan, kahit sa panaginip hindi ko siya papatulan! Ito lang namang si Kris ang siksik ng siksik sa gagong yun eh. Kesho hindi niya maiwan dahil mahal niya. Kesho mahal din daw siya at hindi naman sinasadya na mambabae. Hello?! Eh kulang pa ata ang mga daliri natin sa kamay at paa sa bilang ng mga naging babae nun eh! Not to mention yung federasyon ng mga bakla niya ha. Oh ano? Anong nangyari sa 5 taon na pinaasa mo ang sarili mo na magbabago siya? Wala di ba? Walang nangyari! Iniwan ka din niya! Which is for me is the best thing he ever did to you.
Kris: *Sobbing* Ang harsh mo naman. Mabait naman yung tao kahit papano. Saka ang hirap kasi mag-let go lalo't hindi na rin ako iba sa pamilya niya.
BINABASA MO ANG
Ang Pag-ibig Nga Naman
RomanceThis is a romantic-comedy story. Ewan ko lang kung matawa kayo, ako kasi mababaw ang kaligayahan ko. In fact habang sinusulat at iniimagine ko ang mga scenes sa istoryang ito, hindi ko mapigilang tumawa. :P Anyway, the story revolves around KRIS an...