Chapter Four: Step 3. Make Him Jealous

493 3 0
                                    

Nakikipagbiruan siya kina Gilbert at Bilog nang mga oras na iyon. Wala kasi si Missy dahil hindi ito nakapasok. May dysmenorrhea daw ito.

“Hay nako, Gilbert kung patuloy kang magiging torpe kay Missy, baka makahanap iyon ng iba,”sabi niya rito. “Alam mo naman, maraming umaaligid na boys doon. Bahala ka.”

“Oo nga, ‘tol. Wala sa ating mga kaibigan ang torpe-torpe. Nako, ang hina mo pala sa babae! Nahihiya ako para sa’yo,”pambubuska ni Bilog sa kaibigan.

“Teka, ba’t ako lang ba ang torpe sa ating magkakaibigan ha? Bakit hindi niyo napapansin si Julian?”

“Oo nga, isa pa iyon. Pa-hard-to-get pa. Siya na nga itong nililigawan ng magandang dilag na ito. Ayaw pang sagutin. Mukha namang may pagtingin din, ano?”pahayag ni Bilog dahil doon ay tinampal ni Pauline ang balikat nito.

“Anong nililigawan?” natatawang sabad niya dito.                                          

“Ay hindi ba?”sabi ni Bilog at nagtawanan silang tatlo. Natanaw ni Pauline na papalapit si Julian sa kanila na nakanunot ang noo. Mukhang bad mood na naman ito. Magkagayunman ay nginitian pa rin niya ito.

“What are you doing here?”sabi nito sa kanya na hindi man lang binati ang mga kaibigan. “You told me you’ll help me with this shit,” itinaas nito ang hawak nitong script.

“Ha? Hindi mo naman sinabi—“

“Come with me,” hinila na lang nito bigla ang braso niya at naglakad na sila. Lumingon siya kay Bilog at Gilbert na nakatanga sa kanilang dalawa ni Julian. Mukhang pati ito ay hindi alam kung bakit ganoon ang ugali ni Julian sa araw na iyon.

***

“Don’t you have any shame? Babae ka tapos lalaki ang mga kasama mo. Tapos ikaw lang mag-isa,” galit na sikmat nito sa kanya ng makadating sila sa garden ng campus.

“Grabe ka naman magselos. Don’t worry my heart atiil belongs to you. “

Nagtiim-bagang ito. “Help me with this.” Binato sa kanya ang hawak nitong script.

“Okay!” masiglang sabi niya rito. “Una muna, irecite natin ang mga lines. Mas madaling kabisaduhin ang lines ‘pag ganito.”

At nagsimula na nga silang dalawa mag-praktis. Nang ito na ang nagbabasa ay nakatitig lang siya dito. Napakaganda talaga ng boses nito. Para bang ang boses nito ay hinabi para maglabas lamang ng mga mabubulaklak na salita. Kaya siguro maraming babae ang may gusto rito.

Maya-maya ay turn na niya sa pagbabasa. Ito naman ang matamang nakatingin sa kanya kaya hindi niya mapigilang ma-conscious dito. Kaya naman ay tumigil siya sa pagbabasa.

“Pwede ba huwag mo naman ako tingnan ng ganyan?”

“Why what’s wrong?”

“Hindi ako makapagconcentrate!” aniya. “You’re so handsome. You’re making me melt.”

Until You're Mine [Filipino]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon