3 years living with my hubby and our son sa totoo lang wala na akong mahihiling pa sa mundo dahil andito na ang mga taong nag papasaya sakin at ang mga minamahal koSi nico ay presidente ng companya namin at 3 years old na ang baby namin alam niya manang mana sa akin yung anak namin napaka moody din minsan dahil minsan sweet minsan makulit minsan seryoso hay ewan basta sobra akong nag eenjoy kasama sila at yung apat na halimaw?
Syempre magaganda na din ang buhay nila pero halimaw padin hahaha sobra swerte ko dahil nakasama ko sila at nakilala ko sila
Lahat silang lima ay presidente na ng kanikanilang companya syempre mga minana nila yon sa mga magulang nila at syempre meron din ako pero si hubby nadin ang nag aasikaso non dahil full time ako sa pagiging house wife at mommy ng anak ko
But wait alam niyo naman hindi porket mommy na ako ay losyang na ako, ako lang naman ang pinaka magandang mommy at asawa sa buong mundo hahahaha wala padin pinag bago ang itsura ko para nga daw hindi ako nanay e kahit si hubby hindi mo din mapag kakamalang may asawa
At syempre ang baby namin na si blaze ay okay lang sakin kahit mata lang ang nakuha niya sakin at ang iba ay kay nico na dahil ang mahalaga ay mahal na mahal namin siya ng daddy niya
*tok tok tok tok*
"Mommy tara na po hatid niyo na po ako sa school!" Sabi sakin ni blaze pagkapasok niya sa kwarto namin ng daddy niya first day niya kasi ngayon kaya excited na excited siya dapat nga e next year pa namin siya pag aaralin pero mapilit ang bubuwit na ito kaya hindi din namin natiis
"Okay okay ito na tatayo na kukunin lang ni mommy ang susi ng kotse" sabi ko at kinuha ko na nga susi sa tabi ng kama namin at tuluyan na kaming bumaba
"Manang aalis na po kami hatid ko lang po si blaze sa school" paalam ko kay manang 3 taon nadin siyang nag ttrabaho samin kaya pamilya nadin ang turing namin sa kanya
"Osige ija mah iingat kayo. Good luck blaze" sabi niya kay blaze tsaka ito hinalikan sa ulo
"Haha thank you po manang byee" paalam na ng anak ko at nauna ng lumabas sakin
Pag labas namin ay pumasok na agad kami sa kotse ako ang nag ddrive sa kanya pag ihahatid siya at ako din ang susundo sa kanya simula ngayon
"Are you excited baby?" Tanong ko habang inaayos yung salamin
"Ofcourse mommy sana po madami akong maging kaibigan" sabi niya
"Syempre naman baby basta lagi mong tatandaan bilin ni mommy wag kang makikipag away at maging magalang sa mga nakakatanda okay?" Bilin ko sakanya tumango naman siya sakin tsaka ako nginitian
Hindi din nag tagal ay nakarating din kami sa school na papasukan niya ang tito ethan niya ang may ari nito kaya alam kong mababantayan niya din ang anak ko kahit papaano
Bumaba na kami pag katapos kong mag park ng sasakyan namin at habang nag lalakad kami sa loob ng gate ay may nadinig na kaagad akong bulungan ng mga tao
"Ate siguro yan nung bata ang cute naman nila"
"Oo nga at ang ganda nung ate niya"
"Mare ang gandang lahi naman nila"
"Oo nga mare tignan mo yung bata ang gwapo bata palang at pareho pa silang maputi"
Yan ang mga bulungan ng iba sabi sa inyo e wala akong pinag bago nagkatinginan kami ng anak ko at tsaka kami tumawa ng mahina sanay na din kasi siya sa mga ganyan hahaha
Ng nasa tapat na kami ng room nila ay sinukbit kona sa likod niya yung bagpack niya tsaka siya humarap ulit dakin tsaka naman ako yumuko para mag kapantay na kami
"Okay baby ingat ka ah yung bilin ni mommy be a good boy tsaka bibisitahin ka din naman ng tito ethan mo pag may time siya" sabi ko
"Yes mommy *tsup*" sabi niya tsaka ako kiniss sa cheeks ko
"Sige na pumasok kana susunduin nalang kita mamaya okay hintayin mo lang ako dito" sabi ko tsaka siya kiniss sa cheeks
"Love you mommy paki sabi din kay daddy love ko din po siya hihihi byee po" sabi niya tsaka pumasok na siya sa loob kaya napangiti nalang ako
Nag papasalamt ako dahil nag karoon ako ng napaka sweet at mabain na anak hayst contentong contento na ako sa buhay ko ngayon
Umalis na ako sa school at napagpasyahan kong umuwi na dahil balak kong mag luto ng lunch o baka naman nakalito na si manang don pero dadalhan ko si hubby sa office namin baka kasi hindi pa nag lulunch yon
Opppsss! Teka may nakakalimutan papala ako. Kahit may anak at asawa na ako may isa pading hindi nag babago sakin syempre yon ay ang pagiging bad girl ko *wink*
-Ms.B 💋
BINABASA MO ANG
LWFAJ 2: I'm married to that jerk
RomanceThis a new story, a new chapter ng buhay ni Blaire Ellizabeth Roe Gamboa-Odel kasama ang kanyang hubby na si Nico Odel at ang kanilang baby Samahan ulit natin sila para tuklasin kung ano ano nanaman ang mga panibago nilang haharapin sa panibago nil...