Through My Reminisce

37 0 0
                                    

Title: through my reminisce 

date: November 18, 2011 (11:59)

Sa buhay ng tao maraming mga bagay na hindi niaasahang mangyari. May mga bagay na hindi inaasahang dumating.Kung ikaw ang tatanungin handa ka ba sa mga bagay na ito? Handa ka na bang mabago ang buhay mo dahil sa mga hindi inaasahang pangyayaring ito. Kung gaano ka kabilis mahulog sa isang tao, gaano din kaya kalalim ang iyong babagsakan kapag iniwan ka nito. May isang pangyayari sa buhay ko na kailanman ay hindi ko na kayang baguhin. Ang tanging bagay na hindi ko na kayang ibalik pa ay ang pagmamahal na ibinigay mo na siyang binalewala ko. Ngayon ako ay umaasa na handa ka pa ring tangapin ako sa puso mo pero huli na ang lahat para pagkakataon na iyan. 

Isang bagong kabanata na aking tinahak ngunit hindi nakakasiguro kung ito ay matuwid na daan tungo sa aking pinapangarap o ito ay tutungo sa isang malagim na bangungot. Isang karanasan na hindi ko kailanman puwedeng limutin dahil ito ang nakaraan na kung kalian kita inibig. Dito nag sisimula ang isang matinding pagmamahalan.

Ako nga pala si Justine Ray Arko isang matinong lalake nalaging iniiwan ng babae. Hindi ko din alam kung bakit ganon ang nangyayari sa aking buhay pag-ibig. Kaya pinagpasaya ko na tumigil na lang sa pag-ibig at mag-focus sa pag aaral. Nakapag tapos ako ng Computer Science sa isang Institusyong pang agham. Sa aking panahon sa pag-aaral marami din akong makitang babae na makapag bighani sa natutulog kong damdamin. Ngunit akoy nagmatigas pa din at pinanghawakan ang aking pangako na hindi na muling iibig pa. Madaming mapanuksong gawi akoy inuudyok talaga ng tadhang umibig. Isang pagkakataon ang dumating sa akin habang akoy naghahanap ng mapapasukang trabaho. Sa aking daan patungo sa pag-aaplayan may isang dilag akong nakasabay sa pagpasok ng gusali. Ngunit tulad ng mga naunang pangyayari dedma lang ako. Sadya talagang makulit si kupido kami ay biglang nagtabi sa upuan sa hintayan ng mga aplikante. Isang hawi palang ng kayang madulas at maikling buhok ako ay kanya nang nabighani. Sa aking pagkakilig sinubukan akong kausapin siyo ngunit ako'y hindi makapagsalita. Sinubukan ko na lang silipin ang kayang Resume. Siya pala ay nag ngangalang Maria Lina Nasagnil. Sa aking impormasyong nakuha ito ay aking tinatak sa aking isipin at hindi ko namalayan na ako pala ay tinatawag ng magiinterview sa amin. Sa aking pagkapalpak lahat ng aking kasabay ay natawa sa kanilang kinalalagyan at ako'y nahiya sa aking sarili at lumabas na lang ng gusali ng walang sabi-sabi. Ngunit hindi ako nanghinayang sa nangyari dahil ako ay may nakuhang mas higit pa sa aking tinangka. Pag uwi sa bahay agad agad akong nagbukas ng kompyuter at nag Facebook at hinanap ang pangalan ng babaeng aking nakasabay sa pag-aaplay ng trabaho.

Hindi naman ako nabigo sa paghahanap nakita ko agad ang Profile mo. Agad-agad kitang i-nadd. Tamang timing nga naman ako ay agad mong i-naccept. Ako ay nabigla at agad akong nagmessage sayo ng isang matinding HELLO!. Dun nagsimula ang aking usapan at hindi ko inaasahang ito ay lalago sa isang magandang usapan. 

Justine Ray Arko : Hello!

Maria Lina Nasagnil : Hi? Cnu po sila?

Justine Ray Arko : hmm.. ako nga pala si Justine ung guy na nkasabay mo knina na nag-apply ng trabaho.

Maria Lina Nasagnil : huh? Cnu dun? Di ko maalala sorry

Justine Ray Arko : ung guy na napahiya hahaha umalis n lng agad ako kc nakakhiya tlga hehehe

Maria Lina Nasagnil : ahh ikaw pala un hahaha nkakabaliw ka nga eh. Anu ba iniisip mu ng time na yun.

Justine Ray Arko : Ikaw po hahha Cute mo kc eh.

Maria Lina Nasagnil : hahha matagal ko ng alam un hahhaha ;p bleeh

Justine Ray Arko : makulit k din pala hahahha nice!

Maria Lina Nasagnil : hmmm.. uu minsan po. Panu mu nga pala nalaman ung facebook ko stalker ka nuh? haha

Justine Ray Arko : hahaha hindi nuh nkita ko lng un name mu sa Resume mo.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 02, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Through My ReminisceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon