---UNO---

511 9 5
                                    

GINAWA KAMI UPANG PROTEKTAHAN ANG MGA TAO

Habang tumatagal ang buhay ng daigdig pailap ng pailap ang mga itim na anghel. Sa bawat araw na lumilipas, parami ng parami ang kanilang mga kampon. Nakakatakot, tuso ang mga itim na anghel.

Kaya naman sa araw-araw na balak nilang pagsugod sa daigdig, palaging may dumadating na mga Taga-pagtanggol para hadlangan ang patuloy nilang planong sakupin ang lupa.

“Oras nanaman para sa isang misyon, ngayon binalak nanaman nilang pasabugin ang lugar na ito. Tsss… wala talaga silang kadala-dala. Isang matagaumpay na misyon na lang ang kailangan ko at magiging arkangel na ako”

Gamit ang kanyang katawang tao ay hinanap niya ang mga itinagong bomba ng mga terorista.

“Ano ba namang klaseng security guard ito? Hindi man lang niya ginagampanan ng maayos ang kanyang tungkulin? Tsss hindi ka pwede maging arkangel. Haay… isang bomba na lang ang kailangan kong alisin at tapos na ang misyon ko. magkakaroon na rin ako ng pangalan… ano kaya ang itatawag nila sa akin”

Mula sakanyang likod ay may narinig siyang mga babaeng nagbubulungan. Ang gwapo naman niya.

“Sus… ang mga babae talaga, siguro kung naging tao ako naging heartthrob ako”

“Tagapagtanggol, hindi ka pa tapos sa iyong misyon!” pagpapaalala ni Arkanghel Raphael.

Sa bawat Taga-pagtanggol meron silang mga Gabay na nagbabantay sakanila sasakanilang misyon, nag-uusap sila sa pamamagitan ng utak hindi kasi maaring iwanan ng mga arkangel ang langit dahil ano mang oras ay maaring may sumugod doon na itim na anghel.

“Haay Raphael, wag ka mag-alala akong bahala!” sa halip na hanapin ang ika-huling bomba ay bigla siyang lumihis ng daan.

“Tagapagtanggol, ano ba ang iyong ginagawa?”

“Rapahael, huling misyon ko na ito sa lupa. Gusto ko lang malibot kahit saglit itong mall na ito. Tsaka… pagbigyan mo na ako, na disconnect ko naman ng mabilis yung apat na bomba e.”

Kaya wala ng nagawa si Rapahael.

“Raphael, tignan mo to!” bigla siyang napahawak sa isang teddy bear. “Ang cute niya diba?... bibilihin ko to!”

“At ano naman ang gagawin mo diyan?”

“Ibibigay ko sa mama ko” bata pa lamang siya nung napromote sa pagiging Taga-pagtanggol. Dahil sa madalas siyang nandito sa lupa, nagkukunwaring nanlilimos, ay may kumupkop sakanya… siya din ang nagsilbing kanyang mama.

“Eh bakit dalawa ang kinuha mo? Para sa bunso mong kapatid?”

“Hindi… para sa…”

Bago pa siya makasagot ay bigla siyang napatingin sa babae mula sakanyang harap.

Napakaitim ng kanyang buhok, hindi masyadong mahaba, hindi rin masyadong maikli, hindi siya katangkaran tulad ng ibang mga babae.

Pero may kung ano sakanya… at hindi na maalis ng Taga-pagtanggol ang kanyang mga mata.

Habang papalapit siya sa babae…

“Taga-pagtanggol! … yung bomba!”

..

..

..

Isang napaka-liwanag na ilaw ang bumalot sa boong lugar.

Binuklat niya ang kanyang mga pakpak saka iniligtas ang babae.

NOTUS CERTANUS [season1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon