"Umupo ka na, papakainin kita" Nahihiyang sabi ni YongSang. Ngumiti lang si YoSeob at umupo. Nahihiya man sya na si YongSang pa ang mag papakain sa kanya, wala syang magagawa, hindi pa nya kaya. Binuksan ni YongSang ang pagkain at sinimulan nang pakainin si YoSeob. Sobrang namumula sya sa akward moment na yun, pero at the same time, Romantic. Naubos na ni YoSeob ang pagkain at kumuha si Yongsang ng tubig para painomin si YoSeob. Pagkatapos uminom ng binata, nagkatitigan sila ng matagal, naunang umiwas ng tingin i YongSang.
"Uhm.. mian talaga" pabulong na sabi ni YoSeob. Ibinuka ni YongSang ang mga bibig nya upang magsalita pero isinara nya ulit ito dahil wala syang masabi.
"Gomawo sa pagdalaw, pinakain at binantayan mo pa ako" dagdag pa ni YoSeob at ngumiti sya kay YongSang.
"Arasso. Ok lang, ako naman ang may kasalanan eh" tugon ni YongSang. Napalingon sila sa may pinto nang bumukas ito.
"Joon?" tawag ni DooJoon sa butler ni YoSeob. Pumasok sya kasama sila JunHyung at Daniel. Nagulat sila nang makita nila si YongSang at YoSeob na magkatabi sa kama.
"Anong ginagawa mo dito?" nagtatakang tanong ni JunHyung kay YongSang. "Nasan si Joon?"
"Umuwi na sya" Si YoSeob na ang sumagot. Nagulat sila nang lumapit si Daniel kay YongSang at hinila ito palabas.
"Aray. Daniel ano ba?" Pumapalag na angal ni YongSang. "Nasasaktan ako". Hindi sya binitiwan ni Daniel hanggang makalabas sila ng dorm. Sinubukan sila sundan ni YoSeob pero pinigilan sya ni DooJoon.
***
"Bestfriend n-nasasaktan ako" pagpoprotesta ni YongSang, naluluha na sya. Binitiwan na sya ni Daniel at hinarap sya. Halatang galit ito dahil pulang pula ang mga mukha at tenga nito.
"Galit ka ba?" tanong ni YongSang. Alam na naman nya ang sagot eh pero di lang talaga nya alam kung anong sasabihin sa ganitong sitwasyon.
"Kaya pala ayaw mo ako isama sa lakad mo.! Kaya pala nagmamadali ka!" pasigaw na sabi nito. "May gusto ka ba sa kanya? Huh? Kayo na ba ni YoSeob?!?" pagpapatuloy ni Daniel, sumisigaw na ito. Natatakot na si YongSang dahil ngayon lang nya nakita na nagkaganon ang bestfriend nya.
"Bakit nagagalit ka? Hindi pa pede? Ayaw mo ba?" Nagawang sabihin ni YongSang.
"Ayaw?Ayaw? Sino ba may gusto na nakikita ang mahal nila na..na..na may gustong iba?" mula malakas papahina na sagot ni Daniel.
"Mahal?" inulit ni YongSang ang sinabi ni Daniel. Tumulo ang mga luha nya, ayaw nya ng nagaaway sila ng bestfriend nya. Nanghina sya at napaupo sa sahig. Nawala na ang galit sa muka ni Daniel at tinulungan nya na tumayo so YongSang. Tumulo na rin ang nga luha nito. Huminga nga malalim si YongSang at naghanda sa pagpapaliwanag.
"Nagpunta ako dito dahil sa sinabi ni DooJoon-oppa na may lagnat daw si YoSeob, alam ko na ako ang may kasalanan. Dahil sa mga sinabi ko sa kanya kaya sya nagkaganun. Hindi kami at wala akong gusto sa kanya" Pagpapaliwanag ni YongSang. Paalis na sana si YongSang nang pigilan sya ni Daniel. Tinanggal nya ang pagkakahawak nito sa mga braso nya at tumakbo.