( Author's note: Pasensya na po ngayon lang ang Update. Hope you like it. Comment po kayo para malaman ko po kung anong tingin nyo..)
" Bonifacia! Gising NA!"
Ano ba yan? Ang aga-aga pa eh. Sigurado ako wala naman akong biniling alarm clock eh. Ba't ang ingay?
"Ano ba? Sabi mo gusto mong malibot muna yung eskwelahan mo?"
Lumilindol ba? Bakit parang nauga, INTENSITY 7 na ba ito??
"SUNOG! SUNOG! MGA KAPITBAHAY, SUNOG!"
" ASAN? ASAN? Tiyang asan ang sunog? Tumawag na kayo ng bumbero.. BILIS!!"
" Edi nagising ka rin. Hala't mag-asikaso ka na at itayo mo ang bandera ng mga KATIGBAK."
" Tsang naman ang aga-aga yang lahi na naman natin ang nakita mo."
" Aba eh, sino pa bang magtataguyod ng napakamakabayang apelyido natin kung di tayo lang. O siya hija, magandang umaga." Ay may beso pa ah. Ang taray ni tsang.
Nagtataka siguro kayo kung sino ako? Well, kilalang-kilala nyo ako. Pustahan pa tayo eh. Oh eto ang mga clue:
1. Kinuha sa pangalan ng Mommy ni Papa Jesus.
2. Sikat na sikat rin ako sa fashion world. ( eto lang ang pinakagusto ko sa lahat)
3. Atapang atao ang pinagmulan naman ng pangalan kong ito.
4. At kamag-anak ko pa nga ata ung isa sa mga babae ni Rizal. ( ganda ng term noh? babae? ^_^)
OOOPPPPSSSS!!!!!!
(Author's note: Nahulaan nyo po ba? Try nyo.. I-comment nyo po ang hula nyo. THANK YOU.)
.
.
.
.
.
Ano nahulaan nyo na ba? Sa dinami-dami ng sinabi ko baka ni isa wala kayong nakuha. Sige na nga sasabihin ko na. Ako lang naman si
Maria Francois Bonifacia KATIGBAK!!! ( Ganda noh? ahaha. Ano yun joke?)
O sige na, ang daldal ko na masyado? Next time na yung iba. Makikilala nyo pa naman ako.
" Tsang anong breakfast natin?"
" Special dietary sandwich with water spinach"
Sa kusina...
WOW! WOW! WOW! O_O
Tinapay na pinalamanan ng tuyo at kangkong.
" Oh nagustuhan mo ba?"
" Naman! Tsang da best ka talaga, walanng papalit sa'yo!" Walang papalit sa galing mong magpangalan. HiHi. ^_^
" Syempre naman. Sige kumain ka na at maghanda ka na para sa 1st day mo."
" Yes, ma'am!"
O kailangan ko pa bang sabihin sa inyo ang ritwal ng mga kagaya ko? Halata namang lahat tayo ay dumaan sa ganito.
" Tsang, gora na me."
"Mamimiss kita. Ingatan mo ang sarili mo. Sulat ka ha. I love you. MWAH, mwah, TSUP tsup!!"
" Sige na tsang, haha, di ako susulat noh. Textmate na lang tayo. Rich kaya tayo." Chos! Feelingera ang beauty ko noh? Poor lang naman kame eh.
_ _ _ _ _ _ _ _ _
Hima University (HMU)
Wow! Tangahali na ah. Late na late ko. Tignan nyo readers siksikan na ang mga puno dito. Oh pati mga damo di na magkanda ugaga sa pwesto. Mga isda nga ren eh, halos wala nang tubig puro isda na lang. At meron pang
" Pu-pu-pu-
PUUUUSAAAAAA!!!!"
(Yung picture po ng pusa--------------------->)
Ang cute-cute talaga ng mga kalahi ni Hello Kitty. HALA! Aalis na siya. WAAIITT!! Mahal kong pusa, hintayin mo ako!!!
.......
[ Someone's POV]
" Malelate na ko. Tabi-tabi kayo."
TAE!! Late na ko. Buwisit naman kasing alarm clock yan eh. Pito na nga ang sinet ko, wala pa ring tumalab ni isa. Walang kuwenta yung mga gamit nina Teki. Buti na lang libre. Ito na, ito na ang parking lot.
(BOOOGGSHH!!!)
Teka. Ano yun? May nahagip ba ako? Hmmm... Imposible.. Best driver ata ako. Kung meron man. Hmp.! -_-. Hayaan mo na yun baka pusang ligaw lan yun.
........
[ Francois' POV]
Libang na libang ako sa kahahabol sa pusa nang bigla na lang akong nakarinig ng ingay at namalayan ko na lamang nasa kanal na ko.
" Hoy!!! Bumalik ka rito.. Tulungan mo ako. Barumbado kang EPAL ka!" BWISETT!!
Epal- Epal- E----
" All students! Please now go to the auditorium for the orientation..."
Hayaann na nga yang orientation na yan. Ang aga-aga ko pa namang pumasok tapos ganito lang. GRABE ang bangu-bango ko na. Bukas na lang ako sisipot. Makaalis na nga.
" ... Those who will not be here at the count of 10 will be automatically expelled."
Hala, BILIS!!
"10. . . . 9. . . . . .8. . . . . "
Sandali! WAIT! Wait. Malas!! Kasalanan ito ng barumbadong iyon. Naku pag nalaman ko kung sino yun. Cha-chop-chopin ko iyon.
". . . .3. . . . . .2. . . . .1"
" Sandali LANG!"
Ibang klase talaga ang beauty ko. Biruin mo lahat sila nagtinginan sa akin. Grand entrance ako. Biruin mo yun?
murmur..murmur..murmur...
"Ano ba ito lumabas galing poso negro?" May sinasabi sila pero hindi ko masyadong maintindihan.
" Yuck! Layuan nyo sya dali."
" Alis kayo dyan."
Amaze talaga ako. Ibang klase ang BEAUTY at amoy ko. HAHA ^_^.. Binigyan pa nila ako ng upuan. Haha, ang swerte ko naman ..
" Ano ba naman ito?"
"Naligo ba siya?"
"Mukha nga, naligo sa kanal."
Haaayy~~buhay. Hindi ko makakalimutan ang araw na ito. Naka-ukit, nakamarka, nakatatak ito sa puso't isipan ko habang buhay.. ( Ang OA sa pagkamakata noh?! ) SUPER MEMORABLE!!!
June 14, 20**...
____________

BINABASA MO ANG
"Je Ne Sais Quoi", It's complicated!!!
Romansa., When you're with me my life was in chaos but. . . . . . . . without you, it feels as if my heart wasn't there at all. <3<3<3