Ako si Wendy Mae Falacio. Mahilig akong magbasa ng libro lalo na ng mga fiction at fantasy. At aminado akong isa akong hopeless romantic. Isa akong NBSB, lahat naman siguro tayo alam iyon. Hindi naman sa ayaw kong magkaboyfriend. Ayaw lang talaga ng mga lalaki sakin. Eh pano ba naman, hindi ako kagandahan. Hindi ako flawless katulad ng idolo kong si Taylor Swift, ang dami ko ngang tigyawat sa mukha kakapuyat ko eh. Hindi rin ako sexy katulad ni Angelina Jolie, in short, mukha akong basahan.
December 18, 20XX
"Hoy! Wendy! Nagd-day dream ka nanaman!" Pagsesermon sa akin ng Prof namin. Hmmp! Epal!
"Sorry po ma'am!" Sabi ko naman.
"Ok. Class, stop writing. Pass your paper." Sabi naman ng Prof namin. Eh?! Ipapasa na? Wala pa akong sagot sa enumeration! Uwaaahhh. Di bale na. Di ko rin naman alam yun eh.
Last day nanamin ngayon. Christmas vacation na kasi. At dahil wala naman akong mga kaibigan, magmamall na lang ako mag-isa.
"Wait class, may assignment ako sa inyo. During the Christmas break, I want you to find a person na first time niyo lang makikilala at gusto kong yung taong iyon, kasama niyo rin siyempre na magcecelebrate ng Christmas at kailangang maging memorable ito. Kailangan may picture ha? So, yun lang. Enjoy your vacation, class" Pahabol ng prof namin.
Pano ko naman yun gagawin. Nakakahiya kaya!
xxxxxxxxxxxxxxxxxxxxx
Nang makarating ako sa mall, national bookstore agad ang pinuntahan ko para tumingin-tingin ng libro. Ang dami nanamang bagong labas at mukhang magaganda silang lahat. Busy ako sa paghahanap ng pwedeng mabiling libro nang biglang may human being na nangalabit sa akin at nagtanong.
"Miss. Alam mo ba yung kwento ni Peter Pan?"
"Oo." Sagot ko ng hindi siya nililingon.
"Alam mo ba. Kapatid ko siya!" Sabi niya na parang bata. Dahil doon, nilingon ko na siya. Sino ba namang siraulo ang maniniwala sa sinabi niya.
At pagkalingon ko sakaniya. *dugdugdug* natamaan ako ng pana ni kupido. Holy Carabao. Bat may anghel sa harap ko?!
*pitik sa noo* "Miss ok ka lang?" Tanong niya. Iniling-iling ko naman ang ulo ko at sinagot siya.
"Tss. Wag mo nga akong pagtrip-an. Hindi naman porket mukha akong katawa-tawa, gaganiyanin mo na ako." Pagdadrama ko.
"Tama nga si kuya. Madadrama nga ang mga babae." Sagot naman niya sabay ipinulupot ang braso niya sa braso ko. "Tara Wendy, kain tayo!"
"Ehhh?!! P-p-pano mo nalaman pangalan ko?!" Gulat na gulat kong tanong.
"Magic!" Nakangisi niyang sagot.
"Mangkukulam kamo!"
"Sa gwapo kong ito? Mangkukulam? Hindi noh! Tara na kasi Wendy. Kain na tayo. Gusto ko nung kulay kayumanggi na parang bundok." Pangungulit niya.
"Ha? Ano yun?"
"Basta! Ituturo ko na lang. Tara. Ikot-ikot tayo." Sabi niya sabay hawak sa kamay ko at kinaladkad ako.
Habang naglalakad kami sa mall, pinagtitinginan kami ng mga tao. Oh sa akin lang nakatingin?
"Mukhang tanga yung babae oh." Narinig kong sabi nung isa.
"Bayaan mo na sila Wendy." Sabi naman nung lalaking nakahawak sa kamay ko. "Ayun! Ayun yon! Gusto ko nun! Ilibre mo ako!" Sigaw niya sabay kaladkad sa akin sa may ice cream shop.