General rehearsal na ng kanilang play. Naging sucessful din ang pagtulong niya kay Julian sa script na ito. Masaya para dito dahil sa totoo lang ay hindi ito mahirap turuan. Natural na dito ang pag-arte. Anak nga ito ng mga sikat na artista noon.
Ito lang naman ang hindi niya kinakatuwaan, naaasar siya sa gumaganap bilang diwata, si Kamille. Nagseselos siya dahil ito ang mahahalikan ni Julian. Okay lang sana eh pero parang nagpapakita ng motibo ang babaeng ito. Isama pa ang pagiging malapit nito kay Julian tuwing nasa backstage sila at nag-aayos ng mga props.
Buwisit din ang lalaki dahil mukhang nawiwili ito kay Kamille. Lagi itong nakangiti sa dalaga. Samantalang pag siya, nakasimangot na naman ito.
Hayun na nga, balik na naman silang dalawa sa normal. Sa totoo lang ay nasasaktan siya. Akala niya ay magiging okay na sila at may pagtingin na rin ito sa kanya. Iyon pala ay wala. Bigla na lang pumutok ang lobong pink sa taas ng ulo niya. Nagpapahiwatig na gumising na siya sa pangangarap niya nang gising.
Sinabihan na siya ni Missy na tigilan na niya ang pag-aasam na iibigin din siya ni Julian. Naiintindihan niya kung bakit iyon sinasabi ng kaibigan niya kahit na nga ba nobyo na nito si Gilbert. Ayaw lang talaga nitong makita siyang nasasaktan.
Sa totoo lang ay masaya siya sa kaibigan. Matagal na pala itong may pagtingin kay Gilbert pero hindi iyon sinasabi ng bruha. Though, naiinggit siya dito dahil may gusto rin si Gilbert dito. Sila na talaga ang meant to be!
Unrequited love tuloy ang drama niyang mag-isa. Kasalukuyang pinagdidiskitahan niya ang punong gagamitin sa play. Pinipinturahan niya iyon nang parang nagdadabog. Gigil na gigil siya kay Kamille na tumatawa na parang kinikiliti ang tinggil dahil sa kung anong jokes na sinasabi ni Julian dito.
“Hey easy lang sa pagpipinta, Pauline,” sabi ng lalaking nasa likuran niya.
Napalingon siya at nakita si Samuel. Ang dating nanliligaw sa kanya pero binasted niya. Hindi naman dahil pangit ito kung anupaman. Sa totoo lang ay napakagwapo nito. Iyon bang the-boy-next-door type. Isa pa ay katulad niya din itong anak ng senador. Boto si Missy dito dati para sa kanya.
Pero ano nga ba ang magagawa niya? Hindi ito ang mahal niya.
“Hi, Samuel! Andiyan ka pala. Ba’t ka nandito?” aniya.
“Pinuntahan ko lang si Amy. Nanghiram kasi ako ng mga notes niya tapos nakita kita dito. Let me help you,” kinuha nito ang brush na hawak niya. Napatingin lang siya dito. Sa totoo lang ay nagi-guilty pa rin siya sa ginawa niya rito. He was a sweet guy. Hay, kung kaya niya sanang ibaling ang pagmamahal niya dito ay gagawin niya. Ngunit, hindi nakokontrol ang puso. May sarili iyong isip. At ang napili ng puso niyang mahalin ay si Julian.
Napatingin siya kay Julian. Nakatingin din pala ito sa kanya. Napansin niyang naglalakad ito papunta sa kanya. Hinawakan uli siya nito sa braso at hinila siya. Samuel looked dumbfounded at mukhang susugurin si Julian dahil sa ginawa nito sa kanya. Sinenyasan naman niya itong okay lang siya.
***
“Ano ba, nasasaktan ako!” pilit na binabawi niya ang braso sa pagkakahawak ni Julian. Ngunit hindi pa rin siya binibitawan nito.
BINABASA MO ANG
Until You're Mine [Filipino]
Teen FictionMinahal ni Pauline si Julian kahit na ba hindi maganda ang reputasyon nito sa loob ng campus. A badboy and a certified playboy. Ngunit kahit ganoon ay minahal pa rin niya ito at isang araw ay naisipang magtapat dito. Ngunit pinahiya lang siya nito...