TiCKET

85 0 0
                                    

TiCKET

     Minsan, darating tayo sa point na makakakilala tayo ng isang tao na ituturing nating parang buhay na natin. Kung saan masasabi natin na hindi na natin kayang mabuhay nang wala sila o siya. Pero hanggang kailan nga ba? Hanggang kailan mananatili sa ating puso at isipan ang katagang “Siya lang habangbuhay”?

Ako si Pauline … loko-loko, pasaway, maarte, pala-away, maldita, maingay, makulit, maangas minsan, prangka, at higit sa lahat, stone-hearted … pero sa kabila ng imperfections ko na ito, may isang tao na nakatanggap sa akin inspite of all my imperfections at nakita ang good side ng isang Pauline. Isang Pauline na masiyahin pala, pala-ngiti, friendly, maaalalahanin, mabait, marunong umintindi at higit sa lahat, sweet and loving pala, hindi stone-hearted… Hayaan niyong ikwento ko sa inyo ang mga pangyayaring tumatak sa aking puso at isipan sa piling ng taong ito. J

      Nasa ikatlong taon pa lamang ako ng sekundarya ng makilala ko siya. Lumaban siya bilang 2nd year representative noon sa aming paaralan. Dahil sa kapartido siya ng aking mga kaibigan, syempre sinuportahan ko din siya that time. Habang nasa gym kami para sa meeting de avance, andun ako para suportahan siya. Para akong kalog nun dahil habang nagsasalita siya, nagawa kong sigawan siya at sabihing “Go Baby!!!”. Pero nang mga panahon na yun, wala akong kahit anong feelings sa kanya, support lang talaga.

      Isang araw, habang nakaupo kami sa bench ng mga kaklase ko, bigla akong kinuhit ni Charlene, ang kaklase kong isa pa ring malakas ang trip. Nang kinuhit niya ako, sabi niya sa akin, “Girl! Tingnan mo to… parang si Dominic lang, yung ex mo. Tingnan mo yung tindigan at galaw.”. Syempre ex ko ang pinag-usapan kaya gusto ko makita kung sino ba yung guy na yun. Tinanong ko si Charlene kung ano nga ba ulit ang pangalan ng taong yun at sinabi niya na “Mark daw ang name nun. Tawagin mo girl, tingnan mo…” kaya agad ko siya tinawag. May pagka-kalog din ako minsan, kahit hindi ko ganoon kakilala, akala mo close kami kaya sabi ko, “Sino dyan si Mark? Harap nga daw dito.” At yun nga, humarap siya ng madalian pero sabay talikod din agad. May pagka-prangka ako minsan kaya sinabi ko, “Yun ba girl? Anung parang si Dominic? Ang layo kaya! Kulay palang, height palang. Waley! Haha..” at nakalimutan ko na nasa harap nga lang pala namin siya. Wala akong ginawa kundi umimik ng “Hindi! Hindi! Pangit kaya…pangit!!!” at pasigaw ko pa itong sinabi habang naglalakad na sila paalis kasama ng bestfriend niya. Hindi ko alam na habang nilalait ko pala siya ng mga oras na yun, may balak pala siyang kunin ang cellphone number ko.

      It was month of April. Hay! Kuhanan ng clearance! Pahirapan na naman bago makakuha ng pirma ng mga teachers. Dami pa ipagagawa bago ka pirmahan. Nasa bench kami nun ng mga kaklase ko nang makita ko si Mark na naglalakad kasama ang bestfriend niya na si Maezon. Nung mga time na yun, kasagsagan din ng practice namin para sa annual dance concert namin, dancer kasi ako at kabilang ako sa Teatro at Galaw ng Tayabas kung saan kilala bilang TANGLAW. Nakatayo ako nun sa bench nang tinawag ko si Maezon, sabi ko, “ui Maezon! Bili ikaw ng ticket ah ah! 60 lang eh! Dali na!” patawa ko na sinasi kay Maezon. “Ah wala eh, nakabili na kasi ako kay Chiara”, ang sabi ni Maezon. Kaya nasabi ko nalang, “un nalang katabi mo, sabihin mo bumili sa akin”. Kaya aun, tinawag niya si Mark at sinabi yung tungkol sa ticket. Agad na tumingin sa akin si Mark at sinabing, “Ah, hindi ko pa sure eh, text na lang kita.” Kaya nagtaka ako kasi sabi niya itetext daw niya ako? paano kaya yun, wala naman ako number sa kanya at wala din akong number niya. Buti nalang may number ako ng kaklase niya na si Rose at dahil dun, nakuha ko number niya. Kaya hanggang sa maging textmate na kami at dahil dun, nagkaroon kami ng tawagan na “kraxh”. Hindi ko akalain na mahuhulog pala ang loob ko sa taong minsan kong nilait sa harap ng maraming tao.

      Ito na nga, dumating ang month of May.. hay! Haggard ih! Hirap magbenta ng ticket. Katext ko siya that time at nasabi ko na nahihirapan na ako magbenta ng ticket and luckily, nag-offer siya sa akin na tutulungan daw niya ako magbenta. That night, sinundo niya ako sa headquarters namin o sa studio namin para samahan ako na magbenta ng ticket. Pumunta kami nun sa park dahil Mayohan Festival nun, maraming tao kaya nagbakasakali kami na may mapagbebentahan kami. Nasa park kami nun, ang dami naming nakita na kakilala namin pero kahit isa, walang bumili! Dumating yung time na napagod na ako at nasabi ko sa kanya na, “tara! Uwi na tayo…wala naman gusto bumili eh…” at nagulat na lang ako ng sinabi niya na, “hindi! Kaya yan, mayroon pa yan.” Tumayo siya at nakita yung isang kaibigan niya at dali-dali niya itong inalok ng ticket. Pagod na kami pareho ng mga oras na yun, hindi ko namalayan na habang inaalok niya ng ticket yung kaibigan niya, medyo nakabaling na pala ako sa kanya at papikit na ako dahil sa pagod kaya tuloy napagkamalan kaming magkatipan. Ang daming nangyari sa amin sa loob ng buwan ng May. Dahil nga sa Mayohan Festival dito sa Tayabas ng mga panahon na yun, lagi kaming magkasama tuwing gabi at nagbobonding sa park. Hindi ko malilimutan ang first date namin nung naging mag-MU kami. Nagpunta kami that night sa 7/11 at bumili ng tig-dalawang donut na my pink at iced tea. Pagkatapos nun, nagpunta kami sa Silungang Bayan para manuod ng Miss Gay. Sa totoo lang, ayaw niya manuod nun pero wala siyang nagawa dahil gusto ko. Nung gabing yun, dun niya unang hinawakan ang kamay ko ng mahigpit sa harap ng mga kadancer ko. Dumating din ang time na nanuod kami ng Mutya at Lakan ng Tayabas, sa kabila ng kalakasan ng boses ko sa pagsigaw, hindi siya lumayo kahit na alam ko na nabibingi na siya sa boses ko at nung gabi din na yun, naging close sila ni Luigi dahil sa donut na hiningi ni Luigi. Kaya nagkaroon sila ng tawagan na “Donut”. Ang gabing yun, un ang hindi ko malilimutan sa lahat, ang pinaka-sweet sa pagiging mag-MU namin. Nasa taas kami ng Silungan ng sinayaw niya ako ng parang sweet dance at walang sawang sinasabihan ng “I LOVE YOU” at bigla akong yayakapin ng mahigpit at sa gabing yun. Sumunod nun, May 11,2010… ang gabi ng aming dance concert. Nakita ko siya nun sa labas ng Silungan, nakasuot siya ng pink na t-shirt sabi ko kasi sa kanya gusto ko naka-pink siya pag manunuod siya ng concert namin. Ito na nga, magpeperform na ako sa stage, habang sumasayaw ako, hindi lang mga magulang ko ang nasa isip ko nun kundi pati siya na nagsisilbi kong inspirasyon sa mga oras na yun. Pagkatapos ng dance concert namin, hinintay niya ako at hinatid niya ako sa bahay namin at dinala lahat ng mga gamit ko. Nagpunta kami sa 7/11 at bumili ng caramel popcorn at iced tea. Nagtambay pa kaming dalawa sa labas ng bahay namin nun, masayang nagkwekwentuhan pa kami nun hanggang sa maalala ko na may party party pa nga pala kami ng mga kadancer ko pero kinalimutan ko na dahil masaya ako nun habang kasama ko siya. Tapos na ang concert namin kaya akala ko yun na din ang last na makakasama ko siya pero hindi pala dahil sa mayroon kaming Youth Camp nun sa Youth For Christ kaya pinasali ko siya. Hindi ko akalain na sasali siya dahil akala ko nung una ayaw niya sa mga ganun. At ayun nga, imbis na sila ang alagaan namin nung Youth Camp, siya pa ang nag-alaga sa akin nun at nagbigay sa akin ng pagkain dahil nga sumumpong na naman nun ang appendicitis ko. Para nga siyang kalog dahil pati kung paano ako maglakad, napansin pa niya. Sa Youth Camp na yun natapos ang kwento namin sa buwan ng May at sa mga panahon na yun, nanliligaw na din siya sa akin.

TiCKETWhere stories live. Discover now