Intro + Entry no. 1

16.7K 210 53
                                    

Okayyyyyy~ First Short Story ko po. Hohohoho.. Gustong-gusto ko po talagang mag-sulat ng story na ang bida ay isang cool na gangster or something like that, and ewan ko kung bakit pumasok 'to sa isip ko.

Date Started -- February  02  2012

Date Finished -- April  05  2012

 - - -

Pa'no na lang kung nakapulot ka ng diary na sobrang cute? 'Yung tipong sa sobrang cute eh gusto mong iyo na lang. Kulay pink pa te!

Pero. Isang malaking PERO. 

Pero 'nung malaman mo kung sino 'yung tunay na may-ari eh para kang sinaksak sa puso at tulo ang dugo. Grabe! Yung nagmamay-ari 'nung diary ay isang horrifying, creepy but oozing with sex appeal na gangster na mukha nga lang tuod.

Anong gagawin mo kung 'yung gangster na 'yun ay ang bully mong classmate na mortal mo pang kaaway!? 'Yung taong kasigawan mo sa hallway pati na sa classroom. Yung taong ka-LQ mo daw always ayon sa mga kaklase mo.

Will you return his diary or not?

Oh no! Problema mo na 'yan. Haha. Joke.

Tsktsk. Nangyari lamang na nakapulot ka na nga lang ng isang diary pero anong nangyari?

Maaari pang mabuwis ang buhay mo! Laslas! Bigti!

PATAY!

******

Sabrina Clarisse Reyes, isa lamang siyang simpleng babae, na may gwapong-gwapong crush, at may isang makulit na lalaki na palagi siyang niloloko o bina-badtrip. Na kadalasan ay sinasakal niua sa utak niya.

Napaka-mainstream ng istorya nila, hindi ba?

Habang siya'y naglalakad patungo sa classroom niya ay may nakita siyang notebook, at agad naman niya itong pinulot.

 

"Wow! Ang cute cute naman nito, parang diary, baka nahulog ito ng may-ari."

Ang napulot ni Sabrina, ay isang notebook na kulay rosas. Plain lamang ito at may katamtamang kapal. Hindi niya ito binuksan dahil bukod sa private property ito ay ay animo'y butones ito na nagsisilbing lock ng diary. Dagdag oras lang ang pagbubukas.

"Kailangan ko itong maibalik sa tunay nitong may-ari, dadaan na lang ako mamayang uwian sa may lost and found Office." sabi niya sa kanyang sarili.

His Diary {Edited.} {Fin.}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon