THREE YEARS LATER...
Venus and Jen sa airport.
Venus: Ayun si bakla!!! OMG!!! Kris!!! Kris!!! Over here!!!
Kris: Venus!!! Jen!!! OMG! Na-miss ko kayo mga bruha!!!
Jen: Grabe ka!!! Three years, bes! Three years!!! We need your explanation!
Kris: Hahaha! Babawi ako, promise!
***
Sa coffee shop. Kris is narrating her adventures and misadventures in US for the past 3 years.
Venus: So anong nangyari? Anong drama yan na bigla ka na lang umalis na hindi man lang nagsasabi sa amin?? Na 3 taon ka sa US pero tuwing birthday namin at pasko ka lang nagparamdam? Pati sa Facebook hindi ka namin makita? Anyare? Paki explain.
Kris: Sorry na, guys. Please! Mom freaked out when they learned na nakipagbreak sa akin si Mark kaya si daddy naman nag-booked agad ng flight for me to US. Remember nung sinuntok ni Jen si Mark sa mall? Pagkauwi ko tumawag si mommy. Gusto niya mag-stay kami ni Mark dun for Christmas so I told them na wala na kami. She asked what happened so sinabi kong nakipagbreak si Mark and we caught him with another girl sa mall. I was about to tell her what Jen did kaso umiyak na siya ng umiyak eh. Alam niyo naman si mommy, ilang heartbreaks din napagdaanan nun bago siya na-save ni daddy kaya ganun na lang ang takot niya nun nalamang niloko ako ni Mark. To make the story short, fly ang beauty ko sa US kinabukasan. Infairness, my family and relatives there were all supportive para mas makapag-move on ako ng mabilis. Imagine pati Facebook pinagbawalan akong gumamit para daw hindi ko macheck mga activities ni Mark?! Actually, dapat one month lang ako mag-stay dun kaso namiss ko din sila ng husto kaya inabot ako ng three years.
Jen: I see. So kamusta naman ang adventures mo sa US?
Venus: Let me rephrase Jen's question, sister... Kamusta ang Jun-Jun ng kano? Hihihi.
Kris: Gaga! Walang ganun noh. Bruha ka talaga!
Venus and Jen laughed.
Kris: I did not date anyone during my stay there. Nagfocus ako sa school. Nag-enroll ako sa isang fashion school in New York. During those days na free ako I travel with mom and dad naman. Ganun lang. It was the most amazing three years of my life kaso hindi talaga ako pang-US. Iba pa rin talaga dito sa Pilipinas. Pinipilit ko nga sina mommy na umuwi na dito for good pero pag-iisipan pa daw nila.
Venus: It's good to know na nag-enjoy ka sa US. I'm happy for you. You look great din compared before. I'm not saying na hindi ka kagandahan noon ha, pero ang laki ng pinagbago mo. Konti na lang mas maganda ka na sa akin. Hahaha! Anyway, nakita ko nga pala si Mark nung isang araw. As usual ibang babae na naman ang kasama. And the day before that mukha namang matrona yung kasabay niya kumain and the week before that yung baklang harot sa kanto namin nakita kong pinagshopping siya. Ewan ko ba kung bakit ang liit ng mundo naming dalawa.
Kris: 'wag na natin siyang pag-usapan. Okay? Sa loob ng tatlo taon akala niyo ba hindi ko pa narealize na blessing in disguise ang pakikipaghiwalay niya sa akin?
Venus: Oh! That's good to hear. Akala ko siya pa rin ang dahilan kung bakit hindi ka nakipagdate o tumikim man lang ng Jun-Jun ng kano nung nasa US ka eh.
Kris: Tumigil ka nga kaka-Jun Jun diyan!!!
Hagikgikan ulit sina Venus and Jen.
Kris: Kayo kamusta? Ano na nangyari sa mga buhay inyo mula nung nawala ako?
Jen: My boyfriend na 'ko. Hihihi. Remember when I told you na kapag wala pang nanligaw sa akin when I reach 30 eh ako na ang gagawa ng the moves?! God is soooo good because few months before I celebrate my 30th birthday eh binigay na Niya sa akin ang lalaking matagal ko ng hinihiling. Wohooooo!
BINABASA MO ANG
Ang Pag-ibig Nga Naman
RomanceThis is a romantic-comedy story. Ewan ko lang kung matawa kayo, ako kasi mababaw ang kaligayahan ko. In fact habang sinusulat at iniimagine ko ang mga scenes sa istoryang ito, hindi ko mapigilang tumawa. :P Anyway, the story revolves around KRIS an...