---

30 0 0
                                    

"Hi miss! Anong pangalan mo?"
Tanong mo sakin habang inilalapag ko yung kapeng inorder mo. Isa akong server sa isang coffee shop sa tapat ng isang kilalang school. School kung saan ka nagaaral. Suki ka sa coffee shop na pinagtatrabahuhan ko. Nasabi kong suki dahil sa tuwing papasok ako ay lagi na kitang nakikita sa table na malapit sa pintuan. Sa usual place mo.
Sa tuwing papasok ako tyaka ka lang umoorder ng kape. Pero himala, ngayon lang ata kitang narinig na nagsalita maliban nalang pag umoorder ka.

"Um, charlene po."
Sagot ko sayo na may halong hiya. Hindi ko kasi alam ang dapat na reaksyon na gagawin ko. Lalo na't ang nagtanong ng pangalan ko ay yung crush ko.
Oo, crush kita. Pero pinipigilan ko yun noon dahil alam ko namang walang pagasang magkakilala tayo. Mahirap din kasing umasa sa mga bagay na walang kasiguraduhan, pero ngayon pakiramdam ko ay nagkaroon na ako ng isang porsyentong pagasa.

Nakita kong ngumiti ka pero mabilis mo ding inalis yun. Magsasalita ka pa sana nun pero tinawag ako ng manager ko kaya't hindi na tayo nakapagusap pang muli.

Nung mga sumunod na araw ay palagi mo na akong kinakausap. Kaya ay unti unti na tayong nagiging close sa isa't isa. Nalaman ko narin na ang pangalan mo ay rhod.

Isang araw ay niyaya mo kong lumabas, yung tayong dalawa lang ang magkasama sabi mo. Gusto ko sanang humindi dahil gusto ko ng umuwi nung mga araw na yon,pero nakita ko yung mukha mong kinakabahan kaya't napaOO nalang ako. Ang saya mo nung mga araw nayun. Ako rin naman pero hinding hindi ko makakalimutan yung mga ngiti mo. Para bang isa kang batang napagbigyan sa hiling nyang pumuntang disney land.

Pumunta tayo sa isang perya noon. Ang saya saya nating dalawa, sumakay tayo sa napakaraming rides. Nararamdaman kong natatakot kang sumakay sa mga extreme na rides pero pinilit mo paring sumakay dahil alam mong gusto kong sumakay sa mga ganon. Halos maduwal kana noon nung pagbaba natin sa roller coaster pero tawa lang ako ng tawa dahil sa itsura ng mukha mo.

Nung nakita mo akong tumatawa ay tumawa ka nalang din. Sobrang saya ko noon alam mo ba? Hiniling ko pa noon na sana ay hindi na matapos ang araw na yon. Pero kung sa minamalas ka nga naman. May nagtext sayo noon, nagbago ang ekspresyon ng mukha mo. Mula sa pagiging masaya ay naging seryoso ka. Sinabi mong uuwi kana dahil pinapauwi ka na ng nanay mo. Hindi pako nakakapag paalam sayo pero bigla ka nalang tumakbo palayo, hindi ko alam kung anong nangyari pero inisip ko nalang na may importante kang gagawin.

Nang Sumunod na araw ay hinintay kita sa shop para sana magtapat ng nararamdaman ko sayo matagal na. Pero hindi ka nagpakita.

Hindi ka dumating.
Hindi ko nasulyapan yung mga mukha mo.
Hindi ko nakita yung mga ngiti mong nagbubuo ng araw ko.

Inisip ko nalang na siguro ay may lakad ka lang talaga na importante. Kahit na nalulungkot akong isipin ay tinanggap ko nalang yung rason na ginawa ng utak ko. Akala ko ay isang araw ka lang mawawala pero dumating ang isang linggo pero hindi ka parin nagpapakita. Isang linggo ko ng hindi nakikita yung mukhang nagpaibig sakin. Alam mo bang sobrang nalungkot ako? Akala ko kasi may iba ka ng binibigyan ng halaga. Akala ko may iba ng nagpapasaya sayo. Halos gabi gabi paguwi ko galing sa trabaho ay umiiyak ako. Namimiss na kita eh.

Isang araw nakareceive ako ng isang text. Sinabi doon na pumunta daw ako sa ospital. Kinabahan ako nung mga oras na yun kahit na hindi ko naman alam kung bakit ako pinapapunta doon ng taong hindi ko naman kilala.

Pumunta ako sa ospital na sinabi sakin at dumiretso sa kwarto na nakalagay sa text. Bago ako pumasok ay may mga doktor na lumabas. Kinakabahan ako nung mga oras na yun.
Pag pasok ko palang ay bumagsak na yung mga luha ko. Nakita kita, nakahiga sa isang kama. Nakita ko rin ang nanay mo na iyak ng iyak sa gilid ng kama mo. Sa mga salitang binabanggit nya palang habang umiiyak sya ay alam ko na...

Alam kong patay kana.

Hindi ko napigilan yung sarili ko lumapit ako sayo at niyakap kita. Ang sakit sakit, bakit kaylangan pakong iwan nung unang taong minahal ko? Bakit kaylangan pakong iwan nung taong tanging nagpapasaya sakin? Ang sakit. Ang sakit ng sobra.
Iyak ako ng iyak noon. Hindi ko alam yung gagawin ko. Hindi ko manlang nasabi sayo yung nararamdaman ko.

Habang umiiyak ako ay may inabot na isang notebook yung nanay mo saakin. Sinabi ng nanay mo na habang naghihingalo ka daw ay ipinabilin mo na ibigay ito saakin. Binasa ko ang mga sulat sa bawat pahinang nakasulat sa isang maliit na kwadernong iyon.

---mm/dd/yy---
Dear Charlene,
Uy? Hi,charlene! Kung nababasa mo to malamang ay wala nako, wag kang malulungkot ah? Hindi na ata kita masasamahan sa iba pang perya. Hindi na ata kita masasamahang sumakay sa mga extreme rides, hehe. Pero alam mo ba charlene? Mahal na mahal kita. Noon palang, mahal na mahal na kita. Natatakot lang akong magtapat sayo dahil baka kasi kapag kasama na kita, ay maiwan kita ng wala sa oras. Eh kasi naman tong sakit ko eh, bakit kaya walang gamot dito no? Edi sana masaya pa tayong dalawa ngayon. Alam mo ba nung mga oras na pumayag kang sumama sakin ay yung mga oras na sobrang saya ko. Sobrang saya ko na nakalimutan kong may sakit nga pala ako. May check up nga pala ako nung mga araw na yun na hindi ko naattendan dahil busy akong nagpapakasaya kasama ka. Yun din yung rason kung bakit umalis ako agad. Inaasahan kong maabutan ko ang doktor na magchecheck up sakin pero huli na ako. Sorry ah? Sorry kasi nangiwan agad ako. Sorry kasi hindi ka manlang nakapagpaalam noon. Pero eto ang tatandaan mo charlene ah? Mahal na mahal kita. Mahal na mahal kita kahit na hindi ko alam kung may gusto ka din ba sakin...
Hanggang dito nalang muna ah? Tinatawag na kasi ako ng doktor ko. "Paalam, at mahal na mahal kita."

-------------------

Patuloy na umagos ang mga tubig sa mata ko, pagkatapos kong basahin ang liham na sinulat nya para saakin, sa pag kakataong ito ay mas tumindi ang pag agos ng mga luha ko. Hindi ko na alam kung paano tumigil ng pag iyak.

"Mahal na mahal din kita rhod."

Banggit ko sa kanyang walang buhay na katawan habang hawak ang malamig nyang kamay..

[Wakas]

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 30, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Paalam [one shot]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon