Zyn's POV
"Iha...Mag-iingat ka sa mansyon na yun ha..Hangga't maaari huwag kang tutungtong sa pang-apat na palapag,maliban na lang kung kabilang ka sa mga kasambahay na maaatasang maglinis doon."bilin ng aking Tiya Amelia.Habang tinutulungan akong mag impake ng aking gamit.
"Ahh o-opo!Ano po bang meron doon Tyang at napaka masunurin at maingat kayo?"nakakalito na kasi ang mga sinasabi ni Tyang.
"Basta huwag nang maraming tanong at sundin mo na lang mga pinagbibilin ko,maliwanag?"
"S-sige po."
"Oh siya,umalis ka na bago pa't magdilim,may nag aabang ng tricycle diyan sa labas.."sabay kaming lumabas ng pinto,at mula dito sa balkonahe ng iiwanan kung bahay ay tanaw ko ang naghihintay na tricycle.
"Mauuna na po ako Tyang,bibisita na lang ako dito sa probinsya kapag may panahon."sabi ko sabay yakap kay Tyang.
"Oh siya...sige na.Mag-iingat ka"kasabay nun ay hinatid niya ako sa tricycle.
------
"MAGHANDA ANG LAHAT AT PAPARATING NA ANG LORD!"mula rito sa kusina ay rinig na rinig ang sigaw ng butler.Agad namang nagsilabasan ang mga maid dito sa kusina at nagsiparoon sa pinakamalaking pinto,na sa tingin ko ay dadaanan ng LORD.
Tatlong linggo na akong namamalagi dito sa mansyong ito,at ngayon ko lamang masisilayan kung magkataon ang sinasabi nilang LORD."Zyn!Ikaw na lang hinihintay sa labas!Malapit ng dumating ang Lord!"nagmamadali naman akong lumabas ng pagsabihan ako ng kapwa kung kasambahay.Napansin kong lahat ng mga kasambahay ay nakahilera sa gilid ng malaking pintuan at nakayuko,ganun rin ang butler.
Maya-maya pa'y nakarinig na ako ng busina ng sasakyan,tanda na nasa labas na ang Lord.
Bumukas ang pintuan at tumambad sa akin ang maputi,makisig na pangangatawan ng lalake,ang malalim niyang mga mata,ang matangos niyang ilong at ang manipis at mapupula niyang labi.Muntik na akong mawalan ng hininga dahil sa kaba ng tumigil siya mismo sa harapan ko.
"Who the hell she is?"nagtagpo ang aming mga mata sa hindi inaasahan at agad rin naman akong nag-iwas nh tingin,di ko masikmura ang mga titig niya,napaka lamig,at walang kahit anong bahid ng emosyon.
May ibinulong sa kanya ang butler.
Nanginginig na ang buong sistema ko dahil sa kaba,at samahan mo pa ng napakalamig na aircon dito sa loob.
"Via Zyn De Jesus?" muntik na akong mapatalon sa gulat ng banggitin niya ang buo kong pangalan.
"A-ako nga p-po s-sir."sa di malamang dahilan,lahat ng mga kasambahay at lahat ng tao sa loob ay napadako ang tingin sa akin,bakas sa kanilang mga mata ang takot sa gagawin ng LORD.
"Jacob.Check her background immediately,and bring to my office all of her papers with personal information."halos kami malaglag ang panga sa kanyang sinabi,kahit na ako,maliban lang kay Butler Jacob na expected niya nang mangyayari 'to.
Naglakad na palayo ang Lord at nagtungo sa kanyang opisina dito sa loob ng mansyon.
Makalipas ang ilang sandali,bumalik na rin sa kanya-kanyang trabaho ang mga tao.
Nagtungo naman ako sa kusina upang tapusin ang mga dapat tapusin.Di pa ako nakakatapos ng pumasok sa kusina si Butler Jacob.
"Zyn,pinapatawag ka ng Lord sa kanyang opisina."kahit na kinakabahan nagawa ko pang sumang-ayon,kaya sa huli,wala akong magawa kundi pumunta sa opisina niya.
Kinakabahan ako,bukod sa mga pamatay niyang tingin,kinakabahan rin ako sa mga pwede niyang gawin dahil isa siyang MAFIA LORD.
Kumatok na ako ng ilang beses,pero wala akong narinig.Pinagpatuloy ko ang pagkatok sa pintuan pero wala pa ring sumasagot kaya napagdesisyonan ko ng pumasok.
Nang makapasok na ako,inilibot ko ang aking paningin sa napakatahimik at malaking opisina na 'to.
"S-sir.Narito na p-po ako,a-ano pong i p-pag uutos niyo?"nauutal kong litanya.
Mga ilang minuto pang katahimikan kaya napag isipan ko ng lumabas,at babalik na lang mamaya.Ngunit bago ko pa mapihit ang seradula,may nagsalita na sa likuran ko na nagbigay kilabot sa paraan ng kanyang pananalita.
"Where do you think you're going Via?"
A/N: So yun na nga!Kumusta?HAHA.Ipagpatuloy ko pa ba?Please do VOTE.AND COMMENT.
BINABASA MO ANG
The Mafia Lord And His Maid
FanfictionVia De Jesus.She's one of the mafia lord's maid.Paano siya magkakaroon ng papel sa buhay ni Xyzer Val Quegandre,na kilalang MAFIA LORD?