First Move

2.5K 113 64
                                    



"Aj! Sumama ka sakin dali!" Hinila ako ni Brix habang naglalakad ako papunta sa gate ng school, uwian na kasi namin at sigurado akong parating na si dad para sunduin ako.

Dahil sa lakas niya ay wala akong nagawa kundi ang magpatianod sa kanya.

"Brix! San ba tayo pupunta?!" Saway ko sa kanya.

"Wag kang maingay!!" Sagot naman niya sakin.

Mejo naweirduhan ako sa kinikilos nila Brix netong mga nakaraang araw. Si Rick laging aligaga kapag pumupunta sakin, si mokong naman hindi rin mapakali kapag nagkakaroon siya ng pagkakataong lapitan ako. Ako lang yung umiiwas dahil bukod sa ayaw ko nga ng gulo ay nabwibwisit na rin ako kay Rosella na hindi na nagsawang paringgan ako sa bawat araw na lumipas.

Huling buwan na pala ng school year na to. Tamang tama para matahimik naman yung buhay ko sa darating na bakasyon. Basta, pangako ko sa sarili ko, next year mag fofocus ako sa friends ko, sa sarili ko at sa studies ko, no time for crying!! Okay?!

Dinala ako ni Brix sa mini park at nagtago kami sa likod ng isang malaking puno at mga halamanan. Nakita kong naroon ang grupo nila Shane.. Sa totoo lang kumpleto sila nila mokong, tanging si Brix lang ang wala dahil kasama ko siya.

"Pakinggan mo." Bulong niya sakin.

Agad kong tinuon ang tingin ko sa seryosong usapan nila Shane, kahit na natutusok nako ng mga sanga nung halaman ay ininda ko makalapit lang ako ng husto sa kanila.

"Kaya mo nga ako pinalayo sa kanya eh.." Sabi ni mokong. Nakakainis! Hindi ko narinig yung umpisa ng mga sinabi niya! Kung bat ba kasi ngayon lang ako hinila ni Brix papunta dito eh!!

"Anong ibig mong sabihin? Tataluhin mo na ko?!" Galit na sagot ni Rick.

"Bro.. Hindi lang naman ikaw yung may karapatang mahalin siya.." Sabi ni mokong. Bumilis yung tibok ng puso ko. Hindi ko maintindihan.. Ano ba pinaguusapan nila? Sino ba? Ako ba? Talaga ba??? Omggggg!!!! :O

"Nag-antay ako bro.. Hindi naman ako nagmadali diba? Pero ngayon bro.. Lalaban na ako ng patas.. Hindi ko siya aagawin sayo.. Hahayaan kong siya yung mamili.." Malumanay na sabi pa ni mokong.

Napalunok ako. Tama ba yung nasa isip ko? :">

"Bro, wag ka na matakot. Galingan mo nalang manligaw pare.. Lalake sa lalake to.." Sabi ni CJ.

"May the best man win?" Lumapit si mokong kay Rick at inabot yung kamay niya para kamayan siya ni Rick pero ang tanging nakita ko lang ay ang pag-igting ng mga panga ni Rick at ang masama niyang tingin kay mokong. Naglakad siya palayo kasama sila Shane. Binangga niya pa si mokong sa balikat dahil sa inis.

Nakita ko ang pagkadismaya sa mukha ni mokong dahil sa ginawa nila Rick.. Parang gusto ko tuloy siyang lapitan..gusto ko rin kasi pagsabihan si Rick dahil mali yung kinilos niya.. Kinausap naman siya ng maayos ni mokong eeh..

Balak ko na sanang tumayo para magpakita kay mokong kaso hinawakan ni Brix yung balikat ko at pinigilan ako.

"Wag Aj.. Tinakas lang kita dito.. Lagot ako kung sakali.." Bulong niya sakin.

Inantay muna naming makaalis silang lahat bago kami tumayo ni Brix. Si mokong yung pinakahuling umalis kaya kating kati ako lapitan siya.. Kung hindi lang ako pinigilan ni Brix baka kinausap ko na siya agad.. Pano kasi, Friday ngayon kaya hindi ko siya makakausap bukas at sa susunod pang bukas..:(

"Brix.. Bakit mo ko dinala dito?" Tanong ko kay Brix.

"Gusto kasi kitang tulungan.." Ngiti niya sakin.

"Tulungan?" Nagtataka kong tanong sa kanya.

"Bakit? Wag mo sabihing wala epekto sayo yung narinig mo kanina?" Ngiti niya sakin.

Almost is Never Enough Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon