PSEFALL

3 0 0
                                    

"Wag mo ng isipin yun Raine. Lilipas din yun..", sambit ko sa sarili ko, "..pero nakasakit ako ng iba. Pano na to?"

Hay naku. Imbes na manonood ako ng Camp Sawi, hindi na natuloy. Iniisip ko kasi yung sinabi ni Kenneth sakin eh. Nagselos daw si Christina samin ni Andrei kanina. Friend lang naman kami. Saka alam ko naman kung saan ako lulugar. Hindi ko aagawin boyfriend nya.

Oo inaamin ko na nagtutuksuhan kami ni Andrei pero di naman seryoso yun. Sana naman wag na nyang bigyan ng malisya kasi wala naman kasi syang dapat ipagselos eh. Mahal sya ni Andrei. Siguro sapat na yun.

"Hindi ko na lang papansinin si Andrei bukas...bahala na. Sana wag ng magalit si Tinay sakin.."

Nag-open na ko ng fb..ng Instagram.. Iniisip ko pa rin yung mga problema ko.

Bukod sa pagseselos ni Christina, inaalala ko rin ang bestfriend kong si Leslie dahil nililigawan sya ni Jommel na ex crush ko. Mukhang pinaglalaruan lang sya eh. Dare lang daw lahat ng yun.

Pero kahit dare lang yun, iba pa rin sa feeling. Hindi ako nasasaktan. Sadyang awkward lang talaga. Okay lang naman sakin if ever seryoso si Jommel eh.

Tapos kanina..nakita ko sa tickler ni Jay Art yung pangalan ni Lionelyn with matching heart heart pa. Jusko. Hindi naman sa bitter ako pero walang forever. Haha..joke lang.

At bukod ulit dun, di pa rin ako maka get over sa nangyari kahapon..

Yung feeling na pinagsisigawan ng barkada ko yung pangalan ko sa harap mismo ni Joshua. Binuking ba naman ako kay crush. Ako naman ay kinilig dahil sya'y nakatitig.

Alam kong naguguluhan kayo sa pinagsasabi ko. Kaya eto, mag-eexplain ako...

Si Andrei, crush ko sya mula grade two hanggang grade six. Gwapo kasi eh. Tapos classmates kami kaya ayun. Tapos ngayon, sila na ni Christina. Ang cute nga nila eh. And I'm happy for them.

Nung grade 7, si Jommel na itinuring kong kuya pero di ako pinapansin for almost 1 year. No talk. No call. As in wala talaga. Kahit pangalan ko hindi ko narinig mula sa kanya. So yeah, were strangers before. And nung grade 9, sa sobrang tukso ng mga kaklase namin eh nagka-crush ako sa kanya pero sya may gustong iba.

Tapos si Jay Art naman, pinsan sya ng loka lokang si Steph. Una ko syang nakita sa bahay nila Steph. Sa unang tinggin, dedma lang sakin pero sa ikalawang pagkakataon, nung ngumiti sya, ayun na, nahulog na. Pero di rin nagtagal eh nawala di yung crush ko sa kanya dahil nga hindi pa rin ako makamove on sa pagkacrush ko kay Jommel. And ngayong grade 10, di ko inasahang babalik yung feelings ko kay Jay Art. Pero sya...may iba na.

Nakaget over lang ako kay Jay Art dahil kay Joshua. Si Joshua lang naman yung crush ko ngayon na hindi nya alam na gusto ko sya at di nya alam na nag-eexist ako.

So ayun. Saklap noh.

Merong taken na.

Merong may gustong iba.

Merong huli na.

Merong di ako kilala.

Napaka epic fail ng love life ko. Kailan ko kaya makikilala si the one?

Maybe tomorrow.

Maybe in the right time.

Maybe in the right place.

Maybe in God's perfect timing.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 09, 2016 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Para Sa Epic Fail Ang Love LifeWhere stories live. Discover now