||||

901 19 2
                                    

Kinabukasan, pagkatapos niyang mag enroll ay naisipan niyang alamin ang mga nangyari sa inuupahan niya. Dahil alam niyang hindi na normal ang lahat ng nangyari kagabi.

Napag alaman niyang dati pala ay mga nakatira roon na isang ina at anak niyang lalaki.agi daw babad sa trabaho ang ina ng bata at ayaw na ayaw ng ingay lalo na't siya ay nagtatrabaho. Laging napaparusahan ang bata kapag naiingayan ang ina at umiiyak na lang sa isang sulok. Isang araw, hindi na natiis ng ina at tinahi na ang bibig ng bata na dahilan bakit naubos ang dugo nito at di na kinayanan ng bata. Nalaman na lamang ng ina ang tungkol dito nang tawagin itong maghapunan. Sinisisi ng ina ang lahat sa sarili niya. Kaya naisip nito na bawiin na rin ang sariling buhay sa pagbitay sa kwarto na iyon. Iniisip ng ina na iyon lang ang tanging paraan para matahimik siya.

Pagkatapos malaman iyon ni Reine ay nag-alay siya sa mag-ina at nagdesisyon nang lumipat ng matutuluyan.

Bago siya makalabas ay may narinig siyang bumulong sa tenga niya.

"Shh..."

Ikaw? Mahilig ka bang magingay? Mag iingay ka pa ba?

"Shh..."Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon