"Pinili Kita"by:
simply_authorNoong unang beses na tumama ang tingin ng aking mga mata sa muka mong nakatawa.
Unti-unting nagkurba ang mga labi.
Kurba na may kasamang saya.Noong unang beses na narinig mga boses mong kumiliti sa aking nananahimik na tenga.
Unti-unti kong nalaman ang halaga ng bawat letra at salita.
Mga letra at salitang nagdala ng sigla.
Sa puso kong matagal ng nanahimik at natulog sa kamay ng iba.Nagising akong patay na.
Wala na.
Sira at patapon na.
Namulat ako sa mga salitang,
"Tama lang." At "Sakto lang."
Natuto akong mamuhay sa relasyong takot sumugal sa mga panganib.
Takot, dahil alam naming marupok.
Hindi matibay ang naitayong pundasyon at kahit anumang oras handang matapos.
Handang sumuko at iwan ang mga pangakong binitawan sa isa't isa.Ganito ako.
Noon.
Noong wala ka pa.
Noong. Wala. Ka. Pa.
Pero sa isang iglap nagbago ako.
Noong mga sandaling hinawakan mo ako.
Naramdaman kong iba ka.
Iba sa paraang gusto mo at hindi sa paraang gusto nila.
Sa mga hawak mo.
Unti-unting nagkakulay ang puso kong namutla na dahil said na said na.
Gamit na gamit na.
At patay na.Hanggang sa dumating yung oras nating dalawa.
Nakita kong masaya ka gaya ng nakita ko nung humarap ako sa salamin nung naalala kita.
Natutunan kong kalimutan ang mga salitang para lang sa mga taong duwag at tanga.
Dahil pinaramdam mo sa akin ang mga salitang...
"Pag mahal mo. Ibibigay mo lahat.
Pag mahal mo. Kahit masaktan ka okay lang.
Basta alam mong minsan syang naging masaya. Masayang kasama ka."
Nagising ako hindi dahil sa malamig na tubig na minsan mong binuhos sa akin.
Kundi dahil sa init.
Sa sobrang init na realidad na pinakita mo sa pamamagitan ng pagsambit mo ng mga salitang.."Mahal kita."
Hanggang sa dumating yung mga panahong natakot kang hawakan ako.
Kasi nagising ka na.
Nagising ka nang sakit na naramdaman mo nung nakita mong kasama ko sya.
At dahil alam mo na ang puso ko ay hawak at pagmamay-ari pa nya.
Alam kong natakot ka gaya ng pagkatakot kong makita ka nya.
Naging mali at masama ako sa paningin ng iba dahil hinawakan ko ng sabay ang puso nyong dalawa.
Hindi ko sinasadya.
Hindi. Ko. Sinasadya.
Hindi ko sinasadyang masaktan kayong dalawa.Mahirap ang malagay sa sitwasyon mamimili ka.
Mamimili ka sa pagitan ng haba ng panahon at nang mga ala-alang minsang nagdulot sayo ng saya.
Pero dumating na yung panahon.
Panahon na may kailangang bumitaw.
At bitawan ka.
Tumingin ako sa taas at pumikit sandali.
Nanahimik ako habang tinitimbang ang halaga ng bawat isa.
Panandaling napunta ako sa mundong kaya kong paghiwalayin ang lungkot at ang saya.
Sa paghihiwalay nila saka ko lang nakita.
Na malungkot pala pag wala ka.
Dahil ikaw ang nagsilbing daluwan ng saya patungo sa puso kong nahimlay nang kay tagal sa piling nya.
At sa pagdilat ko dala dala ko na ang desisyong babago sa buhay nating dalawa.Isang araw nakita kita.
May kasama ka.
Ngumiti na lang ako.
Dahil nakita ko yung sarili kong katabi ka.
Dahil nakita ko yung sarili kong kasama kita.
Dahil naramdaman ko yung ligaya na noon ko pa gustong makuha.
Dapat noon pa pala.
Dapat. Noon. Pa. Pala.
Dapat noon ko pa ginawang piliin ka.
Pero ayos lang din naman pala.
Dahil sa tagal ng panahon nang pagpili ko.
Sa haba haba ng propesong pinagdaan nating dalawa.
Saka ko lang nakita yung pinagkaiba.Yung pinagkaiba nang
"Pagmamahal na Tama lang,
sa pagmamahal na Sobra."Sobrang Mahal Kita.
Mahal na mahal kita.
Kaya sa huli.
Pinili kita.
*****
Please share but don't copy 😊
God is watching us!
Thank you
YOU ARE READING
Ako At Ang Aking Mga Salita {Spoken Word Poetry}
PoetryJust Read. Please don't copy :)