Seventh

239 41 7
                                    


"Bakit antagal mo ? " bungad ni Rhett pagkadating ko sa kinatatayuan niya.

"May inasikaso lang " Tumango siya sakin.

"Tara " hinila niya ako at pumunta kami sa tapat ng isang magarang sasakyan.Lumabas ang isang matandang lalaki na ang tantsa ko ay nasa 50's na.

"Manong,sa mall tayo ngayon"

"sige po ma'am " saad niya kay Rhett at pinagbuksan kami ng pinto ng sasakyan.Pumasok kami sa loob at sinimulan na niyang mag-maneho

Ilang minuto pa ay nakarating kami,matapos magpark ni manong ay lumabas na kami sa sasakyan.

"Manong mauna na po kayong umuwi,susunod nalang po ako.Saglit lang kami"

"Pero Ma'am magagalit po ang Mommy niyo,kailangan po kasama niyo ako" sagot ni Manong driver kay Rhett.

"Manong ite text ko si Mommy kaya don't worry po.Uuwi agad ako,Sige na po manong.Uwi na po kayo" saad ni Rhett at kinuha ang phone niya sa bulsa niya para siguro itext ang mommy niya.Napatingin nalang ako sa kanya.

"Sige po ma'am,tawagan niyo po ako pag magpapasundo po kayo,alis na po ako" wika ni manong sakanya at tumango lang si Rhett.

Matapos magtext ni Rhett ay hinila na naman niya ako papasok sa mall,kanina pa ako hinihila ng babaeng to e'.

Pumasok kami sa Botique ng mga libro.

"Mahilig akong magbasa ng mga books."

"I see " sagot ko kay Rhett.

Nang makakuha siya ng libro ay pumunta siya sa counter at binayaran ito,Lumabas na kami sa botique.

"Tara kain"alok niya sakin.

"ikaw nalang"pagtatanggi ko.

"Treat ko naman e,sige na"

"May Curfew ako" pagsisinungaling ko,ang totoo niyan ay ina antok na ako kaya gusto ko'ng umuwi.

"aww :3 Sige na nga,Next time bawal tumanggi." sabi niya habang nakanguso.Nginitian ko lang siya.

---

  Pagdating ko sa bahay ay wala si kuya.Wala rin si Dwayne kasi doon na siya sa condo niya.

Nagpahinga ako,pagkatapos ay naligo ako,nagpalit ako ng pantulog at pinatuyo ang buhok ko.Matutulog na ako dahil kanina pa ako inaantok kahit 8pm pa.

Nakatulog agad ako,ngunit ilang oras pa ay nabangon ako dahil sa kalabog sa baba.Tiningnan ko ang oras at 10pm na.Dali-dali akong bumangon at bumaba sa sala.

"Kuya ! " dali-dali akong tumakbo papunta sa kinaroroonan niya.Nakahiga siya sa sahig at dumudugo ang labi at noo niya.

Inalis ko ang Jacket niya napansin ko ang dugo doon.Shet ! Dumudugo ang tagiliran niya.

Bubuhatin ko sana siya ng mapansin ko'ng dumudugo rin ang kanyang binti.

"Kuya ! Naririnig mo ba ako ? Kuya ! " Sigaw ko sakanya.

"O-oo " nahihirapa'ng sagot niya.

Kinuha ko ang susi sa bulsa niya pati na ang phone niya at binulsa ko.

Pilit ko siyang pinatayo at inalalayan ko siya papasok sa sasakyan niya.

Dali-dali kong pinaandar ang sasakyan niya at nagmaneho.Binilisan ko ang pagmamaneho papunta sa ospital.

Kinuha ko ang phone ni Kuya at dinial agad ang numero ni Dwayne.Ilang minuto pa ay sinagot niya ang tawag .

"Papunta ako sa ospital ngayon"

"Ha ? bakit ! " sigaw niya sa kabilang linya

"Si kuya Dugu---" binaba niya agad.

Ilang minuto pa ay nakarating na ako sa ospital.Dali-dali akong bumaba at tumawag ng nurse.

Dali-dali nilang binuhat si kuya sa stretcher.Sinundan ko sila papunta E.R

"Ano po'ng nangyari sa kanya ? " tanong nung nurse.

"Hindi ko alam"nag-aalalang sagot ko.

"Ma'm diyan ka nalang po" tumango ako at umupo sa upuan.Nakita ko'ng tumatakbo si Dwayne papunta dito.

"What happened ? "

"Hindi ko alamDumating siya sa bahay na duguan" saad ko sa kanya.

"Shet,mukhang sumablay ! " saad niya at kinuha ang phone niya at may dinial.

"Andito ako sa ospital ngayon.Mukhang sumablay si Clent...Sige.." wika niya sa kabilang linya at ibinaba na ito.

"Sino yun ? at anong sumablay ? " takhang tanong ko sa kanya.

Hindi niya ako sinagot at nagpabalik-balik siya sa paglalakad at mukhang may pinag-iisipan.

Ilang oras pa ay may lumabas na nurse.

"Stable na siya ngayon,sinaksak siya sa tagiliran at binti.Hindi malalim ang pagkakasaksak kaya maayos na ang kalagayn niya.Mukhang pinalo ang ulo niya ng matigas na bagay.Sa ngayon ay maayos na ang kalagayn niya." ani niya.

"Salamat,pwede na ba kaming pumasok ?" tanong ni dwayne sa kanya.

"Mamaya lang po,may chini check pa po sa kanya.Ipapatawag ko po kayo kung pwede na,salamat" ani niya at pumasok ulit sa loob.

"Wala ka bang napansin na tao sa loob ng bahay niyo kanina ? "

"Wala " sagot ko sa kanya.

Maya-maya pa ay lumabas ulit ang nurse.

"Dadalhin ang pasyente sa Room 108,sundan niyo nalang po "

Inilabas si kuya sa E.R at dinala sa room na binanggit ng nurse kanina.Sumunod kami  sa room nayun.

Lumabas na ang mga nurse at kaming tatlo nalang ang naiwan dito sa room.Tulog si kuya.

"May alam ka ba sa nangyari sa kanya ? " tanong ko sa kanya.

"Meron,pero hindi ko sasabihin."

"Anak ng... Sabihin mo"

"Hindi pwedeng sabihin,malalaman mo din pero hindi ngayon mapapahamak ka lang " seryoso siya habang nakatingin kay kuya.

Hindi ko na siya kinulit pa dahil seryoso na siya.Kilala ko siya at sa ganitong sitwasyon hindi na dapat ako tanong ng tanong dahil ikakagalit na iyon.

Umupo ako sa couch dito.Tumingin ako sa phone ni kuya 1am na pala.

"Pahiram ng phone ng kuya mo"

Binato ko sa kanya yung phone at nasalo naman niya iyon.

"Huwag mo 'tong sabihin kay Tita at Tito.Mag-aalala sila at baka umuwi dito sa Pinas,busy sila kaya sana wag mo'ng sabihin."seryosong saad niya.

"....." Tumango lang ako dahil inaantok na ako.

"Matulog ka muna diyan,o eto Jacket " saad niya at binato sakin yung jacket niya.Isinuot ko iyon at sumandal sa upuan at natulog.

---

   Hi readers please don't forget to  vote 😂 Thank you po

Sorry sa Typos.

Unwanted Affection(A Mafia story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon