"Kuya! Otaku ka rin ba?"
Paulit ulit na tanong mo saakin. Nakita mo kasi akong nagbabasa ng manga habang nakaupo sa isang bench ng isang parke. Hindi kita pinapansin dahil hindi naman ako kagaya ng ibang tao na palakaibigan. Ayokong magkaroon ng kaibigan dahil alam kong sa mundong ito ay wala ng taong totoo. At isa pa ayoko sa mga kagaya mo noon. Makulit ka kasi at madaldal.Patuloy ka parin sa pagsasalita kahit na hindi kita pinapansin. Maski ang plot ng manga na binabasa ko ay sinabi mo narin. Naiinis nako sayo pero nagtitimpi parin ako dahil may respeto parin ako sa mga babae. Pero sobrang aggresive mo, ayaw mokong tantanan.
"Ay, jayarre pala ang pangalan mo kuya?"
Sabi mo saakin. Hindi ko alam kung paano mo nalaman ang pangalan ko. Balak na sana kitang tanungin pero bago pako makapagsalita ay tinuro mo na agad ang ID na nakasabit sa leeg ko. Kakauwi ko lang kasi galing sa aming paaralan non. At dumiretso na muna ako sa parke para magbasa ng tahimik at magliwaliw. Pero nagkamali ako dahil nandito pala ang isang napakadaldal na babae.
Hindi kita pinansin at itinago ko nalang sa loob ng aking polo ang ID ko. Akala ko ay titigilan mo na ako pero patuloy ka parin sa pagsasalita kaya hindi nako nakapagtimpi at umalis na ako. Akala ko noon ay susundan moko pero nagkamali ako.
"Hays, buti naman"
Banggit ko sa aking sarili. Umuwi ako sa aming bahay para makapagpahinga.
Kinabukasan ay papasok ako sa aming paaralan. Pag pasok na pagpasok ko palang ng room namin ay rinig ko na ang bulong bulongan ng aking mga kaklase. Sabi nila ay may bagong transferee daw at sa section namin ito ilalagay. Hindi ko iyon binigyan ng pansin dahil kahit naman may dumating na bago ay hindi ko rin naman sya papansinin. Sinubsob ko nalang ang ulo ko sa desk ko at hinintay na dumating ang guro namin.
Naririnig ko ang mga yapak ng mga taong dumadating. Yapak palang ay alam ko nang hindi nagiisa ang dumating.
Narinig kong nagsalita ang guro at ang isang babae."Hi, ako si Rica Perez. Sana maging magkaibigan tayong lahat"
Rinig kong sabi ng isang babae. Nakasubsob parin ako kaya hindi ko parin nakikita ang itsura ng babaeng kakapasok lang ng aming room. Rinig kong pinaupo na sya ng aming guro. Umupo sya sa tabi ko kaya naisipan kong tignan kung ano bang itsura nya.
Pagtungo ko ay nakita kita. Pagkitang pagkita ko palang sayo ay napabusangot nalang ako. Napatingin ka din sakin, ngumiti ka at nagsalita.
"Uy, jayarre! Hihi, akalain mo yun magkaklase tayo."
Banggit mo saakin. Hindi parin kita pinapansin pero kausap ka parin ng kausap sakin. Kahit na nagsisimula ng magturo ay bumubulong ka pa din sakin ng kung ano ano. Kaya hindi ko na napigilan ang sarili ko at nagsalita nako."Miss, pwede bang tumahimik ka muna? Nakakairita kana kasi eh"
Sabi ko sayo gamit ang malamig kong boses. Akala ko ay titigil ka pagtapos kong sabihin yon pero hindi, Mas lalo ka pang nagsalita. Sabi mo ay ang galing mo dahil nakapagpasalita ka ng pipe. Tawa ka ng tawa noon. Hindi ko alam pero natuwa ako habang tumatawa ka. Kaya napagpasya kong kakausapin nalang kita dahil sa tingin ko naman ay isa kang mabait na tao, kahit na napaka kulit at daldal mo.
Simula noong mga araw nayon ay palagi na tayong naguusap. Naging turing narin natin sa isa't isa ay bestfriend.Hindi ko alam sa sarili ko kung bakit naging ganito ako kasaya habang kasama kita. Lagi na akong ngumingiti, hindi na kagaya ng dati na laging nakabusangot. Maski ang ating mga kaklase ay napansin yon kaya inaasar nila ako na nainlove nako sayo kaya nagbago ako. Hindi ko binigyan ng pansin ang mga asar nila noon dahil sa tingin ko naman ay hindi pagibig ang nararamdaman ko sayo noon.
Pero nagkamali ako, bawat araw na magkasama tayo ay unti unti nang nahuhulog ang loob ko. Gusto ko na lagi mo na akong kasama. Gusto ko saakin ka lang sasabay kumain ng tanghalian. Gusto ko ako lagi yung kasabay mong uuwi. Naiinis ako sa tuwing may kausap kang ibang lalaki. Hindi ko alam kung anong nangyayari sakin pero sa tingin ko nga ay naiinlove nako sayo. Binago mo ang sarili ko. Noon ay hindi ako nagtitiwala sa tao. Pero ng dahil sayo ay nagbago iyon.
Lumipas pa ang mga araw at alam kong mahal na kita. Pero hindi ako nagsasabi sayo dahil natatakot ako na baka pag sinabi ko sayo ay layuan moko, na baka magiba yung turing mo saakin. Hanggang isang araw ay nakita kita sa parke na may kasamang ibang lalaki. Ang saya saya mo nung mga oras na nakita kita. Pakiramdam ko ay gumuho ang mundo ko noong mga oras na yun. Hindi ko napigilan ang mga luha ko. Umalis ako noon at umuwi sa aming bahay. Sobrang sakit ng puso ko. Akala ko ay may iba ng nagpapasaya sayo. Akala ko hindi nako yung bestfriend mo.
Kinabukasan ay pumasok parin ako. Pagpasok ko ng room ay bumulaga ka agad sa harap ko at nagsalita .
"Goodmorning! Bestfriend!"
Banggit mo habang nakangiti ng wagas. Nilampasan kita nung mga oras na yun dahil naalala ko nanaman yung nangyari kahapon. Nagulat ka nung nilampasan kita kaya tinanong moko kung anong problema. Hindi kita pinansin habang nagsasalita ka. Pero paulit ulit ka paring nagsasalita. Nararamdaman kong umiiyak kana habang nagsasalita ka. Nakita kitang umiiyak kaya hindi ko napigilan yung sarili ko. Nagsalita ako.
"Ano kaba rica!? Ganyan kaba talaga kamanhid? Hindi mo ba talaga nararamdaman na mahal kita? Ang sakit sakit ng puso ko sa tuwing may kasama kang iba! Hindi ko kayang makitang may kasama kang iba. Rica, mahal na mahal kita. Sana naman maramdaman mo yun. Kasi ang sakit sakit na eh!"
Sabi ko sakanya habang bumabagsak yung mga luha ko. Nakatingin sa atin ng mga kaklase natin na tila ba nanonood sila ng sine. Aalis na dapat ako nung mga oras na yun pero bigla mong hinila ang kamay ko at hinigit moko papunta sayo. Niyakap moko ng napakahigpit na kinagulat ko.
"Alam mo! Ang duwag duwag mo. Bakit ngayon ka lang nagtapat? Alam mo bang akala ko hindi mo rin ako gusto? Oo, jayarre mahal din kita! Matagal na. Sa tingin mo ba kukulitin kita kahit na nasasaktan nako dahil hindi moko pinapansin? Mahal na mahal kitang siraulo ka! Ang duwag mo!"
Banggit mo saakin na mas lalo kong kinagulat. Nagulat ako pero nakangiti ako. Hindi ko inaasahang magkakagusto rin sakin yung unang taong pinagkatiwalaan at minahal ko. Ang saya saya ko nung mga araw nayun. Tumawa tayo parehas pagkabitaw natin sa ating yakap. Tumawa rin yung mga kaklase natin dahil sa nasaksihan nila. Sinabi nilang ang dadrama natin parehas lang naman daw pala tayong may gusto sa isa't isa.
Tatlong buwan akong nanligaw sayo at sa araw ng una nating pagkikita ay sinagot mo ako. Tuwang tuwa ako ng nga araw nayun. Simula noon ay lagi na kitang hatid sundo. Sobrang saya nating dalawa. Alam kong ikaw na yung babaeng mamahalin ko habang buhay.
Apat taon na ang nakakalipas simula nung sinagot mo ako. At ngayon parehas tayong nakatayo sa altar at binibigkas ang ating marriage vows. Hanggang ngayon hindi ko parin maisip na mapapamahal ako sa isang taong ayaw na ayaw ko noon. Hindi ko inaasahang mababago ako ng isang kagaya mo. Isang kagaya mo na makulit at madaldal. Pero alam mo ba? Kahit na ganun ka.
MAHAL NA MAHAL NA MAHAL KITA.
"You may now kiss the bride"
[Wakas]
---------
YOU ARE READING
Bestfriend [Oneshot]
RomanceAkala ko noon imposibleng mainlove ka sa isang taong ayaw mo ang ugali. Pero nagbago lahat ng iyon nung makilala kita.