A/N: Dedicated po ito sa inyo. I really love MCB atee! Hihihi!
---------------------
Andito ako ngayon, nakatayo sa harap mo
"Baby, how are you ? Miss na miss na kita babe"
Naramdaman kong unti-unting tumulo ang luha ko.
"Napakaunfair mo nman babe, ang sabi mo di mo ako iiwan, sabi mo palaging kang nasa tabi ko, e-eh b-bakit iniwan m-mo ako?"
"B-babe naman eh, di ba walang iwanan? A-alam mo n-namang di ko k-kaya na wala ka d-diba? Alam mo ba kung g-gano kasakit maiwan?"
Bumuhos na ang mga luha ko at kasabay nun ay ang pagpatak ng ulan. Sumabay pa talaga sa pag e-emote ko.
Hindi parin ako umalis.
"Masaya ka ba diyan babe? A-ako k-kasi hindi, parang n-nasa impyerno ang b-buhay ko kasi wala ka. Wala na a-akong protector, saviour, w-walang n-ng may n-nagmamahal s-sakin. A-alam mo babe, s-sabi nila, dapat na daw kitang kalimutan. Its almost 2 years simula nung iwan mo ako"
"Sabi n-nila past i-is past, m-move on to see the future. But h-how can I move on if my past is the only t-thing I ever wanted in the future. You know what babe? I wish I had the guts to walk away and forget about what we had but I cant. Kasi ang nemories lang natin ang tanging natira sakin ngayon"
Tumulo na naman ang mga luhang di ko mapigilan. Basang-basa na ako ng ulan pero wala to. Wala to sa sakit na nararamdaman ko ngayon.
"Ineng, umuulan. Tara't maghanap ng masisilungan. Nako! Basa ka na ineng"
Ngumiti ako kay lola.
"Basa napo ako lola. Okay lang po ako, kayo nalang po"
"Nako! Hindi pwedeyan ineng, tara na" Hinila nalang ako ni lola.
Naghanap kami ng masisilungan. Pero wala talaga kaming mahanap.
Hanggang sa may nakita kami.
"Hay! Ganito talaga ang mahirap kapag nasa sementeryo ka't umulan, wala masyadong masisilungan"
"Sorry po lola ha? Nabasa pa tuloy kayo"
"Nako ineng, wala iyon. Bakit ka ba nandito? May binisita ka ba?"
Ngumiti ako ng mapakla.
"Binisita ko po ang lalaking mahal na mahal ko"
Sabi ko at tumulo na naman ang mga luha ko.
Kailan ba to matatapos. Ayaw na atang tumigil ang mga luha ko sa pag-agos.
Pero napatigil ako nung maramdaman kong wala na ang hawak-hawak kong papel.
Sh*t! Nawala ko.
Kinapkap ko yung bulsa ko pero wala dun.
"Ineng may hinahanap ka ba?"
"A-ah. O-opo lola, yung papel ko kasi, nawawala"
"Ah! Ito ba yun ineng" Sabi ni lola at pinakita sa'kin yung isang papel.
Ito nga iyon!
"Salamat lola, sobrang importante to sakin"
"Nako! Wala yung Ineng! Nakita ko yan kanina nung tumayo ka" Sabi niya at binigay sakin ung papel.
Binuksan ko ang papel at binasa ulit ang sulat nya.
Dear baby Mia,
Baby! Una sa lahat gusto kong magpathank you sa'yo. Thank you dahil binigyan mo ng liwanag ang madilim kong buhay. Thank you for changing my life into a better one. Thank you for loving me. At sorry din sa mga maling nagawa ko babe.
Sa oras na mabasa mo ito, siguro wala na ako. Babe, maysakit ako, leukemia. I dont want you to know about this. Baka kasi maging pabigat lang ako sa'yo. Mahal na mahal kita Mia.
Kapag nasa heaven na ako, ayokong makita kang umiiyak. Gusto ko masaya ka. Im sorry for not letting you know about my situation. I guess its best for the both of us. Mamiss kita babe. I love you so much.
Di ko maiwasan na humikbi. Ilang bese ko na bang binasa to simula nung mawala ka?
Niyakap ako ni lola. Ewan ko ba pero ang gaan ng pakiramdam ko sa kanya.
"Lola, miss ko na po siya, sobra. Ang sabi niya walang iwanan pero iniwan niya parin ako. Sana sinabi niya sakin na may sakit siya para nasulit ko pa yung mga araw na buhay siya, sana naalagaan ko pa siya"
"Iiyak mo lang yan kung iyan ang magpapagaan ng loob mo ineng. Nangyari rin sakin yan. Masakit kapag iwan ka ng taong mahal mo ineng, tulad ko , iniwan rin ako ng mahal ko. Masakit pero kailangan nating tanggapin ang katotohanan. Hindi talaga sila ang nakalaan sa atin"
"Hindi ko sinasabi na kalimutan mo sya Ineng. Dapat, matuto kang tumanggap ng katotohanan para maharap mo na siya ng nakangiti ineng. Hindi yung umiiyak ka. Isipin mo nalang na sya yung lalaking nagmahal sa'yo ng buong puso, ang nag-alaga sa'yo"
Mas lalong tumulo ang mga luha ko dahil sa sinabi ni lola. Tama nga siya.
Tumila rin ang ulan at umalis na ako sa pagkayakap ko kay lola.
"Kailangan ko ng mauna Ineng, huwag mongkalimutan ang mga sinabiko"
"Opo lola. Maraming salamat po"
Bumalik na ako sa puntod nya.
"Babe, siguro ito na yung huling makikita mo akong umiiyak. Mahal na mahal kita babe. Siguro makaka move on ako pero pinapangako ko sa'yo, hinding hindi kita makakalimutan babe. I love you so so much"
END.
-------------------
A/N: How are you guys?
Wala na kasi talaga akog maisip eh. Hohoho.
Sorry, ito lang ang nakayanan.
Saranghaeyo
-PerfectlyBroken03
BINABASA MO ANG
Missing You
Vampire"They said past is past, move on to see the future. But how can I move on if my past is the only thing I ever wanted in the future?"