Simbang-Gabi. [Oneshot]

294 9 4
                                    

Simbang-Gabi.

Written by amEYZIEngCloud7 © 2013

***

Gabi. Kasalukuyan akong naglalakad upang magpunta ng simbahan at umattend ng misa. Batid ko ang hindi maiwasang pagtingin sa akin ng mga tao, lalo na ang mga kalalakihan. Bagaman simple lang ang ayos ko sa suot kong puting bestida na binagayan ng sapin sa paa na may humigit sa dalawang pulgadang takong eh hindi raw maikakailang angat talaga ang kagandahan ko, sabi ng bolero kong mga magulang na sa ngayon eh abala sa pamimili ng iba pang kakailanganin para sa darating na Noche Buena kinabukasan. Ang nag-iisa ko namang kapatid na siyang bunso ay mas piniling pumirmi na lamang sa bahay at maglaro ng DOTA sa computer namin kaysa samahan ako sa pagsimba ngayong gabi. Nakakatouch ang kapatid ko, noh?

Samantala, eto ako at idinaan na lang sa pagngiti ang mga lihim (ngunit naririnig ko naman) na mga papuring natatanggap ko sa mga tao sa simpleng pagsulyap nila sa akin. Pinili kong ituon nalang ang atensyon ko sa paligid kung saan napukaw ang tingin ko ng naggagarbohang parol na nakasabit sa bawat bahay na nadaraanan ko, ang masasayang tugtog pamasko na pumapailanlang sa aking pandinig, ang kumpol ng mga batang kaylalapad ng ngiti na mahahalatang kagagaling lamang sa pangangaroling, maging ang magkasintahang nakasalubong ko na animo'y may sariling mundo.

Nang makarating ako sa loob ng simbahan, mabuti nalang at medyo maaga pa kaya mayroon pang bakanteng silya akong naupuan. Panigurado kasi na dumog na naman ang mga taong nagsisimba lalo na't huling araw na ng simbang gabi.

Tama. Sana naman, matupad ang hiling ko, kung tunay ngang pag nakumpleto ang pag-attend ng simbang-gabi,sa paniniwala sa Diyos, ay posibleng magkatotoo ang wish mo.

Dumaan ang oras hanggang sa natapos ang misa. Sa paglabas ko ng simbahan ay panay ang pagbati sa akin ng mga kakilala ko, may ilan nga ring hindi ko naman kilala eh, ng "Maligayang Pasko" na sinamahan pa ng "Regalo ko?" na tinutugunan ko rin naman ng pagbati pabalik. Paano pa kaya sa Pasko mismo? Mukhang kelangan ko nang magtago sa dami ng inaanak ko. Haha. Biro lang!

Muli akong nabalik sa pag-iisip tungkol sa simpleng wish ko habang nakatingala sa kalangitan kung saan naggagandahan ang kinang ng mga bituin.

"Lord, sana po...dumating na ang lalaking talagang nilaan Niyo para sa'kin."

Simple lang naman diba? Wala namang masamang maghangad ng lalaking mamahalin ka bilang ikaw. Ng lalaking ninanais mong makasama hanggang matapos ang puntong maging puti na lahat ng buhok niyo.

Kasi naman...bagaman dumaan na ako sa ilang relasyon, panandalian lang naman iyon. Yung tipong paghanga o infatuation kumbaga ang naramdaman nila para sa akin. Pakiramdam kasi nila, hindi sila deserving para sa akin dahil ang tingin nila masyado daw akong perpekto para sa kanila. Kaya huwag na kayong magtaka kung ni isa wala pang nagtatapat saken at nagkalakas loob na magsabi ng salitang "Mahal kita".

Naramdaman ko nalang ang unti-unting pagpatak ng ulan sa may mukha ko habang nakatingin ako sa mga bituin,pati na ang malamig na simoy ng hangin.

Ngunit hindi rin nagtagal ay nawala ang malamig na pakiramdam ko dulot ng malamig na simoy ng hangin dahil sa jacket na ipinatong nya sa may balikat ko. At ang kaninang butil ng ulan ay napalitan ng kulay berde niyang panangga sa ulan.

Ano ba naman yan,Stacey! Baka sipunin ka nyan,sige ka! Paskung-pasko gusto mo pa atang magkasakit!Tsk. Nga pala, dumiretso ako sa bahay nyo pagkagaling sa trabaho. Kaso 'yung kapatid mong nagdodota ang naabutan ko. Nagsimba ka nga raw, kaya nagtuloy ako dito para puntahan ka. Kahit BornAgain Christian ako umattend narin ako ng misa. Haha. Buti nalang nakita kita kung hindi baka sa katamaran mo magsakay baka magka-sipon ka pa!,rinig kong sermon nya kahit inaamin kong iba ang pakiramdam ko ngayon,na para bang tumigil ang takbo ng oras nang makita ko ang mukha nya; ang kulay tsokolate at medyo singkit nyang mga mata na parang ikatutunaw mo kapag tinitigan ka, ang matangos niyang ilong, at manipis na kurba ng kaniyang labi. Hindi ko alam kung bakit na-aappreciate ko ito ngayon. Siguro,dahil baka namiss ko lang sya?

O baka naman, Lord, hindi naman sa assuming ah. Pero...sya naba? Ang bestfriend ko na kasa-kasama ko mula pagkabata, mula nang matuto akong magsulat ng cursive o kabit-kabit hanggang sa ngayon na may stable na kaming trabaho? Ang bestfriend ko na pinagtitiisan daw ako pero daig pa ang nanay ko kung sermonan at alagaan ako?Siya naba ang lalaking itinadhana Niyong makasama ko sa buhay?

"Hala. Nakikinig ka ba, Stacey? Para kang estatwa dyan,oh!Halika na nga dito. Bumili ako ng ube halaya, favorite mo. Kaya tara na at nang makaen na naten 'to," aniya at walang anu-anong pinisil ang ilong ko at hinawakan ang kamay ko para sumunod sa kanya.

Dinaan ko nalang sa paggulo ng buhok niya ang tuwa at sabihin na nateng kilig na di ko inakalang mararamdaman ko sa simpleng gawi niyang ito, na ngayon ko lang napagtanto sa hinaba-haba ng samahan namin.

"Ayos! Tamang-tama! Gutom na ako!," pasimpleng sagot ko kasabay ng abot-tengang ngiti na di ko na napigilang pakawalan.

Lord, salamat...kasi all this time, tinupad mo na pala ang wish ko. Handa akong maghintay. Bagaman di pa ngayon...pero darating din 'yung time para sa mga bagay-bagay.

Basta...sa ngayon, ang mahalaga...i-enjoy ko lang ang buhay kasama sya.

"Mahal kita,Stacey!," napatigil ako sa paglalakad ng marinig iyon. Humarap ako sa kanya at pakiramdam ko ang init-init ng pisngi ko nang makita ang namumula nyang ilong, tanda ng pagkaseryoso niya sa pagkakasabi niyon.

Mahal kita,Stacey!

Ang mga katagang iyon.

Iyon na yata ang pinaka-magandang musika na narinig ko sa buong buhay ko. ♥

***

Simbang-Gabi. [Oneshot]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon