Taken For Granted

48 0 0
                                    

Alam mo yung masakit? Yun yung alam kong kaibigan kita kaso sinabi mo special ako at ako naman si tanga umasa at na fall sayo kaso ano napala ko?

Haha. Edi wala! Na Take for Granted lang pala ako.

Hell yeah i'm special in a way that i've been taken for granted.

--

"Ayyyiee Dale! Lumalablyp ka na"

"Nakss! Gumaganyan ka na pala ngayon di man lang kami na inform."

"Oo na ikaw na blooming palibhasa pumapag-ibig ka na."

Seriously?! Kanina pa ganyan ang mga kaklase ko. What's with these people?

"Lili! Lala"

I called out to my two friends. Buti nalang nakita ko sila kung hindi baka nabaliw nako kakaisip sa mga pinagsasasabi ng mga kaklase ko.

"Huyy! Lili, Lala! Pansinin niyo naman ako.."

Problema ng mga 'to?

"Tsk. Tapos ngayon tatawagin mo kami? Ganyan ka naman eh! Naaalala mo lang kami pag kailangan mo kami." Sabi ni Lili

"Palibhasa ang saya saya niya kaya kinakalimutan niya na tayo." Sabi naman ni Lala

Teka, ano ba talaga pinuputok ng mga to? Ano kaya tinira ng mga to?

"Naka rugby kayo guys? Yun ba tinira niyo? Infairness lakas ng tama ha."

"Ganyan ganyan! Porke may pumoporma na sayo ginaganyan mo na kami! At talaga namang di mo pa sinabi sa amin" *pout*

"Tama! Napakasama mong kaibigan talagang sa iba pa namin malalaman?? Ang SAKITTTT!"

What the--?! Ginuyod ko agad silang dalawa sa garden ng school.

"What are you talking about guys?? Anong pinopormahan? Anong lumalablyp chuchu? Kanina pa yan!"

Nakita kong nagbulungan sina Lili at Lala. Seriously?! Yang dalawang yan! Tsk. Pag ako naasar -.-

"Nag open ka na ba ng fb?" Tanong ni Lili

Huh?

"Hindi pa siya nag oopen." Sabat naman ni Lala

"T-teka naman! Di pa'ko sumasagot! Grabe naman kayo sakin!"

"No need. Kita naman na ang sagot sa mukha mo."

"Yeah, whatever. Ano ba talaga ang nangyayari ha? Anong mga pinagsasasabi niyo? At anong connect ng pag-oopen ko ng facebook dito?"

"Here"

Nagtataka ako kung bakit ibinibigay sakin ni Lili yung phone niya pero inabot ko padin.

"So? Ano gagawin ko dito?"

Post ni Jonax.

Ano namang meron sa post ni Jonax na hugot? Hugot posts is normal nowadays.

Ano namang connect neto sa topic? Tss! Nevermind.

--

Lumipas ang mga araw na tinutukso parin ako ng mga kaklase ko sa wengyang post na yun. Syempre dedma nalang ako since paulit ulit lang naman na at nasanay na rin ako.

Ano bang meron sa controversial hugot post na yun?! It just says

"Pagod ka na? Edi magpahinga ka. Pag tapos ka na magpahinga humanap ka na ng iba. Wag pakatanga sa mga walang kwenta bro! #NewOne"

"Guys open forum!" Sigaw ng isa sa mga kaklase ko na nakapagbulabog sa nag-iisip kong utak.

"Tara!" Sigaw ng mga kaklase ko.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 18, 2016 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Taken For Granted (One Shot)Where stories live. Discover now