Namulat ang mata ko sa katotohanang may dalawang klase ng tao ang nag eexist sa mundong ito
Ang mga taong TANGA at MATATALINO
Ngunit ang malas ko dahil hindi ako napabilang sa mga taong matalino
Dahil mas nangingi-babaw ang katangahan ko
At yun ay ang mahulog sa isang katulad mo
Isang katulad mo na walang ibang ginawa kundi ang paluhain at piyakin ang isang tangang katulad koNgunit kahit na ako'y tanga
Hindi maipagkakaila na dito ako masaya
Na kahit sobrang sakit na
Nakukuha ko paring tumawa
At kahit sobrang hirap na
Nakukuha ko paring pigilan ang pagpatak ng bawat luha na nagbabadyang bumuhos mula sa aking mapupungay na mga mataSaya
Yan ang nararamdaman ko sa tuwing nasisilayan kita
Kahit na nakakatanga at nakakaboba
ang mahalin ka
At kahit na lagi kitang nakikitang
may kasamang iba
Hindi ko parin mapigilan ang matuwa
Kahit na lagi kong nakikitang sa kanya ka masaya
Na kahit na alam kong sa nararamdaman kong to
Wala akong ibang nahahawakan kundi ang manggas ng t-shirt mo
Dahil ang dalawang kamay mo ay nakahawak sa kanya
At sa akin ay wala kang itinira kahit isaAlam kong masakit
Sobrang sakit
Na sa sobrang sakit
Hindi na ako makahagilap ng matinong dahilan kung bakit patuloy parin akong kumakapit
Sobrang hapdi
Na sa sobrang hapdi hinihiling ko nalang na sana ito'y naging isang panaginipPero hindi
Ako'y gising at mulat na mulat
Tulad ng mga bituin na malayang nagniningning sa madilim na ulap
Kasabay ng kabilugan ng buwan
Sa kalawakanGising na gising ako noong naging Kayo ang inaasam asam kong Tayo
Noong ako'y nabigo
Dahil yung ikaw at ako ay hindi nabuoPero kahit na ganon ayaw ko paring bumitaw
Dahil sabi ng puso ko na wag sumuko at wag bumitaw
At hintayin ang isang araw na ikaw ay mapagod at kusa syang bitawan
At mapagtanto mo na ako ang iyong tunay na kailanganNgunit sa pang isang libong pagkakataon
Ako ay umasa
Umasa na kaya
Na meron pa
Pero wala na
Kaya ngayon mahal
Pinapalaya na kita
Kahit labag sa kalooban ko ang bitawan ka
Hahayaan na kita
Dahil alam kong sa kanya ka lang sasaya
Pero wag kang mag alala hindi ako mawawala
Hindi ako magtatago
Kahit akoy nabigo
Patuloy parin akong aasa hanggang sa ang puso koy mapagod ng kusa
At unti unti nitong tanggapin
Na kahit kailan ay hindi ka magiging akin
BINABASA MO ANG
Mahal Malaya Ka Na
RandomPara sa mga tanga hehehehehh Hope u like it at sana nakarelate din po kayo💓💓💓