Pag-Ibig Sa Likod Ng Lapida

938 24 3
                                    

A/N: My I, Ache teamSMH Horror/Erotica first draft. Pinulot ko lang  galing basurahan. Lol! Hope you like it.

***

Hanggang saan ka ba dadalhin ng salitang pag-ibig?

"Mamahalin kita hanggang sa huling hininga ko, Marco."

Kaya mo bang kalabanin maging ang kamatayan?

"Oo, Aya. At maging si kamatayan ay walang magagawa, upang paghiwalayin tayong dalawa. Tandaan mo yan."

Paano kung tadhana ay bigla kang sinubukan?

BEEEEEP....BLAAAAGH!

"Ayaaaaaaaa!!!"

May magagawa ka pa ba?

"Marco, alam kong masakit, anak. Pero wala ka ng magagawa kundi tanggapin na lang ang lahat."

"Yes, dad." NO. Hindi pa huli ang lahat, may magagawa pa ako.

Kaya mo bang isiping buhay ang isang patay, upang maisalba ang huling pag-asang nakikita sa pagitan ninyong dalawa?

"Kukunin kitang muli, Aya. Aagawin kita mula kay kamatayan. Kung kailangan kong pumatay kapalit mo sa kanya, gagawin ko. Gagawin ko, Aya. Makasama lang kita."

***

"Mahal, Aya..." Salita na puno ng pananabik ang namutawi sa humahangos na si Marco, nang sandaling mabuksan niya ang casket na kinahihimlayan ng bangkay ng kasintahan. Si Aya.

Kalilibing lang ni Aya ng araw na yun, nang pinagpasyahan ni Marco na muling hukayin ang bangkay nito ng palihim.

Nagpaalam siya sa mga magulang na pansamantalang lilisanin ang lugar para sa ikabubuti. Ngunit lingid sa kaalaman ng mga ito na sa gagawing pag-alis, dala niya ang bangkay ng babaeng pinakamamahal.

Pagkatapos maiangat at maisilid ni Marco ang tuwid na katawan ng dalaga sa isang itim na bag, muli nitong isinara ang casket, tinakpan ang ginawang hukay nang hindi nag-iwan ng anumang bakas. At kapagkuwan, ay isinakay na niya ito sa likod ng kanyang sasakyan at sumibad na palayo. Palayo sa lugar na walang makakasaksi, sa kanyang gagawing kahibangan.

"Isipin na nilang nababaliw ako, may sayad o nasisiraan na ng ulo. Wala akong pakialam! Dahil wala silang alam sa tunay na pagmamahal na nahanap ko, kay Aya. At hindi ako bibitaw sa pag-ibig na yun. Handa 'kong kalabanin ang kamatayan, para sa kanya. Para sa aming dalawa."

***

"Happy anniversary sa'tin, mahal." Pagbati ni Marco sa katabing kasintahan ng umagang iyon. Isang linggo na mula ng dalhin niya ito sa kanyang bahay bakasyunan sa liblib na bayan ng San Carlos. Nag-iisa lamang ang tahanang iyon sa loob ng manggahan, kaya't dito niya ito naisipang itago.

Pagmamay-ari rin nila ang naturang lupain, kaya't ito'y pribado at malayo sa mapaghusgang mga mata ng mga tao roon.

Hindi naman nangangamba si Marco na magagawi sa lugar ang kanyang mga magulang, sapagka't ang alam ng mga ito ay sa ibang bansa siya tutungo.

"Mahal, pwede ba kitang maisayaw katulad ng dati? Gustong-gusto mo 'yun diba?"

Bumangon si Marco at iginiya ang bangkay ni Aya patayo. Yinakap niya ito ng mahigpit, at malumanay niya itong sinayaw. Umiindayog, habang marahang kinakanta ng buong puso ang kanilang paboritong awitin. At matiim niyang pinagmamasdan ang maputla nitong mukha. Gandang-ganda pa rin ito sa dalaga, bagama't bakas na sa balat nito ang bahagyang pagka-agnas.

KilabotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon