HI! sana mag enjoy kayo sa pagbasa ng storya namin! Sana patuloy kayo sa pagbasa kahit medyo mabagal update dahil sa pagaaral namin hehe. Di rin kase kami mag kaklase eh :) ayun enjoyy! - Charlene and Tiara.
--------------------------------------------------
I'm standing in the middle of the road. It's raining hard but I didn't bother to care. Suddenly a boy appeared in front of me carrying an umbrella, he's wearing a white T-shirt. I didn't saw his face but I saw his mouth forming a small smile.
"W-who are you?" I asked but instead he gave me his umbrella and turned around still wearing a smile on his face.
"Find me and I will find you." He said. Then he begun to walk without looking back.
I ran towards him and grab his arm.
(CLOCK RINGING)
'Ano ba yung tumutunog nayon?!! Ang aga aga ang ingay!' Dumilat ako at nakita ko yung alarm clock ko na nagriring. Kinuha ko iyon at hinagis sa wall saktong bumalik, natamaan pako sa ulo. 'UGHH Kainis! Sarap panaman ng tulog ko. Umagang umaga kamalasan agad sumalubong saken!' Tinignan ko yung oras. 7:15 na pala.
'Wait. What?!' Napatalon ako kasi 20 minutes nalang natitira malelate nako. Kaya naman tumayo nako at dumiretso na sa CR para maligo.
Kainis naman! First day panaman ngayon. Hindi ako pweding malate.
Nagbihis nako at humarap ako sa salamin.
"Hi I'm Ailene Ciara Rodriguez. " argh! parang nagpapacute naman yun. "Hi, Ailene Ciara Rodriguez. Nice to meet you all." Tss! Bahala na.
Bumaba na ako at kinuha ang baon ko. At dali dali akong tumakbo palabas.
"Hoy Ailene! Hindi kanaba kakain?"
"Hindi napo ma. Malelate nako eh kakain nalang ako sa school." At tumakbo nako palabas.
"Ingat anak!" malayo nako pero narinig ko parin si mama kayanaman tumalikod ako at kumaway sakanya bago tuluyang umalis.
Tumakbo ako hanggang sa...
"AY GALUNGONG!!!" pinairal ko nanaman ang kamalasan ko at nadapa ako!! Buti nalang walang putik hehe.
***
School.Okay 5 minutes pa. Medyo malapit naman ang bahay ko sa school. Nag tricycle lang ako para mabilis kasi kadalasan nag lalakad lang ako papuntang school. 4th year napala ako and hindi kami mayaman hindi rin kami mahirap in short simple lang ang buhay naming. May kapatid akong babae si Hannah mas bata saken. Pero hindi kosya tunay na kapatid dahil ampon lang daw ako sabi ng mama ko. Noong mga 4 na taong gulang daw ako dinala ako sa bahay ampunan ng totoo kong nanay at ayun nga kinupkop ako nila mama Mae kasi noong mga time nayon wala pa silang anak.
Inalagaan nila ako at tinuring na totoong anak. Hanggang sa dumating sa buhay namin si Hannah 7 years old na sya ngayon. Si tatay naman isang construction worker at janitor sa gabi. Si mama naman nagtitinda sa palengke minsan kapag wala akong pasok tinutulungan ko sya. At ako naman nag papart time job sa isang coffee shop. Pagkatapos ng klase daretso agad ako doon hanggang 7 ng gabi ako doon. Malapit lang naman ito sa bahay namin kaya...
"Cia!" oh sandali lang ah, may tumatawag sakin mamaya konalang ulit itutuloy ang talambuhay ko haha chos.
"Oh Rain!" At nag beso pa kami. Si Trisha Rain Manrique, ang best friend ko since grade school pa kaya matibay talaga pagkakaibigan namin.
"Namiss kitaaaa! Sabay na tayo. Tara!" hinug nyako ng sobrang higpit at hinila nako ayun sabay nanga kami.
"Namiss din kita! Ano section mo ngayon?" tanong ko sakanya.
BINABASA MO ANG
MY LUCKY STAR
TienerfictieMY LUCKY STAR Ailene Ciara D. Rodriguez. Ang pinaka malas na babaeng nakilala ko. Kahit wala syang ginagawa dinadapuan sya ng malas. Pati ako nadamay na nya sa kamalasan nya! . . Pero bakit ganito? . . Ba't parang nalilito ako? Hindi naman sya ma...