2016

7 1 2
                                    


MARCOS BURIAL

Sa pamagat palang ang dami na nilang nasasabi kesho hindi daw siya bayani at dapat hindi daw siya ilibing doon dahil isa siya diktador noong araw. Mga kapwa pilipino naging pangalan lamang ang libingan na iyan pwede nga din pangalanan ang mga libingan na tulad niyan bakit hindi pa natin tantanan ang patay? 

Tsaka kung ang DIYOS natin malawak ang pagpapatawad bakit tayo hindi? 

Kung ang tatay ko ay namatay nang dahilan sa kanya ano mararamdaman ko?

 Sa simula't-sapul bakit siya napatay? 

- nakagawa ang aking ama ng kasalanan sa batas kaya siya napatay

Isang halimbawa lamang pero patay ang tatay ko dahil sa isang kilalang fraternity...


Pangalawang paliwanag sa MARCOS BURIAL hindi nyo ba naisip na posibilidad na ginamit lamang ng pamilyang AQUINO at RAMOS na maging fall guy ang pamilyang MARCOS? 

Dahil alam nila na hindi sila talaga ang pumatay ginagamit nila ang MEDIA para lamang maging bulag TAYONG PILIPINO sa tunay na katotohanan.


Bakit narinig nyo na ba ang kabilang panig? Ayaw nyo kasi sasabihin nyo na kasinungalingan ang sasabihin. Pero sigurado ba kayo na hindi kasinungalingan ang sinasabi ng mga taga-Media?


SENADOR DE LIMA

Maraming naging balita sa kanya ukol sa pera na kinukuha sa bilibid na about drugs at pati lovelife nya na-ungkat na din. Masasabi natin na sobra na ang ginawa ng pangulo natin na ilabas pa ang kanyang sex video... 

Ang pangulo natin ay parang asal gangster mukhang masama sa pandinig pero totoo para sa akin kahit asal siyang gangster ay nasa tama ang kanyang ginagawa. Tipikal na Pilipino magagalit na sa sinabi ko pero minsan kailangan nating tumingin sa dalawang posibilidad na rason. Dahilan sa gangster ang asta ng pangulo ay nagawa niya ang ukol kay de lima pangit ang nagawa niyang iyon pero...bakit nya ba ginawa yun?

Hindi naman gagalaw ng ganun ang pangulo kung hindi siya nasaktan o na-offend dba? So meaning nun nasaktan siya sa pinagsasasabi ni de lima kaya nagawa niya iyon. Understanding lang mga kapwa ko. Medyo napasaludo ako sa senadorang ito why? Magaling magmatigasan mismo sa pangulo ng ating bansa. Kahit na may sex video na siyang pinakitaan sa publiko at kataga na sa kanya ay (delima + halimaw) =  DELIMAW. Creative talaga ang mga pinoy.


NINOY AQUINO

Dating pangulo ng bansa na tinitingnan ng ibang pilipino na isang bayani...teka bakit ba siya pinatay? At sino ang pumatay? 

Sabi ng media pinatay daw siya at posibilidad ay MARCOS ang may pakana nito...

Dba negatibo na agad ang nakita nila so hindi nakakapagtaka na magtaka ang ilang pilipino na "Ah hula ko pinapatay ng Marcos kasi mabait siyang tao" iba kasi mag-isip ang tao ngayong henerasyon kung saan ang mga madla na nag-aagree doon sila. No offense pero minsan totoo sa klase nga namin eh ganun din eh...

Pero ano ba ang totoo?

- Sa tingin ko oo pinatay talaga siya pero hindi si Marcos ang dahilan malay nyo ang nagpapatay pala ay yung bayaw niya dahil kalaban niya sa pulitiko at pinagtakpan na lamang ng Aquino ang kahihiyan kaya itinuro na lang sa mga Marcos.

Dba sasabihin nung ilan sa mga mambabasa "Ate bias ka din"

-shrug-

Tipikal na tao ayaw nilang makita o mabasa ang posibilidad ng isang sitwasyon laging bumabanat na lamang ng WALA EH BIAS KA DIN/ PAPANSIN KA LANG/ MAGTANIM KA NA LANG NG KAMOTE SA INYO

Ang mga ganyang Pilipino for sure ayaw nila ng another word o suhestyon ukol sa topic na nakadiin na sa kanilang murang isipan. Mas gusto nila ang BEAUTIFUL LIES kaysa PAINFUL TRUTH



A/N: Ang tahimik na tao hindi lang tahimik na walang ginagawa o walang pakialam minsan ang tahimik na tao ay siya pang nakakakita ng katotohan...

EyeSeeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon