Kabanata 7

396K 13.2K 4.4K
                                    

Kabanata 7

"HERE, drink this..." nakita ko ang isang baso ng tubig sa harapan ko kaya kaagad ko iyong kinuha at ininom, bago lumingon kay Iñigo.

"Salamat," I whispered. He nodded and smiled a little, hinawakan niya ang pisngi ko at napapikit ako nang punasan niya ang luha ko gamit ang daliri niya.

"Naistorbo ba kita?" mahinang sabi ko. "Sorry, Iñigo, I was just..." bumuntong-hininga ako. "Scared."

"Ssh, It's fine. It's a good thing that you called me," aniya bago kinuha ang baso sa kamay ko at inilapag sa lamesa.

"I called the guards, pina-check ko ang CCTV," sabi naman niya sa akin. "Sana pala, hinatid kita kanina papasok dito," marahang sabi niya.

"Ayos lang, you're here. Salamat..." tumango siya pero nabakas ko pa rin ang pag-aalangan sa mukha niya.

"Did you see the man's face?" tanong niya sa akin.

I nodded.

"Do you know him?" umiling naman ako at nakuyom ko ang kamay. Naalala ko ang takot na lumukob sa dibdib ko nang muntik niya na akong maabutan sa elevator.

"I don't, but I think I can remember him when I see him," sagot ko naman. Nang tingnan ko siya ay nakita kong nakatitig siya sa kamay ko at nang lingunin ko 'yon ay mahigpit na pala akong nakakuyom sa palad ko.

"I rushed out of my car when you called me, good thing hindi pa ako nakakaalis sa parking," sabi niya habang inaabot ang kamay ko. I watched him as he touched my hand and how he removed my fingers one by one to caress my palm.

"Salamat, Attorney. I wouldn't know what would happen if you're not here," sinsero kong sabi at nagbaba ng tingin.

I'm appreciating his touch. It feels comfortable, I feel safe.

"I'm here now, okay? No one can hurt you..." marahang sabi niya at nakita ko ang sinseridad ng mga mata niya. He pulled my hand softly and made me rest on his shoulders. Napapikit naman ako sa bigat ng nararamdaman at hinayaan siyang pakalmahin ako sa pamamagitan ng hawak niya sa palad ko.

We're not talking, just sighing. Dinadama ko ang presensya at init na hatid ng katawan niya at nang may mag-doorbell sa pinto ay kaagad kaming napalingon doon. Mabilis namang hinawakan ni Iñigo ang kamay ko patayo at marahan akong hinila sa may pintuan.

We saw three guards outside, ang dalawa roon ay galing sa monitoring room kaninang umaga.

"Sir, Ma'am..." ani ng isa. "Wala pong nakuhang record sa tao ngayong gabi."

"What do you mean?" seryosong tanong ni Iñigo. Kunot ang noo nito at humigpit ang hawak nito sa kamay ko.

"Mukhang alam po ng suspek ang pwesto ng mga camera dito kaya naiwasan at doon siya dumaan sa blind spots. Mukha pong planado," sagot ng guard kanina.

Nakita ko ang pag-igting ng panga ni Iñigo, I saw how his eyes darken. Nasa isang tipid na linya rin ang labi niya na parang ilang salita na lang ay mapuputol na ang pisi niya.

"Double your security, I will send CCTV cameras here tomorrow morning and watch her unit from time to time. Catch the culprit if you can," anito bago ako nilingon.

Hindi naman ako nakapagsalita. I chewed my lips at umalma ang nagwawala kong puso sa ginagawa niya. Does he really have to do this? I'm just his secretary.

"Okay, Sir," sagot nito bago nagpaalam paalis. Nang tingnan ko sa labas ay may dalawang lalaking nakaitim ang nagbabantay sa pintuan. Naka-suit and tie ito at may earpiece sa isang tainga.

"Who are they?" tanong ko.

"Don't mind them," sagot naman niya at hinila ako papasok ng unit ko. He made me sit on the stool bago kunin ang phone niya sa bulsa.

Tempting The HeiressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon